Sixteen

20 2 16
                                    

Threat

Inabala ko ang sarili sa paglalagay ng mga mangga sa kaing. Iyon ang trabahong itinalaga sa mga babae. Kinagat ko ang labi habang bumabalik sa akin ang nangyari kanina.

Friends don't kiss, Sia.

I am so so stupid! How could I be this fucking dumb?

That was my entire fault! I am taking the blame dahil alam ko namang ako ang lumampas sa linyang ako mismo ang gumuhit. I just so fucking hate myself right now.

"Oki ka lang mam?" the skinny teenage girl beside asked.

Katulad ko ay namimitas din siya ng manggang abot lang namin at inilalagay iyon sa kaing. When the crates gets full, kukuhanin na naman iyon ng mga lalaki at ilalagak sa banda kung nasaan si Voyd. Their boss will take it from there.

"I'm fine, Jolly." Ngiti ko sa kanya.

She was tall for her age. Suot niya'y black long sleeves at bulaklaking cotton pants.

"Kanina pa ka matamlay, Mam. Gusto mo pahinga?" Like the others, her accent is strongly Visayan.

Matipid akong ngumiti at patuloy sa pamumulot. Hindi ako lumilingon sa banda ni Voyd. Even when I can hear the sound of the crates that he lifts. Kahit gustong gusto ko ay hindi kaya ng aking loob. Until now, my cheeks burn as I think of it.

"Away kayo ni Señorito, Ma'am?" The nosy teenager probed. Naalala ko si Cassi sa kanya. Only this one's a little younger. "Asim mukha niya o."

"What?"

Nginuso niya si Voyd. Kunot na kunot ang noo nito sa ginagawa. He must be frowning because of the heat. Pagkatapos ng malakas na buhos ng ulan kanina'y hindi naman nagpatalo ang araw. Its heat was piercing the skin.

Nakapagpalit na siya ng malinis na pantalon. Malinis na rin ang kanyang katawan. Wala nang kahit anong bahid ng putik. Umiwas ako ng tingin at inabala ang sarili.

"Ang ganda mo, Ma'am. Ang puti pa." Daldal pa ni Jolly.

Mahina akong natawa. "Study well. When you graduate, work in big cities like Manila. Your earnings can help your family and buy you tons of whitening products as well."

Tumango siya. Nakangiti. Contrast sa kayumanggi niyang balat ang pantay at maputi niyang ngipin. This kid is going to be a beautiful lady someday.

"Ang bait mo pa, Ma'am! Hindi katulad ni Aling Jela."

"Aling?" I chuckled.

Her pitch black bangs bounced as she repeatedly nods her head. Pumitas siya sa punong katabi ng pinipitasan ko.

"Gusto niyang tinatawag na Señorita. Buti sana kung mabait. Hindi bagay sa kanya. Tapos ang arte, hindi tumutulong tulad mo."

Jela really got that kind of personality. Isang tingin pa lang ay pansin ko na. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay masamang tao na siya.

 It's just that respect should be earned, not imposed. Hindi nabibili ng kahit anumang yaman sa mundo ang respeto mula sa kapwa mo.  

"There's a lot of people like her in the real world, Jolly. Learn to say no if it's against your will. Karapatan mong tumanggi kapag inaabuso ka. You're a worker here, not a slave. Don't let other people treat you like a pushover."

Respect begets respect, ika nga.

"Tapos dikit ng dikit kay, Señorito. Pinupunasan niya ng pawis pero sarili niyang pawis ako pinapupunas. Nagtatago ako pag nandito siya, ginagawa niya akong tiga-paypay at tiga-bitbit ng gamit." Busangot na ngayon ang mukha ni Jolly. "Oki naman ako sa ganun eh, pero binabatukan niya ako kapag nagkakamali."

Love, Lies and Alibis (Henares Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon