Seventeen

9 1 0
                                    

Danger

Fear is the most cunning feeling of all. It freezes and shut your whole system down. Disabling your ability to move and think straight.

Sa nakalipas na minuto ay hindi ko maigalaw kahit ang mga daliri ko. Voice stuck in my throat. Kahit na gusto ko nang sumigaw wala namang lakas para bumukas ang labi.

This can’t be real! Someone must’ve been playing pranks on me. Iyon ang kumbinsi ko sa sarili.

But the loud thudding on my chest says otherwise. The fear crawling in my skin is too evident to ignore. Alam ko sa sarili kong hindi biro ito. Walang sinuman sa hacienda ang mangahas na gumawa ng ganuon sa akin.

Not someone that I know of.

Kung ganuon, sino ito at paano nakapasok sa kwarto ko? Ligtas na nga ba talaga ako rito?

Sa nanginginig na kamay ay sinunog ko ang note. Hindi ako pwedeng magpadala sa takot. Someone trespass my room and left a threat. Obviously, its sole purpose is to scare me. So that I can make drastic decisions out of fear.

I won’t give them that satisfaction. Ngayon ko naintindihan ang matigas na desisyon ni Voyd na manatili ako rito. He gave up on our relationship just so I won’t leave. Hinding-hindi ako aalis.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag pagkakitang natupok na ng apoy ang buong papel at sobre nito. Nanlalatang napaupo ako sa kama.

There will be more of this coming. Nasisiguro ko iyon. Kailangang maging handa ako.

Nabasag ang pagmuni-muni ko nang dumating si Voyd. Nangunot agad ang kilay niya pagkapasok.

“Are you okay? Namumutla ka.”

Tumunghay ako sa kanya. I doubted him for several times. Ngayon ko lang na-realize na kapakanan ko ang laging inuuna niya. How foolish of me to think ill of him.

“Sia…”

His cautious, gentle voice became my undoing. Humalagpos ang takot na kanina ko pa pinipigilan. Tinakbo ko ang distansya namin at dinamba siya ng yakap.

“Hey…”

Hinaplos niya ang buhok ko matapos akong binalot ng mga bisig niya.

“Does your head hurt?”

Kahit masuyo ang boses niya, parang punyal iyon sa aking dibdib. Paulit-ulit akong sinasaksak. Reminding me how terrible I treated him.

I have hurt him in more ways than one. We both know that I didn’t trust him. And yet he’s still here for me. Assuring me that everything’s fine despite my lack of memories. Protecting me.

At kahit anong mangyari, sa kanya pa rin ako tatakbo. No matter how hard I tried to push him away, I would still run to him no matter what. When I’m hurt. When I’m scared. And when I’m happy.

“Sia… Please say something, babe. You’re scaring me.”

I buried my face to his chest. Hindi ko pa kayang magsalita nanginginig pa maging ang boses ko.

“Jesus! You’re trembling!” Sa mabilis na kilos ay nakaupo na kami sa kama. Hindi ako bumibitaw ng yakap at ganuon din siya.

“What’s the matter, Sia?”

Kiniskis niya ang palad sa aking likod at braso. Trying to warm me up.

“I-I…” Lumunok ako. “S-s-someone broke i-into my r-room.”

Bahagya siyang dumistansya para tingnan ang paligid.

“P-p-lease don’t leave.”

Muli niya akong niyakap ng mahigpit. “Who was it? Nakita mo ba?”

Love, Lies and Alibis (Henares Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon