Fyonna Marie
Hindi ako makatulog, kahit anong position ang gawin ko sa kama ay hindi ko pa rin mapikit ang mga mata ko.
Iniisip ko kasi kung sino ba talaga ang gusto ni Jin, sinabi niyang may gusto siya sa isang babae pero hindi niya sinabing sino.
Bakit ko naman iisipin yun? Ano ba pakialam ko sa babaeng gusto niya?
"Shit. I had enough" Sabi ko at kinapa ang phone ko sa ilalim ng unan. Nag dial ako ng number at nag hintay na may sumagot.
"Anong kailangan mo kapepe?" Inilayo ko ang phone sa tenga ko dahil ayan na naman siya sa dirty language niya.
"I can't sleep Shai" Nag taka ako dahil rinig na rinig ko na hinihingal siya
"91, 92, 93-" Umirap ako at pinatay na ang tawag. Alas tres pa lang ng madaling araw nag pu-push up na siya? Ang aga naman.
Tinignan ko ulit ang phone ko dahil hindi ako susuko hanggat wala akong makakausap.
"Hello? Ang aga mo naman mambulabog? Ano ba kailangan mo?" Inaantok na tanong ni Clea sa kabilang linya
"Eh kasi hindi ako makatulog" Nakanguso kong sabi at tumagilid ng higa paharap kay Ligaya na mahimbing ang tulog. Ang daya, buti pa siya nakatulog.
"Pilitin mo matulog dahil may lakad tayo mamayang eight ng umaga, sa resort ni Isaac. Mag dala ka ng kahit sinong kaibigan okay? Sige na babalik na ako sa pag tulog. And oh, three days tayo doon. Bye" Hindi ko alam na may magic pala ang boses ni Cleassie at bigla nalang ako inantok.
Nag set muna ako ng alarm sa phone bago tuloyang matulog.
Jin
Nakatayo ako sa labas ng bahay ko at hinihintay ang ibang Tigers na nakatira sa dulo ng village,
Nag lalaro ako ng basketball sa phone ko nang mahagip ng mata ko ang sasakyan na huminto sa tapat ng bahay nila Clea at Baxter.
"Hey weirdo" Binalingan ko si Lelantos pero binalik ko agad ang tingin sa sasakyan. Bigla akong napatayo ng maayos dahil sa nakita kong lumabas doon.
"Oh, the cheerleader of your life Lee" Tukso ni Lelantos sabay siko sa tagiliran ko, pero agad din naman siyang natigilan nang makita namin ang kasunod na lumabas mula sa front seat.
"Wow" Iyan ang nasabi ni Lelantos at sabay naming sinundan ng tingin si Fyonna at ang babaeng kasama niya na pumasok sa bahay nila Baxter.
"I didn't know that your cheerleader has a hotie friend weirdo. Like Barbie" Okay na sana ang pantasya naming dalawa pero nasira dahil sa sinabi niyang 'Like Barbie'
What the heck? but in the side, Fyonna looks perfect in her summer dress. So perfect.
"Hoy mga weirdo, tulala yata kayo?" Nataohan kaming dalawa ni Lelantos at nag peke ng ubo,
"Wala, may nakita lang kami kanina" Sagot ko kay Joseph at iginala ang paningin ko sa paligid.
"Nasaan na ba ang iba? eight ang usapan ah" Tumawa si Joseph at napailing
"Si Dylan hindi makakasama, alam niyo na may kinukulong sa bahay niya. Iyong iba naman nag text sakin na mag kita nalang daw tayo doon sa resort ni Isaac" Tumango naman ako at binuksan na ang driver seat ng kotse ko
"Sige, mauna na rin ako. Pakisabi kay Clea at Baxter na nauna na ako" Paalam ko sa kanila at tinangoan naman ako.
Fyonna Marie
"Ano ba naman to'ng pinasuot mo sa akin Ligaya. Hindi ako komportable" Reklamo ko kay Ligaya habang nag lalakad kami papasok sa bahay nila Cleassie.
"Ewan ko sayo ate Fyonna, maganda naman ah at ang sexy mo tignan" Tumaas bigla ang kilay ko dahil sa sinabi niya
"So sinasabi mo na panget ako at ngayon lang ako nag mukhang tao dahil ang suot ako ng summer dress?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tsaka siya nag salita
"Parang ganoon na nga" Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya at nag patuloy na sa pag lalakad
"Oh, andiyan na pala kayo" Bungad sa amin ni Cleassie na karga karga pa ang baby niya "Baxter! Tara na, ang bagal mo talaga kumilos. Dinaig mo pa babae eh" Natawa kaming dalawa ni Ligaya dahil sa sinigaw ni Clea.
"Akin na nga muna iyang inaanak ko" Sabi ko at kinuha si Brandon sa kanya. Baby pa lang pero makikita na kung saan talaga nag mana. Latinong latino ang dating.
"Ay Clea, ito nga pala si Ligaya. Kaibigan ko siya at isa siyang model sa ibang bansa" Nag kamay silang dalawa at nag usap sandali bago pa dumating si Baxter.
"Let's go, Mi Esposa"
Jin
Pag baba ko ng kotse ay tanaw ko agad mula dito ang mga weirdo kong kaibigan.
"Kaya pala halos walang tao ang village mga gago kayo. Nag unahan pa kayo dito" Bungad ko at napalingon naman silang lahat sa akin
"Nice, ang bagong lover boy natin ngayon mga weirdos" Inungusan ko lang si Fiennes at umupo sa may bangka malapit sa pampang.
"Sila Lelantos, Baxter at iyong iba pa nalang ang kulang. What d'ya think weirdos? Mauna na tayo?" Nilingon ko ang kalsada. Ang tagal naman nila? Gusto kong makasabay si Fyonna papuntang isla eh.
"Weirdo, tara na. Doon mo nalang hintayin ang cheerleader of your life, dahil may plano kami para sayo" Hindi ko mapigilan na taasan ng dalawang kilay si Isaac dahil sa sinabi niya.
"Ano namang plano yan? Kalokohan?" Tumawa si Isaac at itinuro ang isla niya na medyo may kalayoan sa pampang
"That is what I call heaven, and in minutes later we'll going to feel and inhale the beauty in that heaven so let's go and we're going to prepare your big night in my place called heaven" Bigla akong nandiri sa klase ng pag English ni Isaac. A Russian man trying to speak in English is kinda hell.
"Mag aral ka muna ng English language bago mo ako kausapin" Sabi ko at tinapik ang balikat niya.
Nag tawanan ang iba, habang si Isaac ay umiiling na nakatingin sa phone niya na hula ko ay nag translate siya.
Fyonna Marie
Hindi ko alam kung mabagal lang talaga mag patakbo ng kotse itong asawa ni Cleassie o talagang bumabagal na ang Ferrari ngayon?
Sa tantya ko kasi mag iisang oras na kaming bumabyahe, eh sa pagkakaalam ko nasa forty five minutes lang kung bibilisan sa pag mamaneho.
Ano to? Joke?

BINABASA MO ANG
Tiger 4: Jin Lee (COMPLETED)
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Crush is pag hanga, kapag hindi nawala pag ibig na yata. Hindi naniniwala si Fyonna Marie Casanova sa walang kwentang kasabihan na yan. eh ano naman kun...