Promise
Our ride to the Rancho wasn't long. It was actually just two to three barangays away from the hacienda. Maalakibok lalo pa at kasagsagan ng init ng araw. Sa magkabilang bahagi ng daan patungo roon ay malawak na palayan.Mananatili kami rito ng ilang araw para matutukan ni Voyd ang pagsisimula pa lamang ng Rancho. Bukod doon ay rito muna ako para sa physical therapy ng aking paa ayon na rin sa suggestion ni Doc Alfonso.
"Are these yours?" manghang tanong ko habang sinusuyod ng mata ang tila walang hanggang palayan.
The rice fields were brown because of the mud with few green stalks of rice. Farmers covered with long sleeves, a hat and rubber boots were busy planting rice shoots. Tanaw ko ang bulubundukin at malinaw na langit sa likod ng kapatagan.How I wish I had painting materials with me. I could've painted it by now.
"Magkasosyo kami ni Papa rito. We started exporting rice way back in college."College? Mangha ko siyang tiningnan na seryosong nagmamaneho. Ilang taon na siya ngayon? Ang yaman niya na pala kung tutuusin!
Lumiko pakaliwa at tinahak ng sasakyan ang makipot na daan. Sa unahan ay two-storey resthouse na nakatayo sa gitna ng malawak na palayan.
"Akala ko ba Rancho ito?"
Nag-kibit siya ng balikat.
"Ilang kilometro lang layo nito mula sa Rancho. Originally, itong rice fields lang ang pag-aari namin. But the Rilleras sold their Rancho because of its near bankruptcy. They only get what they can salvage and sold their other properties to pay debts, including the Rancho."
"Rillera?"
Lumingon siya. Ipinarada ang kotse sa harap ng two-story wooden house.
"Family friend." Aniya bago bumaba.Sinalubong kami ng iilang tao roon. They were all smiles as they greeted and talked to him.
"This is Margo, my fiancée..." he introduced me to his farmers.
Magiliw rin ang pagtanggap nila sa akin. Katulad sa mansion, they also addressed me as señorita.
"Nasa Rancho pa ho si Sir Zacharias at Ma'am Jela para tingnan ang manganganak na kabayo." The oldest and I guess the overseer of group told him.
Tunog ng paparating na kabayo ang umagaw ng aming atensiyon. A man with broad shoulders, sun-kissed skin and soulful eyes is expertly maneuvering the horse.Ngumiti sa akin ang lalaki pagkatama ng aming tingin. I did not smile back.
"Ah narito na pala sila!"
Nakasunod naman rito ay isang babae sakay ang dark brown na kabayo. The girl was tall, has long black hair and bronze skin. Her curves showed as she unmounts from the stallion.
"Voyd!" tumili ang babae pagkababa.Without warning, the girl run unto my fiancé and hug him right in front of me. Dumapo ang tingin ko sa braso niyang nakalingkis sa leeg ni Voyd.
What the hell is happening?I can feel the rage and self-pity slowly unfolding inside me. I looked away as my insecurities were trying to eat me alive. Maganda ang babaeng ito. Matangkad rin. She would pass as a supermodel.
Magmumukha akong ordinaryo kung ipagtatabi kami. Idagdag pang nakasaklay ako para lang makatayo ng maayos!
"Hands off, Jela." Dinig kong sabi ni Voyd ngunit di ko siya nilingon.
Nagningas lang lalo ang iritasyon ko. Really, what are Voyd's motives of bringing me here? Para ba ipamukha sa akin kung gaano ako ka-miserableng tingnan sa harap ng kaibigan niya at babaeng ito!
Tamad na naglalakad palapit iyong lalaking kasama niya. Gamit ang pagod nitong mata ay pinanood kami. Gumuhit uli ang ngiti nito nang nagtagpong muli ang tingin namin.
BINABASA MO ANG
Love, Lies and Alibis (Henares Series #1)
General FictionHow far will you go for the people you love? Are you willing to be damned just to have them? How much are you going to sacrifice? And how many times are you willing to forgive? Can you accept the reasons behind the lies? Is your love enough to overl...