CHAPTER 9

25.8K 646 8
                                    

Fyonna Marie

Mabilis na lumipas ang araw, nakauwi na kami at nakaalis na din si Ligaya papuntang England.

Ngayon naman ay back to zero na ako at nakatambay na naman sa office ko habang nag hihintay ng papipirmahang papelis.

Alam ko kasing nag simba sila Jin ngayon kasama ang Tigers at sila Clea kaya hindi ko rin siya matext. Bagot na bagot akong sumandal sa upoan ko at ipinikit ang mga ko,

"Hey" Agad akong umuyos ng upo at tinignan kung sino ang pumasok, hay.. Si Miguel lang pala.

"What are you doing here?" Takang tanong ko sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay at walang pasabi na umupo sa sofa na nandito sa office ko.

"You're my fiancé kaya natural lang na nandito ako. Napilit lang din ako ni mommy" Inirapan ko siya at bumalik sa pagkakasandal nang mag salita ulit si Miguel.

"I've heard, nag kakamabutihan na kayo ni Lee" Tinaas ko ang isang kilay ko habang nakapikit at hinilot ang sintido ko,

"Hindi ko alam na tsismoso ka pala Fonsi" Umingos siya at tumayo tsaka may inihagis sa mesa ko kaya minulat ko ang mata ko.

Isang maliit na kahon, kulay black.
Pag bukas ko ay nakita ko ang isang engagement ring na may black diamond sa gitnang unahan nito. Totoo diamond.

"What's this?" Tanong ko pa sa kanya at naiinis naman siyang tinignan ako, so what? hindi ako matitinag sa isang tulad niya.

"Isuot mo, o baka gusto mo ako pa mag suot sayo niyan?" Pabalang niyang sabi at akmang aalis na siya pero nag salita ako,

"Come on Fonsi, alam nating dalawa na hindi natin mahal ang isa't isa. Bakit hindi natin sabihin sa mga magulang natin?" Nilingon ako ni Miguel ng may ngisi sa labi at mapang-asar na tingin.

"Gusto ko lang maranasan ni Jin Lee ang pag katalo. Kung hindi ko siya matatalo sa Basketball, matatalo ko naman siya sayo" Umiling ako at tumawa ng bahagya at tumayo.

"You'll lose Fonsi. Kahit anong gawin mo, at sa kahit anong anggulo tignan ay talo ka pa rin. Stop playing around Miguel Fonsi" Sabi ko, pero hindi niya ako pinakinggan at lumabas na ng tuloyan.

Huminga ako ng malalim at bamalik sa pagkakaupo. Tinignan ko ulit ang sing sing at itinago sa drawer.

No way in the hell that I would wear that thing.

Biglang nag ring ang phone ko kaya agad kong tinignan kung sino, at nang makita ko ang pangalan ni Jin ay mabalis ko itong sinagot.

"Hey Player" Nakangiting bungad ko at narinig ko naman ang pag tawa niya sa kabilang linya,

"Hey Cheer, pauwi na ako ng bahay. Mag papaalam lang sana ako sayo" Bigla tuloy akong kinilig sa simpling pag papaalam niya.

"Bakit? Saan ba punta mo?" Tanong ko at sumandal sa upoan ko,

"Sa kapit bahay lang naman. Kela Dylan, mag papainom kasi siya. So pwede ba ako?" Palihim akong tumawa at kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko,

"Of course, basta huwag ka lang iinom ng marami okay? Mag kikita pa tayo bukas" Malambing kong bilin at nag 'okay' naman siya bago pinatay ang tawag.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil may inasahan akong salita na lalabas sa bibig niya bago matapos ang tawag. But never mind.

Binuksan ko ang drawer ko at tinignan ulit ang sing sing. If he's ruining my life, then I should his life too.

Nag dial ako sa phone ko at hinintay na sumagot ang taong alam ko na matutulongan ako.

"Oh? Napatawag ka? Nanunuod ako ng porn. Wrong timing ka naman" Hindi ko pinansin ang pag aamok ni Shaina,

"Hanapin mo ang profile ni Miguel Fonsi" Natahimik sandali si Shaina at maya maya lang ay nag salita na siya

"Anong gagawin mo sa profile niya? Tsk. May binabalak ka ba na labag sa batas ng kapolisan?" Napairap tuloy ako sa pinag-sasabi ng babaeng to.

"Basta, ibigay mo nalang sa akin. Hindi naman labas sa batas niyo ang gagawin ko. Bilis!" Narinig ko ang pagtitipa ni Shaina sa at nag salita na agad siya

"Miguel Fonsi, twin brother: Armando Fonsi. May girlfriend at napag-alamang buntis pero hindi pa alam ni Miguel. Currently–wait. Tangina ka, Fiancé mo?!" Gusto kong pag tawanan si Shaina pero wala pa ako aa mood tumawa. Wait, ang weird ko pakinggan pag ganoon.

"Sabihin na nating oo, sige pag patuloy mo" Utos ko sa kanya at nag patuloy naman siya

"Currently engaged with Fyonna Marie Casanova, Miguel Fonsi is helping the Casanova Empire because of its low rating. Teka, bumababa ang rating niyo?" Huminga ako ng malalim at pinaikot ikot ang swivel chair bago sumagot sa tanong ni Shaina.

"Yeah, actually nalaman ko lang yan noong nag dinner kami kasama ang pamilya ni Miguel. Kaya para tumaas ulit ang rating ay kailangan kong makasal sa kanya" Paliwanag ko, tumahimik si Shaina at hindi nag tagal ay nag salita ulit siya.

"Mas mayaman si Jin Lee sa kanya. Bakit hindi siya ang pakasalan mo?" Tanong pa niya sa akin.

"I'm planning Shaina, kaya ko hiningi ang profile ni Miguel"

Jin

Pahiga na sana ako sofa dito sa sala ay biglang may nag door bell kaya tamad akong nag lakad papunta sa pinto at binuksan ito pero wala namang tao.

Luminga linga pa ako sa piligid bago tignan ang ibaba, may sulat.

Pinulot ko ang sulat at binuklat tsaka binasa ang nakasulat doon.

"I want you to witness our vow to each other and I want you to know that you are going to lose big time Jin Lee" Bahagyang tumaas ang dalawang kilay ko dahil hindi ko maintindian ang pinag sasabi nitong nag padala ng sulat.

Vow? Going to lose? Oh come on fuck me! Sino ba to?

Kunot noo akong pumasok ng bahay at kinuha ang phone ko para tumawag sa isang tao na makakatulong sa akin.

"Yes hello?" Nag lakad ako paunta sa pool side ng bahay ko at tinitigan ang sulat.

"Inspector Smith. May ipapa-embestiga akong sulat sayo. Ipapadala ko diyan ngayon" Sabi ko at nag lakad palabas ng bahay

"Sulat? Is it a Death threat?" Mabilis akong nakarating sa guard house at inabot ang sulat sa isang lalaki

"Nah. It's not like that. Pero gusto kong malaman kung sino ang nag padala ng sulat" Sabi ko sa Daddy ni Dylan Smith.

"Okay, Hihintayin ko ang sulat"

"Thanks" Nang pinatay na ni Inspector or should I say Uncle ang tawag ay hinarap ko ang lalaking binigyan ko ng sulat

"Dalhin mo iyan sa malapit na police station. Katapat ng Dutch Hospital" Tumango naman agad ang lalaki at umalis na kaya tumalikod na din ako nag lakad pauwi ng bahay.

I'm so curious.

Tiger 4: Jin Lee (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon