Fyonna Marie
Tahimik kaming dalawa ni Cleassie habang kumakain, sila Baxter at ang ibang kasama namin sa mesa lang ang nag uusap kaya naman nakakailang.
"Oh I forgot the most awaiting for this dinner" Biglang sabi ni mama at hinawakan ako sa balikat kaya natigil ako sa pag kain.
"This is my daughter, Fyonna Marie. Darling, he is Miguel Fonsi" Ang sarap lang sagotin ng 'No need to introduce mama, I know that guy because he's a member of Eagle duh.' kaso tumahimik lang ako dahil ayaw kong maging bastos.
"Say hi to her Miguel" Utos ng mommy ni Fonsi sa kanya,
"Ciao bella signora" Naningkit ang mga mata ko at sinukat siya ng tingin.
"Excuse me Mr.Fonsi, don't speak Italian in front of me. Det är irriterande" Naningkit din ang mga mata ni Miguel at biglang dumukwang sa mesa para mailapit sa akin ang mukha niya.
"Don't speak Swedish in front of me" Sasagot pa sana ako pero agad din naman kaming sinaway ng mommy niya
"Stop it you two. Kailangan niyo mag kasundo simula ngayon dahil engaged na kayo" Tumahimik ako sandali at tumingin sa mommy ni Miguel pati na rin kay mama
"So it is true then, ipapakasal niyo talaga ako sa taong hindi ko naman mahal" Tumingin si mama sa akin na pinatatahimik ako, pinunasan ko ang bibig ko at tumayo
"Excuse me, I'll go to the bathroom" Umalis ako sa mesa namin at hindi talaga sa bathroom ang punta ko, kung hindi sa Kitchen nitong Restaurant.
Every Restaurant has an exit in the kitchen, pag pasok ko sa kitchen ay pinagtitinginan ako ng mga tagaluto at tagahugas pero nag patuloy pa rin ako sa pag lakad.
Nang bubuksan ko na sana ang exit door ay naunahan ako ng kung sino man na nag bukas nito sa labas, umatras ako para mabuksan noong papasok ang pinto.
Pero ganoon nalang ang gulat ko nang makita ko na si Jin ang pumasok,
"Fyonna? What are you doing here?" Luminga ako sa paligid at sakto naman na bumalik na sila sa kanilang trabaho kaya hinawakan ko si Jin sa kamay niya at hinila siya palabas.
"Wait" Tumigil ako sa pag lalakad at tinaasan ng kilay si Jin, napadpad ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya pero hindi ko inalis iyon.
"Sa mga novel na babasa ko, hindi babae ang humihila ng kamay" Sabi niya at pinagpalit ang kamay namin, kaya ngayon siya na ang may hawak sa akin at ako na ngayon ang hila-hila niya.
Hindi ko maiwasan na ngumiti dahil sa side niyang ito, in just a second nalaman kong nag babasa siya ng novel.
"Where to go miss?" Tanong niya nang makasakay kami sa kotse niya, tinignan ko ang damit ko. Ang elegante ng damit ko kaya dapat hindi to masasayang.
"Restaurant" Tumingin si Jin sa akin na natatawa at umiling
"Meniotios Restaurant is the best Restaurant in the whole wide world at nanggaling ka doon kanina. Pero ngayon nag hahanap ka ng iba?" Sa sinabi niyang iyon ay bigla akong napaisip.
Kung hindi ako mag hahanap ng iba, hindi rin ako sasaya. Aanhin ko ang 'the best' kung hindi naman ako masaya.
"May nangyari lang kasi. Ipagmaneho mo nalang ako Jin para naman may silbi ka" Biro ko sa kanya. We used to talk like this when we're still in high school days kaya hindi awkward kahit na anong sabihin ko sa kanya ngayon.
"As always. Bossy"
Nakarating kami sa isang kilalang Restaurant, pinag buksan niya ako ng sasakyan at tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay, sakto namang may narinig kaming tugtug na 'Love me like you do' gamit lang ang violin.
"So romantic" Sabi ni Jin at hinalikan ang likod ng palad ko kaya natawa ako at tumungo para maitago ang namumula kong pisnge.
"Let's go, mabuti nalang at medyo formal ang suot ko, bagay lang sa suot mo. Parang tayo, bagay sa isa't isa" Tumawa ako dahil feeling ko nagiging awkward pag ganito ang usapan.
"May tinatago ka palang kamaisan Jin Lee" Bigla akong napakurap dahil sa pag lapat ng kamay niya sa bewang ko at iginaya ako papasok sa Restaurant.
"Wala akong tinatago na Corn Field Fyonna Marie, and I'll take that as a complement" Tumawa kaming pareho, pinag hila niya ako ng upoan at agad naman akong umupo.
Tumingala ako sa loob ng Restaurant dahil sa tugtug na sumunod. 'Wedding Dress' pero piano lang ang gamit na tugtug.
"That song has a sad meaning" Nabaling kay Jin ang attention ko nang sabihin niya iyon. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti siya sa akin.
"The guy in that story, loved a woman who's owned by his friend" Yumuko ako at pinakinggan ng mabuti ang tugtug.
"So sad. I pity him" Tumango-tango si Jin,
"It's a Korean song by the way" Ngumiti ako, dumating na ang order ni Jin na pagkain kaya nag simula na kaming kumain pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya tungkol sa tugtug.
"Kapag ba nag mahal ka pero pag mamay'ari na ng iba. Anong gagawin mo?" Hindi ko alam kung saan galing ang tanong ko na iyon, pero hinihintay ko talaga ang magiging sagot niya.
"Hahayaan ko siya, kung doon siya masaya. Pero ipaglalaban ko siya kung sa akin siya masaya" Sagot niya na ikinatigil ko "Kahit masaktan man ako ng ilang beses, lalaban pa rin ako hanggang sa makuha ko siya sa iba"
"Sobra ka palang mag mahal. Dapat mag tira ka rin ng para sa sarili mo" Comento ko sa sinabi niya at sumubo ng pagkain.
"Naniniwala kasi ako na kapag mahal mo, hindi mo titipirin. Spoiled baga" Natawa ako sa sinabi niya at umiling, nang mag iba na ang tugtug ay tinignan niya ako
"Parang tugtug lang ngayon 'all of me' diba?" Kumalat sa buong Restaurant ang tugtug na 'all of me' gamit ang violin.
"Kaya ang payo ko sayo. Huwag ka mag mahahal ng babaeng pag mamay'ari na ng iba" Sabi ko at malungkot na ngumiti. Ano ba naman to'ng pinag sasabi ko?
"Huwag kang mag aalala, sa pagkakaalam ko kasi wala pa'ng nag mamay'ari sa babaeng gusto ko" Tumunghay ako sa kanya at nag katitigan kami
"Mabuti naman" Sabi ko at bumalik na sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Tiger 4: Jin Lee (COMPLETED)
Fiksi UmumWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Crush is pag hanga, kapag hindi nawala pag ibig na yata. Hindi naniniwala si Fyonna Marie Casanova sa walang kwentang kasabihan na yan. eh ano naman kun...