Dream
Habang inaayusan ako para sa formal dinner ay panay kwento pa rin ang dalawa sa akin. Thanks to them, I learned a lot about the family I'm going to live with. Lalo na si Voyd.
I learned that he studied in Manila and that's where we met. So far, nagtutugma ang mga iyon sa kwento ni Voyd sa akin.
"Magaling ho kayong puminta, Miss Margo. Ang gaganda pa. Nakita ko ang ilan sa mga iyon sa kwarto ni Señorito Voyd at sa library." Cristina said while doing my hairdo.Umangat ang kilay ko sa kanyang tinuran. So I was really an artist? Di ko tuloy mapigilan ang curiosity na tingnan ang mga likha ko.
"Wow,Miss! Ang ganda n'yo lalo!" bulalas si Analie na pumalakpak pa talaga.
Umirap ako sa kanya habang isinusuot ang diamond earrings. Analie was good. I'd give her that. Mahusay niyang naitago gamit ng concealer ang gasgas sa aking upper cheek.
"You're only saying that because you're the one who did my make up." Nakangiti kong saad sa kanya.
Nakatanga naman si Cristina sa akin. Na animo isang malaking milagro ang nakikita niya sa mukha ko.
"Hindi kita binobola, Miss. Ang ganda n'yo na kahit walang makeup. Mas gumanda pa lalo kayo ngayon! Hindi mababaliw sa inyo si Señorito kung hindi kayo ganyan kaganda!" aniya pa.Napailing na lang ako. I can't think of any rebuttal for the term she just used.
Mababaliw! Mababaliw talaga!
Tikhim sa likod ang umagaw ng aming atensiyon. Napalingon ang dalawa kung kasama at naubo naman si Analie. Sumulyap ako sa salamin at nakumpirmang si Voyd iyon.
Dapper black tux suited him flawlessly. Yumakap sa kanyang balikat ang suot. Nadepina lalo ang tuwid at matikas niyang tindig. The color of his tie was of the same shade with my dress. Nakaayos at hindi masyadong magulo ang buhok niya ngayon.
Humakbang siya palapit. Hawak ng kanyang mga titig ang aking mata. He was too serious. His expression too cryptic.
"Ako nang magsusuot ng heels niya. You can go now." He ordered while still staring at me.
Mabilis namang tumalima ang dalawa at iniwan kami. Tahimik lang ako habang siya ay ganuon rin.
Maingat. Marahan. Malumanay kong pinakawalan ang hininga. I don't want him to notice how he's making me so damn breathless. Umiwas ako ng tinging at nagkunwaring abala sa paglalagay ng hikaw.
"Here. Let me." He offered when I was about to put the necklace on.
Tinitigan ko pa siya sandali bago pumayag. Kapag tatanggi ako ay baka mahalata niya ang paghuhuromentado ng aking sistema.
"Can you wear heels?" usisa niya.
Ngayon pa siya nagtanong gayong nadyan na?Tumango ako. Sandaling dumampi ang balat niya sa likod ng aking leeg. Dumaloy ang hindi pamilyar na kuryente, kamuntik na akong mapasinghap. Napatayo tuloy ako kahit nahihirapan.
Napamura siya at mabilis agad akong nilapitan. Tangan na ng kamay ang heels.
"Sit down, Margo." Matiim niyang sabi.
"I can put it on myself..." giit ko. Hinarap siyang matalim na naman ang tingin sa akin. Nagwawala ang kabog ng dibdib ko.
"No, you can't."
Nakaalalay siya sa aking siko. Nanigas ako nang tuluyang lumapat ang likod ko sa matigas niyang dibdib. He felt so warm. And smell so damn good. Reeked with musk and natural manly scent.
"Sit." He murmured against my earlobe.
I didn't budge. Hindi ko kayang salubungin ang mata niya sa salamin kaya hanggang leeg lang ang tingin ko. His Adam's apple bobbed deliciously before he murmured beneath his breath. And start collecting me in his arms.Kabaliktaran ng matigas niyang ekspresyon ang kanyang haplos. Magkasalubong ang kilay, mariing magkahugpong ang panga lumuhod siya sa aking harap. Maingat niyang ginagap ang aking bukung bukong.
BINABASA MO ANG
Love, Lies and Alibis (Henares Series #1)
Ficção GeralHow far will you go for the people you love? Are you willing to be damned just to have them? How much are you going to sacrifice? And how many times are you willing to forgive? Can you accept the reasons behind the lies? Is your love enough to overl...