Three

42 1 0
                                    

Stranger


"Cristina, do you know someone named Sia?"

Natigilan si Cristina sa pagblow dry ng aking buhok. Hindi ko sigurado kung namalikmata lang ba ako nang nakita ang bahagya niyang pamumutla.

"May naalala na kayo, Señorita?" si Analie habang tinatanggal ang aking sling arm support.


Tumikhim si Cristina. Napasulyap sa kanya si Analie at natahimik.

"W-wala naman ho akong kilalang may pangalan ganuon. Bakit ho, Miss?"

Nagkibit ako ng balikat. It couldn't be real, right? It was just a dream! Hindi iyon matibay na basehan.

They say dreams sometimes portray what we feel when we're awake. There's only one dominant emotion I felt back there and I'm still feeling it now—fear.

Pero kanino ako takot? May nadarama ba kapag nananaginip?

Bigla ay sumigla si Analie at dumaldal naman ukol sa hacienda at kanilang mga amo. Pero hindi mawala sa akin ang isipin ang napanigipan kagabi. I woke up past three in the morning because of that dream and couldn't go back to sleep 'til sunrise.

That can't be real. Voyd can't lie to me. He won't.

Huminga ako ng malalim. Maybe I should just relax. My memories will eventually come back in time. Marahil hindi pa ngayon.

Walang babala na bumukas ang pinto at niluwa si Voyd na bagong ligo. My eyebrows met when I spotted his damp hair.

Seriously, hindi ba uso sa kanya ang blow dry? He looked sinfully attractive with that—

Natigilan ako nang napagtanto kung saan patungo ang aking utak. What the hell, Margolette?

"Good morning." Matipid ang kanyang ngiti.

Tumikhim siya at mabilis tumalilis palabas ng kwarto si Analie at Cristina. Matapos ang tunog ng pintong pininid ay tumambay ang katahimikan sa amin.

Lantaran niya akong pinasadahan ng tingin. Mula ulo hanggang paa. Kaya ganuon din ang ginawa ko sa kanya.

Navy blue V-neck long sleeves, faded blue denim and brown boots. Bakat ang matigas niyang dibdib sa kanyang suot. Damn!

"You took your sling off?" Kumunot ang kanyang noo nang nakita ang aking braso.

"Yes. I-"

Mabilis siyang nakalapit. Hinawakan niya ang braso ko at maingat niyang inusisa.

"Okay naman na. Hindi na siya masakit tsaka naigagalaw ko na." Marahan ko iyong tinaas baba para ipakita ang punto ko.

Mariin siyang napamura. Pinigilan ang aking brasong gumalaw-galaw.

"Stubborn, woman! Next week pa ang schedule ng pagtatanggal ng cast sa paa at bandage sa braso mo!" Matiim niyang saad.

Mukhang nagalit ko siya. Umagang umaga pa.

"You're one hell of a stubborn woman! With memories or not."

"Excuse me?" napanting yata ang tainga ko sa sinabi niya.

Well, bahagya lang. Hindi ko mapapantayan ang galit na nakalarawan sa buong mukha niya.

"You can't just take that off whenever you want to, Margo! We're not yet sure if your fractured arm is fully healed!" paliwanag niya na parang hindi ko alam ang lahat ng tungkol doon.

"I know all of that, Rafferty Voyd Henares! But this is my body! I know if I'm fully healed or not!" irap ko.

"This woman..." he groaned. Bumulong bulong pa siya na hindi ko na dinig.

Love, Lies and Alibis (Henares Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon