Fifteen

7 1 0
                                    

Friends

Walang habas ang mapanuksong ngisi at tingin sa akin nina Karra at Cassi pagakagising ko.

The look on their faces gives away their curiosity for the details of last night and this morning. They literally waited for me to wake and started asking questions as I devoured my late lunch.

“Come on, ate. Spill the beans! Bati na kayo?” Si Cassi na hindi na talaga mapigilan ang kuryusidad.

Matipid akong ngumiti sabay inom ng tubig. Ini-enjoy ang kasabikang nakalarawan sa kanilang  mukha.

Sandali lamang ang naging pag-uusap namin ng kanilang Lolo at Lola. Doña Dulce ordered us to get some sleep nang nalamang hindi pa kami nakakatulog. She’s grinning from ear to ear upon learning that we’ve been to the hill.

Katulad ng mga kasama ko ngayon sa hapag.

“Ate!” Cassi whined.

Mahina akong natawa.

“Totoo, ate? Dinala ka ni kuya sa burol?” Usisa ni Karra.

Napailing ako. Frigging teenagers.

“Ate, come on! Share ka na! Totoo ‘di ba? Nanggaling kayo sa burol?” Cassi asked in a high pitched tone.

Sinulyapan ko si Tati. Kakatwang matamlay at walang imik ito habang may katext sa phone. Marahil ay nananakit pa ang ulo dahil sa hangover.

“Yeah.” I tried to act as normal as possible.

Tumili ang dalawa na parang nanonood ng nakakilig na eksena sa Kdrama. Sinupil ko ang pagsilay ng aking ngiti. Hindi magkamayaw ang dalawa sa pangingisay sa kilig.

My cheeks were burning too. Sariwa pa sa utak ko ang nangyari kaninang umaga. Halos hindi ako makatulog just thinking of what happened back there. How close we were…

Umiling ako.

“We just watched sunrise there. Walang big deal roon.” Irap ko bago muling sumubo.

Karra and Cassi watched me with disbelief. Sa paraan ng pagkakatingin nila’y animo  natubuan ako ng pangalawang ulo.

“You didn’t know?” Karra asked. Her brown eyes round and wide.

“Of course she didn’t know. Tayo lang at mga nakatatanda sa hacienda ang nakakaalam ‘nun!” Padaskol ang pagkakasabi ni Tati. Kunot ang noo habang nasa sariling phone pa rin ang atensiyon.

“Bakit? What’s in that hill?”

“It’s in our tradition. For years. Whoever the first woman our male sibling brought in that hill, it’s who they will end up marrying.” Disinteresadong na wika ni Tati.

“And you believe that?” Taas ang kilay kong tanong.

Pero sa loob-loob ay hindi ako mapakali. Halos sumabog na ang dibdib ko sa pinaghalog kaba at kiliti. Why did he bring me up there, then? Does he want to marry me? Pero we had an agreement!

Nagkibit-balikat si Tati na tila walang pakealam. Hindi ko na maintindihan ang sarili. May tila nagkakagulo sa loob ko.

“It happened to our entire male ancestors. Even Lola Dulce’s been brought by Lolo there, too!” May ningning sa mata ni Cassi habang sinabi niya iyon. The same spark when she watches kpop and oppas.

“And our dad and titos did that, too! Hayyy… I wish it could happen to girls, too.”

“Why, Cassi? Did you bring up Zach up there?” Nang-aakusa ang ngisi ni Karra.

Love, Lies and Alibis (Henares Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon