Fyonna Marie
After a hundred years. Joke, matapos ang byahe ay nakarating din kami sa isang dagat at nalaman kong kailangan pa namin sumakay ng speed boat para makapunta sa mismong isla or resort ni Isaac.
Grabe, hindi ko talaga alam na ganito na sila kayaman. Dati, pakapalan ng mga mukha ang tigers na umutang sa canteen kasi hindi sila binibigyan ng pera ng mga magulang nila.
Ngayon? may mga sarili ng kompanya at mga ari-arian. Hindi mo talaga masasabi kung anong mangyayari sa isang tao makalipas ang ilang taon.
"Marie, kaya mo naman mag drive ng speed boat diba? So tara na at hinihintay na tayo doon" Tumango ako kay Cleassie at hinanap agad si Ligaya pero hindi ko na siya mahanap.
"Iyong kaibigan mo ba? Nauna na, kasama si Lelantos kaya tara na Fyonna" Nilingon ko si Joseph na nag aayos ng gamit at dinala sa speed boat.
Walang hiya naman to si Barbie lover, kinidnap pa kaibigan ko.
Umingos ako at sumakay na sa speed boat na gagamitin namin ni Joseph"Huwag mo nga ipakita sa akin ang mukhang yan Fyonna. Hindi ka pa rin nag babago" Sinamaan ko ng tingin si Joseph pero natigil ng may maalala ako.
"Diba kasal ka na? Where's your wife?" Sumama ang timpla ng mukha ni Joseph at pinaandar ang speed boat.
"Hindi ko siya kilala" Natawa ako at umiling
"Pinagkasundo lang kami and then boom, I'm already married to a woman whom I doesn't even know" Bigla ko tuloy naisip na engaged na pala ako sa isang taong hindi ko naman mahal at hindi ko rin nakikita ang sarili ko na kasama si Miguel.
Jin
"Come on weirdo, turn around" Umikot naman ako dahil kanina pa ako pinagkakaisahan ng mga kaibigan ko.
Nakasuot ako ngayon ng isang gray T-shirt at beach short, kanina pa nila ako pinagpapalit ng damit at pinapaikot sa harapan nila. Mga baliw.
"Perfect! Sige itago niyo na si Lee, ako ang sasalubong kela Baxter" Mabilis akong hinila ni Noe at Nyle papasok isang kwarto matapos iyon sabihin ni Faith,
"Ano ba talaga ang nangyayari? Hindi ko kayo maintindihan. Tss mga weirdo" Pinaupo ako ni Noe sa kama at sumilip naman si Nyle sa bintana
"Basta makinig ka nalanag sa amin. Alam mo ba na galing pa akong America at nalaman ko na may kaganapan pala ngayon kaya sumama na ako kahit pagod ako sa byahe" Sabi ni Nyle at umupo na din sa kama
"Kahit saan ka naman mag punta malakas pa rin radar mo, para ka'ng bakla" Tumawa kaming dalawa ni Noe kaya sumama ang tingin ni Nyle
"Kung hindi lang talaga maayos iyang buhok mo tangina ka kanina pa kita dinakdakan ng bola sa ulo" Mas lalo kaming natawa ni Noe dahil sa madaling mapikon si Nyle sa simpling biro.
Fyonna Marie
Tinulongan ako ni Joseph na makababa sa speed boat, binuhat niya ako at pinasout ng tsenilas pag katapos akong ibinaba sa buhanginan.
"Wow, ang ganda naman dito. I love white sand" Namamanghang puri ko sa isla dahil sa ganda at linis ng kapaligiran.
"Oh my god! Nandito na kayo. Come on girls, sila Joseph na ang bahala diyan" Excited na sabi ni Faith at hinila kaming dalawa ng Cleassie kaya hinila ko din si Ligaya na busy sa pag kausap kay Lelantos
"Sorry Lan, mamaya na kayo mag usap ni Ligaya!" Sigaw ko ng makalayo na kami.
Dinala kami ni Faith sa isang kwarto na puno ng nag kalat na summer dress at kung ano ano pa,
"Okay ganito ang gagawin natin girls. First of all, Hi Ligaya I'm Faith Angel Naga-Meniotios. So Cleassie ikaw ang bahala sa buhok ni Fyonna and you Ligaya lagyan mo ng kaonting make up si Fyonna at ako naman ang mag hahanap ng bagay na damit para sa kanya" Kumunot naman ang noo ko dahil sa pinagsasabi ni Faith, hinila ako ni Clea at Ligaya paupo sa harap ng malaking salamin kung saan nakahilira ang mga make up at mga kagamitan sa buhok.
"What the hell is this girls? Ano ba nakain niyo?" Walang sumagot sa akin. Sinimulan na ni Clea na ayosin ang buhok ko at si Ligaya naman ay pinahiran na ng kung ano ang mukha ko kaya wala na akong magawa kung hindi sumabay nalang. Go with the flow lang.
"Found it!" Sigaw ni Faith at lumapit sa amin tsaka siya may hinanap. Binigay ni Faith kay Cleassie ang isang Flower crown,
"Here Clea, pag tapos mong kulotin ang buhok niya, ilagay mo ito okay?" Grabe ginawa naman nila akong kalatan ng halaman.
"Huwag kang malikot Marie kung ayaw mong kalbohin kita" Ngumuso ako sa harap ng salamin dahil kanina pa ako clueless sa mga nangyayari.
"Close your eyes ate Fyonna" Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko naman na may nilagay si Ligaya na make up kasabay naman ang pag suot ni Clea sa akin ng flower crown
"Oh my god! Open your eyes na Fyonna!" Walang gana akong dinilat ang mata ko at ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko dahil sa nakikita ko sa salamin
"Tell me, ako ba talaga to?" Manghang tanong ko at hinawakan ang kulot kong buhok.
"Gaga, ikaw yan Marie. Mag bihis ka na" Inabot ni Faith sa akin ang summer na dress na kulay puti ay may design na mga bulaklak.
Pumasok ako sa CR at nag bihis na.
Jin
"Weirdos, ilabas na natin si Jin. Doon na daw tayo mag hintay dahil tapos na sila" Bungad ni Victor at hinawakan naman ako ni Nyle sa braso at hinila na palabas.
"This is it weirdo, galingan mo okay? make me proud" Sinamaan ko ng tingin si Nyle dahil wala talaga akong naiintindihan sa mga nangyayari
Nag lakad kami patungo sa likod ng bahay, nakita ko na may kubo doon at maraming bulaklak sa paligid. May mga rose petals sa daan at may mga paro-paro na lumilipad sa paligid.
All I can say is 'this is heaven'. So perfect and beautiful place to have a date with the woman you love.
"Dito ka lang mag hintay okay?" Sabi ni Joseph at tinapik naman nila ang balikat ko bago ako iniwan na nakatayo malapit sa kubo.
BINABASA MO ANG
Tiger 4: Jin Lee (COMPLETED)
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Crush is pag hanga, kapag hindi nawala pag ibig na yata. Hindi naniniwala si Fyonna Marie Casanova sa walang kwentang kasabihan na yan. eh ano naman kun...