Eight

48 1 0
                                    

Pissed

Days turned to weeks since Voyd left with his parents to Manila for business matters. Ilan sa mga magpinsang Henares ay umalis na para mag-aral. Ang naiwan na lamang rito sa hacienda ay iyong nag-aaral ng highschool which are rarely seen at home. The oldies went to Cebu for their check-up.


In other words, I am alone and bored.

Nalibot ko na ang mala-palasyo nilang tahanan. I grew tired of surfing the internet and reading ebooks. Minsan naman ay nagmumukmok ako sa library dahil hindi ko talaga matiis ang mga librong naroon. Iniiwasan ko na lang magawi ang tingin sa Wall of Fame ni Margo Lopez.

For some reason, I lost the motivation to paint. Sa tuwing pipinta ako ay sumasagi sa akin ang intense na titig ni Voyd. And I can't go on anymore.

He said I must answer his calls. How am I supposed to do that when he haven't called me at all!

Sa galit ko ay pinalabhan ang coat kay Cristina. I don't want to see it again. Ever. Pinaalala lang niyon ang mga gabing miss na miss ko siya. At naiinis ako sa sarili dahil naalala ko ang pagiging clingy ng mga oras na iyon.


Sinipa ko ang bawat batong nadadaanan. Nasa school pa sina Cassi kaya nag-iisa na naman ako ngayon.

"Alone?" Errol Serrano grinned at me. Namumula ang balat sa init ng araw.

I grinned at him. Sa wakas ay may iba akong makakausap bukod sa mga katulong!

"How have you been, Margo?" Sumabay siya sa aking paglalakad.


I got so many questions to ask him. The last time we talked, he triggered some memories. But I chose not to. Sa estado ko ngayon, mahirap ang magtiwala kanino man.


"I'm good. Saan ka galing? I didn't saw you these past few days."

I am off to the stables. Nakaugalian ko na itong gawin kinahapunan, pampatanggal ng boredom ko.

"Work."

Speaking of... Hindi ko alam kung anong trabaho ng isang ito dito sa hacienda.

"I am Senyor Raphael's accountant." Sagot niya ng tanungin ko.

So that's explains why he's rarely seen here. Tiningala ko ang langit. At this time of the day the sun's heat is bearable. This is the perfect time to play.

"Kinakamusta ka ni Madame Fenella..." he said just as I was about to bid goodbye.

Natigil ako sandali. Binalik ang tingin sa kanya. "Fenella?"

"Your stepmom."

Tuluyan na akong naestatwa. This is why I want to see Errol again. He always trigger flashes in me. Unlike Voyd na sa tinagal kong nakasama ay wala talaga akong maalala ni isa.

Even when Voyd talked about what happened, how I got into the car crash and about my family. I still can't remember a thing.

But with Errol, isang banggit niya lang ng pangalan...

In a split second, my vision changed. Nabura ang paligid, maging ang aking katabi. I found myself in a fancy hallway, walking. My heels clicking on the tiled floor.

Bumabati ang mga nakakasalubong ko. Some of them stepped aside for me to pass through. On my right is a woman in early 50s. Suot niya ay purple na terno. At sa aking kabila ay petite na babaeng naka-itim na jumpsuit.

"Margo?"

Kumurap ako at nabura ang lahat na parang usok na hinawi ng hangin. Bumalik sa akin ang paligid at si Errol na concern na nakatingin sa akin.

"Something wrong?" He queried. "May naalala ka ba?"

Tinitigan ko siya. Why does everyone were so eager for me to remember? I was eager too and I have my reasons why. What about them? What are their reasons?

Did something happen before I lost I memories?

Umiling ako at nagpatuloy sa paglakad. I can't tell if he's on my side or not. Pero isa lang ang sigurado ako, he can help me retrieve my memories back.

Tuloy-tuloy akong naglakad patungo sa kabalyerisa. Tanaw na agad ako ni Zach na nasa bungad kausap ang mga tagapag-alaga ng kabayo. Umiling si Zach at agad kumunot ang noo. Isang pasada niya lang sa suot ko ay alam niya na kung anong plano kong gawin.

I'm wearing a long sleeved midriff top. A highwaist faded blue jeans with knee pad. Sa aking kamay ay kipkip ko ang itim na equestrian helmet. My usual outfit when horseback riding.

"Not again." Zach murmured as I reached the doorway.

I just smirked. He's always against to this. Sa bawat punta ko dito ay lagi kaming nagtatalo. And I understand why. He's Voyd's bestfriend afterall.

"Margo..." Pagod siyang bumuga ng hangin. "I am not having this conversation right now."

Namaywang siya sa aking harap sabay harang sa daanan papasok. Obviously trying to ruin my plans. Sa aking tabi ay si Errol na palipat lipat ang tingin sa amin. Probably wondering why I am here at the stables.

"I'm not here to fight, Zach. At ikaw lang naman itong nakikipagtalo."

For someone who's attending med school, he's kinda rugged. Messy hair, light stubbles and tanned skin. With his towering height, broad shoulders and ripped muscles, he's going to be the hottest doctor I will ever know.

Ang puti niyang v-neck shirt ay naging dirty white dahil sa dumi. Tamad na nakakapit sa kanyang baywang ang gulanit na pantalong parang ilang araw na di nalabhan. I admit his ruggedness made him even hotter. I can't blame Cassi for having the hots for him.

"Stop scrutinizing, Lopez. You should leave. Marami akong ginagawa, wala akong oras makipagtalo."

Nakilala ko si Zachariel through Cassiopeia's stories. Ulila at lumaki sa lola at lolo nitong kapatas ng hacienda. Don Gabriel sent him to med school after seeing that he's got the brains and passion for neurosurgery.

"What's the accountant doing here?" Padaskol niyang tanong.

Umangat ang kilay ko. Isa sa mga bagay na pansin ko sa kanya ay ang pagiging matatas niya sa Ingles. Matigas ang accent na parang ilang taon nang nagsasalita sa ganuong wika.

"Step aside, Zach. You're blocking my way."

Naiirita kong hinawi pakanan ang nakalugay kong buhok. Lampas balikat na ito ngayon. Simula noong pagkagising ko ay hindi pa ito nagugupitan.

Malakas siyang bumuga uli ng hangin. "Stubborn woman." He muttered.

Napangisi ako. You got that right.

"You know you can't handle Zohar. The last time you fell down, you almost fractured your neck! You're going to get yourself killed and Voyd will kill me as well!"

"Zohar?" Si Errol na naguguluhan pa rin.

"I can handle Zohar just fine. At kung mangyayari man uli iyong nakaraan, hindi na mababali ang leeg ko dahil may mga dayami na naman. Now move, Zach."

Humalukipkip siya at matiim akong tinitigan. His mysterious, hawk-like eyes bore into me like I'm some kind of nuisance. Which I really am.

"No you can't! I'm sorry pero hindi kita hahayaan sa gusto mo. Voyd's going to have my head this time. "

Lumitaw ang ulo ng tagapangalaga ni Zohar mula sa stable nito at agad ko iyong nginitian. Si Ricardo ang nagturo sa akin kung paano paamuin si Zohar. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano sumakay at magmaniobra ng kabayo.

"Hi Ricardo!"

"Don't fall for her charm, Ricardo!" Utos ni Zach at agad na nagtago si Ricardo.

Binalik ko ang matalim na tingin kay Zach. He's still not giving me a slight chance to get through.

"Oh now I get it! Zohar... That's Voyd's stallion, right?" Si Errol uli. Ngingiti ngiti sa bagong nalaman niya.

Nanatili akong nakatitig ng matalim kay Zach. Walang putol ang patagisan namin ng tingin. Walang sumulyap sa nagsasalitang si Errol.

"You know... We can ask for Voyd's help instead. Total kabayo niya naman iyan at nandito na rin siya."

Marahas akong napabaling kay Errol. "He's here?!"

Napamura si Zach na ngayo'y umiiwas na ng tingin.

"Yes. H-hindi mo alam?" inosenteng tumango si Errol. "Nung—"

"Shut your big mouth, Accountant!" Bulyaw ni Zach.

"Shut up, Zachariel!" Tinanguan ko si Errol para ipagpatuloy ang kanyang sasabihin.

"Uh..." Errol glanced at Zach who was openly glaring at him.

"Don't mind him. Kailan pa sya nandito?"

"Ta-tatlong araw na siya dito. Sa Rancho nga lang siya dumeritso. H-hindi siya tumawag sa'yo?"

Nanlalaki ang matang tiningan ko si Zach. Parang nagpalpitate ang kilay ko sa galit. Lalo pa at kita ko ang guilt sa mukha niya. Kung kanina lang ay matapang niyang sinasalubong ang titig ko, ngayon naman ay umiiwas siya.

He knew! He fucking knew Voyd's here at walang siyang sinabi!

"Get out of my way, Zach."

I am having crazy thoughts right now and I don't want to lash it out on Zach. The boiling anger I'm feeling is not intended for him.

He must have sensed my anger. Dahil hindi na siya nagprotesta pa at tumabi na lang. Inirapan ko siya bago nilagpasan. Deritso ang tungo ko sa kwadra ni Zohar.

"Ricardo! Huwag mong papasukin!" Tawag ni Zach sa tagapangalaga ni Zohar pero isang ngiti ko lang ay tumalilis na ito palabas.

Voyd's stallion is rigid and pitch black. Seems untamed and feral. Maging ang paraan ng pagtingin nito at pagbuga ng hangin ay nagpapakita ng bangis.

"Careful, Miss Lopez. The stallion seems wild." Babala pa ni Errol na tumigil na sa paglalakad at naglaan na ng distansya mula sa kwadra.

They say only Voyd can tame the aggressive animal. But now a new record's been made.

"Hi Zohar!" I gave the stallion my sweetest smile.

Dinig ko ang palatak ni Zach sa aking likod. Even though he won't tolerate me anymore, he's still watching me cautiously.

The stallion glanced at me coldly. And for a moment, I saw how similar it was to its master.

I slowly extended my hand while still hearing Zach's curses from behind. Hindi ko na nilapit pa ang aking kamay. Sa ilang araw na nakasama ko si Zohar, naintindihan ko ito kaagad.

Yes, it's untamed but not feral. It was scared. Natatakot ito kapag umaaktong hahawakan siya. Thinking that we might inflict pain on him.

Just as I always expected, Zohar surged forward. Purposely nudging my hand with his head. Urging me to pat it's head.

"Good boy..." Nangingiti kong bulong. I gently pat its head and hair.

"Wow! Nadala sa ngiti!" Humalakhak si Errol.

Marahan akong natawa. I pat the horse's head until it's at ease. Pumikit ito at bumuntong hininga, palantandaan na nagugustuhan nito ang ginagawa ko. Slowly, I opened the stable's door.

"Miss Lopez?" may babala sa boses ni Errol.

Tuluyan na akong pumasok sa loob. Zach still muttering series of curses under his breath. Hinawakan ko ang renda ni Zohar at binulungan ito.

"We're gonna play today, Zohar. Okay?" Nakangiti ko pang sabi.

The animal made a guttural sound and I took it as a yes. Dahan-dahan, hinila ko ang renda niya palabas. Zohar followed without protest.

"Whoa..." Errol watched us with awe.

Ang mga mura ni Zach ay hindi natatapos. Yamot ko siyang tiningnan. Akala niya siguro, nakalimutan ko na ang atraso niya sa akin. Busangot ang mukha niyang nilagyan ng saddle ang likod ni Zohar.

Inirapan ko agad siya nang natapos at giniya si Zohar palabas ng kabalyerisa, patungo sa field kung saan kami maglalaro. Sumampa na agad ako at hindi na hinintay ang alalay ni Zach.

I'm going to show him that I can handle the untamable stallion without his help. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong mamaya ay manunuod siya. I will show him the new trick I taught to Zohar.

"Let's go, boy!" I maneuvered Zohar's reins and the horse begun galloping to our playground.

Sa likod ay dinig ko ang tunog ng kabayong sinasakayan ni Zachariel na nakasunod sa amin. Nilipad ng hangin ang aking buhok.

"Señorita! Maglalaro kayo ngayon?" anang mga magsasakang nakakasalubong ko sa daan.

Maraming tao na ang naghihintay pagkarating ko sa field. This is the same field where the cousins played polo the last time. Ang kaibahan lamang ngayon ay nagkalat ang dayaming nakabigkis. Pinalagyan iyon ni Zach para hindi masyadong masakit kung sakaling babagsak o mahuhulog ako.

Nag-ingay ang mga manonood pagkapasok ko. Zohar and I have been doing this for almost two weeks now. Kaya nasanay na ang mga tao at inaabangan na ito araw araw.

The stallion didn't even slow down when we reached the middle of the field. Deritso ang takbo nito na tila walang kapaguran. Zohar excitedly hurdled over heaps of hays.

Pumalakpak ang mga tao sa ipinakitang gilas ng kabayo at sa hindi ko pagkakahulog sa paglundag nito. I tightened my grip on Zohar's leash as he approaches to the next higher stack. Lumundag ang kabayo at nagpakawala ako ng malutong na tawa nang hindi ako nahulog, di gaya noong una.

I am getting good at this!

My audience cheers grew louder. Humalakhak ako habang patuloy sa pagtakbo si Zohar. Malapad ang aking ngisi nang nasulyapan si Zach. Lukot ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin at parang may inaaway sa cellphone.

Nakailang ikot na kami ng kabayo at hindi pa rin ito nagpapakita ng pagkapagod. Zohar is amazingly hyper today. Probably because we haven't done this yesterday. Kaya naipon ang energy niya.

Bawat balakid, mababa man o mataas ay matagumpay naming nalundagan. Hindi mapawi pawi ang ngiti ko. I love the feeling of the air in my face. I love how adrenaline rushed through my veins. Pumikit ako at ninamnam ang hangin sa aking mukha at katawan.

Sa pagpikit ko'y hindi ko napaghandaan ang kasunod na paglundag ni Zohar. The stack wasn't so high, so I was confident that I could make it with my eyes closed and my grip on the reins is not too tight. But the horse's leap was unexpected.

Biglaan ang taas ng lundag ni Zohar kaya nabigla ako at nahulog. Sinalo ako ng mga dayami, kasabay ng pagkabagsak ko ay ang malakas na singhap ng mga nanonood.

"Margo!" Dinig ko ang halos magkapanabay na tawag ni Zach at Errol.

Patuloy sa pagtakbo si Zohar at nang napansin marahil na wala na ako sa kanyang likod ay huminto ito. Lumingon at nakita akong nakadapa sa dayami na hindi gumagalaw. Sa malayo ay dinig ko ang nagpa-panic na si Zach.

I remained motionless. Playing dead. Rumaragasa palapit sa akin si Zohar. The ground shook as the stallion's hooves thumped towards me. Hindi pa rin ako gumagalaw. This is the game we've been playing. The crowd starts to panic.

"Holy fucking hell!" A familiar baritone bellowed from afar.

Zohar halted in my side. The stallion stooped down and watched me closely. Pumikit ako habang sinusupil ang ngiti. Tumatama ang hininga nito sa aking pisngi. Zohar nudged me to wake me up. When I didn't move an inch, it nudged me harder. Enough for me to roll flat on my back.

"Margo!"

Love, Lies and Alibis (Henares Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon