Fyonna MarieHindi ako makaupo ng maayos sa sofa ng rest house ni Isaac dahil masakit pa rin ang pagkababae ko.
Hindi ko naman alam na masakit pala talaga lalo na pag tapos ng nangyari, pero mas masakit pag umihi ka. Parang sugat na nalagyan ng alcohol.
"Saan ba kayo nag susuot kagabi ha? Bakit ngayong umaga lang kayo nakauwi?" Usisa ni Clea na nakapamewang sa harapan ko,
Kasama namin sila Faith at Ligaya at ang mga Tigers naman ay nasa kusina, nag luluto ng breakfast.
"Sa private place ni Jin" Naningkit ang mga mata ni Clea kaya hindi ako makatingin ng maayos sa kanya
"Aware ka ba na madaling mabuntis ang lahi natin Marie? Malamang hindi. Umamin ka, may nangyari ba sa inyo?" Dahan dahan akong tumango kay Clea at yumuko.
Grabe para akong bata na napagalitan ng nanay. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Clea at umupo sa tabi ko,
"Well, mas okay na rin na mabuntis ka" Hindi ako makapaniwa na tumingin sa kanya at ganoon na din sila Ligaya at Faith.
"What? Kesa naman makasal ka kay Miguel, aba sisigaw talaga ako sa simbahan pag nagkataon" Mataray sa sabi ni Clea kaya wala kaming masabi.
Jin
"Tsk, I can't believe this! iniisa isa na tayo" Natawa kaming lahat sa sinabi ni William,
"Ang sabihin mo, naiinis ka kasi malapit ka na" Nag tawanan ulit kaming lahat, maliban kay Lelantos na mukhang binagsakan ng langit at lupa dahil sa itsura niya.
Siniko ko si Victor at ininguso si Lelantos
"Anong nangyari diyan?" Nag kibit balikat lang si Victor kaya pinagpatuloy ko na ang pag piprito ng isda.
"Weirdos, nag text nga pala si Dylan. Sinabi niya na isasama niya si Angelic ngayong linggo sa pag sisimba" Anunsyo ni Fiennes, tumango tango naman ako at napatingin kay Baxter nang tapikin niya ako sa balikat.
"Totohanan na ba iyang sayo? You know, Fyonna is Cleassie's cousin so may karapatan na din akong manghimasok sa inyo pag nag kandaloko-loko na" Ngumiti ako ng malapad habang nasa piniprito pa din ang tingin ko.
"Alam mo weirdo, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nahulog na ako sa isang babae" Natawa naman si Baxter at tinapik ako sa balikat,
"Ganyan talaga, pag nakita mo na ang the one" Binigyan kami ng Tigers ng tingin na nandidiri,
"Pag kayo talaga nahulog sa isang babae, pag tatawanan ko kayong lahat. Tandaan niyo yan!" Pang-aasar ni Noe at nag turoan naman ang iba,
God, they're so weird.
Fyonna Marie
Kanina pa kami daldal ng daldal nila Clea at Faith pero si Ligaya ay tahimik lang kaya hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tawagin siya
"Ligaya, you are so quite the whole time" Nilingon naman ako ni Ligaya at huminga siya ng malalim. Parang pasan niya ang mundo dahil sa mukha niya.
"My manager want me back very soon for the fashion show" Tumayo ako sa sofa at tinabihan siya ng upo, tsaka ko hinaplos ang buhok niya
"Para sa fashion show lang daw ba?" Umiling naman kaagad si Ligaya at ginawang unan ang legs ko,
"I'll be gone for a year. After the fashion show, we'll having a big project for pictorial in any countries na mabubunot ko" Bigla tuloy akong nalungkot para kay Ligaya. Pag kasi nag sisimula na naman ang pictorial niya ay controlado na ang kinakain niya at kailangan mag exercise araw araw. Ikaw ba naman ang model.
"You'll be okay. Kailan ang alis mo?"
"Pag uwi natin, mag iimpaki na ako para umalis" Tumango tango nalang ako, maya maya pa ay may humawak sa balikat ko at hinalikan ako sa pisnge.
"Come on, the breakfast is ready" Malambing na anyaya ni Jin at tinapik sa balikat si Ligaya
"Ligaya, breakfast is ready. Come on" Tumayo na si Ligaya kaya tumayo na rin ako at inalalayan naman ako ni Jin,
"Hindi mo na ako kailangang alalayan" Sabi ko pa sa kanya pero umiling lang siya
"Pinagod kita kagabi kaya aalalayan kita" Bigla tuloy akong namula dahil sa sinabi niya.
Grabe, deretsahan agad? wala man lang pasikot sikot?
"Tan tan, tanananan tan tan tananan tanan, tananan tananan tananan tananan" Bigla akong natawa dahil sa ginawa ni Isaac, at agad naman siyang inungosan ng Tigers kaya nag taka siya
"What?" Si Isaac,
"Okay na eh, maganda na sana kaso pang-graduation ang kinanta mo. Tsk" Nag tawanan kami at si Isaac naman ay chineck ang phone niya.
"Fuck! So it's a graduation song that I've been singing all this time?" Umiling naman si Jin at pinaghila ako ng upoan kaya umupo na rin ako
"Wish you luck next time weirdo" Asar ni Jin kaya tinaasan siya nito ng gitnang daliri at nag tawanan na naman kaming lahat, maliban kay Ligaya at Lelantos.
Ano naman kaya nangyari sa kanilang dalawa?
"Kumain na nga lang tayo! Lipas gutom lang yan" Saway ni Clea at sininyasan ang lahat na tumingin kay Lelantos at Ligaya.
Nakita ko naman si Nyle na suminyas din nang hindi niya alam at ganoon rin ang iba.
"Ahem!" Nag peke ako ng ubo kaya nag angat ng tingin ang dalawa at tumingin sa akin.
"Mind sharing your problem guys?" Tanong ko, nag tinginan silang dalawa at nag iwas lang din ng tingin kaya kumunot ang noo ko,
"Weirdo, gusto mo mag laro ng Barbie?" Pag iiba ni Jin ng usapan. Pero nagulat ako na umiling si Lelantos sa kanya
"I don't want to play with barbie. She will leave me soon so why would I play with her?" Hanodaw? Taka akong napatingin kay Ligaya nang sumama ang tingin nito kay Lelantos at umirap sabay subo ng kanin at ulam.
"Tss" Iyan lang ang naging reaction ni Lelantos at kumain na din kaya sumabay na kami sa pagkain at kunwari walang narinig at nakita.
"Sa tingin mo Cheer? Anong nangyari sa kanilang dalawa?" Bulong ni Jin, tumingin muna ako kay Lelantos at Ligaya tsaka siya sinagot.
"I don't know. Huwag na tayo mang-himasok pa sa kanila" Tumango naman si Jin at itinapat ang kutsara niya sa akin na may lamang kanin at gulay.
Tinanggap ko iyon at siya naman ang sinuboan ko. So sweet.
"Kinakagat ba kayo ng langgam?" Rinig kong tanong ni Victor pero hindi ko na siya pinansin.
"Langgam? Kanang nag kamang o nag lupad?" 'Langgam? yung gumagapang o lumilipad?'
Gusto kong matawa sa tanong ni Fiennes pero pinigilan ko kasi sinuboan na naman ako ni Jin."Tsk. Bahala ka dihaa uy. Mokaon nalang ko ug tiwas" 'Bahala ka na nga diyan. Kakain nalang ako'
BINABASA MO ANG
Tiger 4: Jin Lee (COMPLETED)
Genel KurguWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Crush is pag hanga, kapag hindi nawala pag ibig na yata. Hindi naniniwala si Fyonna Marie Casanova sa walang kwentang kasabihan na yan. eh ano naman kun...