Undies
I heard murmurings the moment I regained my consciousness. Bumungad sa akin ang pinintang ulap sa kisame pagkamulat ng mata."She's awake!" Cassi who's sitting just beside the bed shrieked.
Napalingon ang lahat sa akin. Suot pa nila ang uniporme sa laro. I felt ashamed for ruining the game.
Naroon ang lahat maliban sa magulang ni Voyd. Sa sofa, bandang paanan ng kama ay nakaupo si Doña Dulce. Sa likod niya ay nakatayo si Don Gabriel, nakapatong sa balikat ng kabiyak ang kamay habang kausap ang doktor at si Voyd.
"Margo! Are you okay?" puno ng pag aalala at lambing ang boses ng donya.
Nagtama ang mata namin Voyd. I read what's on his eyes for the first time—relief and fear. Kinain ng malalaking hakbang niya ang aming distansya.
"Are you hurt? What are you feeling?"
Kunot ang kanyang noo. Hindi malaman kung saan ilalapag ang kamay, sa kamay ko ba o sa aking noo. Sa huli ay itintuko na lamang niya iyon sa aking gilid.
Ngayong nakikita ko ang pangamba sa kanya ay hindi ko magawang paniwalaan ang sinabi ni Mr. Serrano.
Voyd can't do that to me. His family can't do that to me.
Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng naroon at kita ko ang kanilang pag aalala, lalo na si Doña Dulce. Bumukas ang pintuan at pumasok si Senyor Raphael at Senyora Lovella.
"We came as soon as we received Dane's text." Anang ginang. Bumaling sa akin ang mata niyang kitang kita ko ang pangamba. "Margo, are you okay?"
Nang hindi ako nakasagot ay bumaling si Senyora sa doctor.
"Doc, she's not answering can you check her please..."
Lumapit ang doktor para suriin ang vital signs ko.
Dama ko ang kirot sa aking dibdib. Hindi dahil sa sakit kundi sa affection na nadarama ko sa kanila.
How could I think ill of them? How could I doubt them? Hindi nila iyon magagawa sa akin.
Errol is a total stranger. Hindi ako dapat nagpapaniwala, lalo pa at wala akong alam tungkol sa kanya. Kung ano man ang kanyang agenda bakit niya sinabi iyon, iyon ang dapat kong alamin.
But at the back of my mind, I can't help but think about my parents, my sister, which he mentioned. I have a family. Paano kung totoo? Paano kung may namamatay sa pag aalala para sa akin?
"Do you remember anything, Miss Lopez? What triggered your sudden breakdown?"
I wanted to tell you everything but it's better to find it out yourself. When your memories came back, please don't tell anyone specially Voyd. Come to me and I'll help you.
In my state right now, I should trust no one but myself. Hindi ako sigurado kung sino ang nagsasabi ng totoo. But I will be open to both sides of the story. I will see Mr. Serrano again, if I have the time."May naalala ka na?" si Voyd.
"N-no. I don't."
Mataman akong niya pinanood. Parang tinitimbang ang aking reaksiyon.
"Maybe we should take some test, Doc Alfonso. We must conduct MRI as soon as possible." Si Voyd at hinarap ang may katandaan ng doctor.
Hinawakan ko ang kanyang braso para hulihin ang tingin niya. Nababanaag ko pa rin ang takot sa kanyang mga mata.
Why are you scared? Hindi ba dapat matuwa ka kung sakaling bumalik na ang alaala ko?
"I'm fine, Voyd. Ayoko ng mag undergo ng test. Pagod lang siguro ito."
Bumuntong hininga siya sabay tango. Binalingan ang kapatid.
"You shouldn't have burn her out, Dane. You know how delicate her situation is."
"Voyd!" Uminit ang pisngi ko sa hiya. Ako na nga itong nakaabala!
"What the heck, kuya! You're the one who told us to tour her around." Nakabusangot na sagot ng kanyang kapatid.
"I think I'm gonna puke." Hirit pa ni Pavlo.
Natawa ang mga naroon. Maging si Senyor Raphael at Don Gabriel ay napangiti. They're not cold statues, afterall.
"Well then, now that everything's fine umalis na muna tayo para makapagpahinga ng mabuti si Margo." Ani Senyor Raphael. "Rest well, hija. We all want you to be better."
Nahihiya akong tumango. Nagpunta pa talaga sila dito gayung hinimatay lang naman ako. Nauna na silang umalis. Nginitian pa ako ni Senyora Lovella bago lumabas ng silid.
"You boys should stop teasing Voyd. Someday you'll meet someone who will make you just as smitten as him. Feelings are no joke, Pavlo." Si Don Gabriel.
"That's not gonna happen, Lo." Confident na saad ni Pavlo.
"Weh? Di daw! Eh anong tawag mo dun—" Tati's voice became muffled when her brother covered her mouth with his hand.
Don Gabriel's booming laughter filled the room.
"May sekreto ka rin pala!" tudyo ni Trigger.
"What is this throwback Thursday? That was just a fling!" deny niya.
Nangingiti ako habang pinapanood ang kulitan nila. They were so close. I wish my family is like them. Muli ay sumagi sa akin ang sinabi ni Errol.
"Ate Margo! I saved all our numbers here. I made you a Facebook account, too. Text us if you're bored." Saad ni Cassi sabay abot ng phone ko.
"Thank you, Cassi."
"There's no such thing as flings, Gabriel Pavlo. H'wag na h'wag kayong maglalaro ng damdamin ng mga babae." Pangaral ni Donya Dulce sa apo.
Naglalakad na sila papuntang labas. Sumulyap ang donya sa akin at sumenyas ng pamamaalam. Kumaway sa akin ang mga babae. Si Cassi ay hindi pa talaga nagkasya at hinalikan ako sa pisngi.
"Get well, ate." She said and hurried outside.
"Lola it's not just me! North's the whorest of us all." Dinig ko pa ang tinig ni Pavlo kahit nasa labas na sila ng kwarto.
"Excuse me!" sigaw ni North.
"Why are you shouting!" I heard Pavlo yelled and the twins' laughter before the door closes.
Tumahimik ang buong silid pagkatapos. Ako, si Voyd at si Doctor Alfonso na lang ang naiwan. Doc Alfonso is checking the cast on my leg.
"How long has this been?" usisa niya.
"Three months." Si Voyd na nakasandal sa likod ng pinto at pinagmamasdan kami gamit ang seryosong mata. "How was it, doc?"
"It's impressive. The recovery was fast. As a matter of fact, we can take this off now."
"Talaga ho?" gumuhit ang malapad na ngisi ko. Pumalatak naman si Voyd.
Sinimangutan ko siya. What's wrong with him?
"Yes, Miss Lopez. But I'm telling you, hindi madali ang makalakad ng maayos. You still need assistance, say a crutch or someone. Don't force yourself to walk on your own. I advise you to undergo physical therapy."
Tumango tango ako. Hindi matanggal ang ngiti habang inaalis na ni Doc Alfonso ang aking cast. Finally. Several days from now I can be able to walk on my own.
He prescribed me some pain killers in case the head ache might strike again. Nag set na rin kami ng schedule para sa susunod na checkup ko.
"Get some rest. Ipapahatid ko na lang dito ang dinner para hindi ka na mahirapang bumaba." Seryoso niyang saad bago umalis.
What's with him? Sobrang seryoso niya ngayon na parang may malalim siyang iniisip.
Hinatid ni Cristina at Analie ang hapunan ko. Ang sabi niya'y iilan lang din ang naroon sa hapunan ngayon dahil may kanya kanyang lakad. Even Voyd wasn't there.
Kinagabihan ay naging mailap ang antok sa akin. Dilat na dilat ang aking matang nakatitig sa kisame. Pinag-uugnay ng aking utak ang mga pangyayari. I compared Voyd's story to what Errol says.
BINABASA MO ANG
Love, Lies and Alibis (Henares Series #1)
Fiksi UmumHow far will you go for the people you love? Are you willing to be damned just to have them? How much are you going to sacrifice? And how many times are you willing to forgive? Can you accept the reasons behind the lies? Is your love enough to overl...