Ride
"Where are you, Ate Margo?"
Sandali kong sinulyapan ang katabi. Tahimik lang siyang nakasandal sa labas ng kotse. His hair tousled and impeccable, as always. Nakahalukipkip habang seryosong dinudungaw ang magandang tanawin.
"I'm having coffee, K. To sober up." Sagot ko sa pinsan ni Voyd sa kabilang linya.
"You had coffee at 'di mo ako sinama?" Karramina exclaimed. I'm not hearing any music from her background. Lumabas marahil para magkarinigan kami.
"What the hell, K! Ask her who she's with!" Naulinigan ko ang boses ni Trigger.
Nagsalubong ang aking kilay. Mukhang nagsagawa na ng manhunt operation ang aking mga kasama. This is my fault.
"I'm with Voyd, Karra. There's nothing to worry. Pasensiya na kung 'di ako nakapagpaalam. I was too drunk to even walk, earlier." Malumanay kong saad.
Sandali kong sinulyapan ang kasama. Our gaze met but I quickly looked away. Sa bilis ng pangyayari ay hindi pa halos mag-sink in sa akin ang lahat. Gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang aking bagong tuklas na alaala ay nag-aalangan pa rin ako.
And if I told him, may magbabago ba? Ang mga tanong ko, masasagot na ba niya?
I don't think so.
"Sige, diyan ka na lang muna, Ate. You both need some alone time together." Karramina quipped before disconnecting the line.
Umihip ang malamig na hangin. At kahit nakalong sleeves ako ay nanunuot pa rin iyon sa aking balat. Cassiopeia said that only in the province you get to experience cool and fresh breeze like this. Air-conditions lamang daw ang nagpapalamig ng pakiramdam mo sa siyudad.
"Are you feeling sober now?" he asked in a flat tone.
Sumimsim muna ako ng kape bago siya sinagot.
"I-I'm feeling better now..."
I empathically bit my lip. Silently cursing myself for stuttering. Sa kawalan ng sasabihin ay dinungaw ko na lamang ang tanawing pinapanood niya.
Sa Ipil Heights niya ako dinala. We're in a purposely flattened peak of a steep hill. Sa ibabaw ng bundok, bandang likod ng kinaroroonan namin ay nakatayo ang engrandeng kapitolyo ng Sibugay.
The majestic building's architecture was a combination of contemporary design and native vibrant colors. Sinisimbolo ang pinaghalo halong iba't ibang tribu at kultura ng mga mamamayan ng Sibugay. Sa aming harap ay overlooking ang buong bayan Ipil.
Binuksan ko ang pintuan sa front seat para mas lalong mabistahan ang tanawin. The whole town is dotted with lights in various shades. Creating a very fascinating view.
Kumukutitap ang ilan sa mga iyon. Ang ilan ay mula sa mga sasakyan kaya matulin ang takbo. Sa di kalayuan naman ay ang nangingitim na karagatan. Pangkat-pangkat ang puting ilaw sa kalagitnaan ang matatanaw roon.
"Good. Dahil mag-uusap tayo."
Saglit akong natigilan. Sa tono ng pagkakasabi niya ay parang may dapat akong ipaliwanag. Did he notice the recognition in my eyes? O sadyang paranoid lang talaga ako?
I looked at him beneath the cup that I'm sipping. Humarap siya sa banda ko habang ang tagiliran ay nakahilig sa kotse. Both of his hands were stuffed on his pockets. In spite the poorly lit vicinity, his magnificence is still emanating.
How could someone be this gorgeous regardless of how stressful the incident he just had been?
"About me and Jela—"
Oh please!
Umingos ako para putulin ang kung anumang sasabihin niya. I don't want to hear any of it. There's no need for him to explain. Naiintindihan ko naman! Kaya nga nagpaubaya ako, hindi ba?
"Damn it! Will you just fucking hear me out first?" he roared in frustration.
"Don't curse at me!" ganti ko naman at agad ding napapikit nang sumigid ang pagkahilo.
Narinig ko ang malakas na pagbuga niya ng hanagin. Pagmulat ko'y makailang beses na niyang sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Messing his tousled hair even more.
"There's nothing going on between us." He began explaining. "You got everything wrong."
Mapakla akong tumawa. We had the agreement several days ago. I believed that they're together since then and he hadn't even spared some time to explain!
Alam naman niyang mali ang iniisip ko bakit ngayon lamang niya naisipang ipaliwanag sa akin? I bet he's enjoying that too much, huh?
"Why are you saying this to me now?" taas kilay kong tanong.
Maang niya akong tiningnan. He looked lost.
"What?"
"I am not interested in whatever's going on between you two. So why are you telling me this?"
"I just..."
"Forget it. Wala kang dapat ipaliwanag." Mapakla akong tumawa. "We're not even together."
I saw how his mortar grounded so hard. Inilang hakbang niya ang distansyang pagitan namin. Agad akong nanigas sa kanyang biglaang paglapit.
"Then why are you so mad, huh? Kung wala ka namang pakialam bakit parang galit ka?"
Napatikhim ako sa tanong niya. Sa labis na pagkataranta'y napainom ako sa mainit na kape. Kamuntik pa akong mapamura nang malakas dahil sa mainit iyon.
"I'm not mad!"
His sexy lips formed into a teasing smirk. Bahagyang pumungay ang kanyang mata dahil sa pagkakangiti. He stepped closer. Closing the gap between us.
"Really now? So you're not mad. Just jealous." He pointed out.
Excuse me?
I scoffed with disbelief. Gusto kong matawa ng malakas. The nerve of this man!
How does he do that though? How can he easily shift his mood from mad to playful?
"I. Will. Never. Get. Jealous." Mariin kong sabi sabay simsim ng black coffee.
He let out a sexy chuckle. Tumatama ang mabango at mainit niyang hininga sa aking mukha.
Damn it! He's too close!
"Step back, Voyd. You're invading my personal space!" Yamot kong taboy.
He doesn't seem fazed though. Kagat niya ang labi habang nakatitig ng mataman sa akin. Pilit sinusupil ang pilyong ngiti.
He's so enterntained, huh?
Inirapan ko siya na tinawanan niya lang. Nakahinga ako nang maluwag nang lubayan niya ako at bumalik sa pwesto niya kanina.
"Iuwi mo na ako."
Now that the alcohol's effect is lulling down, I am getting more anxious by our closeness. Nagsisimula na ring maghuromentado ang aking puso.
Why does it always felt like this with him?
Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin. Ang payapa ng aming kinaroroonan. Wala ibang maririnig kundi tunog ng kuliglig mula sa kakahuya na nakapalibot.
I suddenly remember my flashback earlier. Of all the memories that rushed on me, iyon ang may pinakamalakas na epkekto. Doon ako may ibang naramdaman bukod sa takot. In fact I felt so many emotions at the same time. May sakit, lungkot, paghihinayang at... pagmamahal?
Sumulyap ako sa kanya. Although I already have an idea of whatever relationship we had, ay nagdadalawang isip pa rin akong magtiwala. O baka ganito na talaga ako, may amnesia man o wala. I'm finding it hard to trust someone.
"Voyd..."
Nilingon niya agad ako. Marahang dumadampi ang hangin at ginugulo ang kanyang buhok.
"Can you tell me how we met?"
Beneath the lamp posts and the moon's soft illumination, I saw how his eyes flickered. Mabilis lang iyon. Halos hindi ko matanto kung namamalikmata lang ako sa sobrang iglap.
"I am your brother's college pal. Madalas akong bumisita sa inyo kaya doon kita unang nakita." His pouty red lips curved. Bumaba ang tingin niya sa akin at halos tumagos sa akin pagkakatitig niya.
Napalunok ako. Binundol ng kaba ang aking puso.
"You were fourteen when I first met you." His husky voice spoke. "And from that moment on I knew that you're gonna be the death of me. You are a disaster waiting to happen but I didn't bother, anyway."
My agitated heart begun to amok. Excitement and sheer thrill constricted my breathing. Animo nakikiliti ang talampakan ko sa di malamang dahilan. For a moment I regretted asking him such question.
Dahil ba ito sa alak? O sa kape? Seriously I should really refrain myself from drinking too much coffee.
Wala sa loob na naitapon ko ang kapeng napapangalahatian pa lamang. Bahagyang nangunot ang noo ni Voyd habang nakasunod sa natapong kape.
"You don't like the taste?"
Umiling ako. "I wanna go home. Inaantok na ako."
Nanatili siyang nakatayo at mataman akong tinitigan. Lalo tuloy naghuromentado ang lintek kong puso.
"So we're cool?" he asked instead.
"Huh?"
He bit his lip again. Pinagmasdan niya pa muna ako bago muling nagtanong.
"We're cool now? Bati na tayo?"
Hindi ko napigilan ang pagkagat sa labi para supilin ang sumusungaw ngiti. He let out a lazy chuckle. This man is really something.
"Bakit, nag-away ba tayo?" I arched my brow at him.
"Just answer the damn question, Sia." Masuyo niyang sabi.
"Uuwi na ako."
He just laughed at me. I thought he won't comply with my request but he did. Pagkapasok niya sa driver's seat ay umayos naman ako ng upo at sinarado ang pinto ng kotse.
I glanced at the view once more. Kakatwang nawala ang bigat na nakadagan sa akin. Tila rin mas lalong gumanda ang tanawin ngayon sa aking paningin. Or maybe because I'm sober now.
I texted Karramina to inform them that I am heading home first. It didn't take minutes before they bombarded my inbox with prying messages.
Karramina:
You're going home? With kuya? Bati na kayo?
Cassiopeia:
You okay, Ate? Kuya looked so pissed kanina.
Napapalingon sa akin si Voyd dahil sa sunod sunod na beep ng phone ko. Dinungaw ko iyon para isa-isang basahin at reply-an.
Me to Karramina and Cassiopeia:
We're okay.
"Uhm... Do you want something to eat before we go home?" tanong ni Voyd makalipas ang ilang sandaling paglingon lingon niya.
My phone beeped twice to notify that I have incoming messages.
Karramina:
What do you mean OKAY? Okay as in cool na kayo? Or ok kasi hindi kayo nagtatalo?
Cassiopeia:
Talaga? So does that mean... kayo na ulit? Yieeee! *insert tons of heart and heart-eyed emoji*
Mahina akong natawa sa dalawa. Ang kulit lang!
"No, I'm good." Sagot ko sa kay Voyd habang tumitipa uli ng reply sa aking phone.
Tumikhim siya ngunit hindi na nagsalita pa. Ang sunod sunod na tunog lamang ng phone ko ang naririnig sa loob ng kotse.
"So I was thinking—"
My phone beeped.
"—total bukas ay—"
Another beep.
"—gusto ko sanang yaya—"
Dinungaw ko na ang phone sa pangatlong tunog. I got two unread messages from Cassi and one from Karra.
Karramina:
Ang OA ni kuya—
Voyd snatched my phone kaya naputol ang pagbabasa ko. Mulagat ko siyang binalingan.
"What the hell, Voyd!" singhal ko.
Inirapan niya ako bago tumingin sa daan. Nilipat niya ang phone sa kanyang kaliwang kamay para hindi ko maabot.
"I am talking to you." Aniya pagkatapos ay akmang titingnan ang screen. "Sino bang katext mo?"
Namilog ang mata ko. Walang password ang phone ko. At siya ang pinag-uusapan namin!
"Don't read my messages!" I yelled in panic while trying to steal it from his hand.
Mabilis niya iyong nailayo sa akin.
"Sinong katext mo?" The way he asked the question, he looked suspicious as if I'm having an affair!
"Why are you looking at me like that? Si Karra at Cassi ang katext ko!"
He was about to take a peek on my phone again but I swiftly took it from him. Nagtagumpay ako sa pag-agaw niyon mula sa kanya. Nang-aakusang tingin ang pinukol niya sa akin.
"Eyes on the road, Voyd."
Matalim niya pa akong tiningnan bago tumalima sa sinabi ko.
"Ano nga iyong sinabi mo?" pag-iiba ko ng usapan.
I set the phone into silent mode para hindi na siya mapikon pa sa akin. At para na rin hindi ako matuksong basahin ang mga bagong dating na mensahe.
"Forget it." Yamot niyang sagot.
Ngumuso ako sabay tingin sa labas ng bintana. Ilang ulit nagvibrate ang phone ko pero pinigilan ko talaga ang sariling dungawin iyon. Hanggang sa pag-uwi ay wala kaming imikan. Marunong rin palang magtampo ang isang ito.
"Thanks for the ride." Pagkatapos ay umibis na ako mula sa sasakyan.
Tahimik na ang mansion pagkapasok ko. Nakapatay na rin ang ilaw at tanging cove lights na lamang ang tumatanglaw sa buong kabahayan. Paakyat na ako sa hagdanan nang narinig ang mga yapak ni Voyd sa aking likod.
Nilingon ko siya at napansing nakasunod pa rin siya sa akin. The guest rooms (along with the girls' rooms) are located on the left wing. Samantalang ang nasa right wing naman ang para sa mga boys–kabilang na roon ang kwarto ni Voyd. Ang master's bedroom at kwarto ng kanilang mga magulang ay nasa third floor ng mansion.
"Sia." He called out just as I was about to turn the doorknob.
Nilingon ko siya. He looked at me through his droopy, sleepy eyes. Sa mapusyaw na ilaw dulot ng cove lights ay nakubli ang kung ano mang ipinahihiwatig ng kanyang nangungusap na mata.
"Can I... Uh— you're not mad at me, right?"
This man is so...
Napabuga ako ng hangin. This is exactly the reason why I can't doubt him for long no matter how logic and common sense tries to reason out. Mahirap siyang pagdudahan dahil kahit nakakaduda na ang mga kilos niya, I can still see the good in him.
"I was never mad, Voyd." I assured him.
Tahimik ang buong hallway. Tingin ko'y hindi pa nakakauwi sina Cassi at tanging kaming dalawa na lamang ang gising dito.
"I'm sorry if I avoided you. I was just..." siya naman ngayon ang napabuga ng hangin. " I was just frustrated knowing that you don't want me close."
Umawang ang labi ko. Sa gulat ay hindi ko alam paano sasabihin ang gustong sabihin ng aking utak. Namulsa siya sabay sandal ng likod sa dingding. Nilingon niya ako and all I did was admire how freaking hot he is in that position.
I want him, dammit! I want him close. Pero hanggang nangangapa pa rin ako at dahil na rin sa pag aakala kong may namamagitan sa kanila ni Jela ay pinili kong dumistansya!
Ayaw ko man na magkaroon ng relasyon kay Voyd lalo na sa kalagayan ko ngayon, but God knows how much I freaking like him. I am attracted to him so bad that it starts to scare me.
"Just for the record, Jela and I never shared anything except friendship. At hanggang doon lang iyon. Please don't let anybody get in between us, Sia."
Animo marahas na dinaklot ang puso ko. Masakit pero bakit parang may nararamdaman akong saya? Nag-iinit ang gilid ng aking mata. Naninikip ang aking dibdib at halos hindi na akong makahinga.
"You won't see her ever again. Just don't push me away."
His manner of talking to me, the look on his face and his baritone. Para akong dinala sa nakaraan, where we are in the studio and he was begging on me. Ganuong ganuon ang mukha niya, ang tono ng pagsusumamo niya.
Why is he always like this?
"I believe you, Voyd." I kindly smiled. "But our agreement still—"
"I know." Tuwid siyang tumayo. "But we can still be friends, di ba?"
Friends. Parang may karayom sa tumutusok sa dibdib ko. Kinagat ko ng mariin ang labi at bigla ay gusto ko na lamang bawiin ang naging kasunduan namin.
Don't be a pussy, Sia. You wanted this, so own this!
"And since were friends already... Then I can have the leverage to invite you on horseback riding? Tomorrow?" sumilay ang pilyong ngisi niya.
Oh this man! He shifts moods so easily.
"That's a yes?" he chuckled.
Hindi ko na rin napigilan ang paghagikgik habang napapailing. Maybe the alcohol is still in my system. Iyon lang ang tanging excuse ko sa mga oras na ito.
"Tutulak tayo mamayang 4:30, if it's alright with you?"
"4:30 AM?! Do you know what time it is?"
He slyly smiled at me. "I know. That's why we need to go to sleep right away para may oras pa tayo."
"We?"
"I'm sleeping in your room." He's grinning playfully. Gone was the begging apologetic Voyd just a while ago.
"What? No!" Tinakpan ko ang bibig dahil sa umalingawngaw ang boses ko sa hallway.
Voyd's laughter resonated on the hallway. Kumislap ang natatawa niyang mata sa sobrang pagkaaliw.
"I was just messing with you, Sia." Masuyo niyang hinimas ang tuktok na aking ulo. Slightly messing my hair. "Pumasok ka na. Kakatukin kita mamayang madaling araw so get some rest for now."
"It's past 3 am already!" I exclaimed.
Hindi na ako matutulog! I could barely get some sleep given the time and circumstances. Sasakit lang ang ulo ko kung matutulog ako ngayon at gigising ng alas quatro ng umaga.
"Then hindi na tayo matutulog? Kaya mo? We can start horseback riding now."
"As in now na?" namilog ang mata ko sa excitement.
He rolled his eyes at me. Hindi ko naman mabura ang malapad na ngising nakapaskil sa mukha ko. I jumped excitedly while following him to the stables.
Animo ako timang na ngumingiti habang patungo kami sa kabalyerisa. How I wished Zach was awake and already there para may maasar ako.
"Nandoon na ba si Zach?" Tanong ko pa rin kahit imposible sa mga oras na ito.
Nagsalubong ang kilay niya. Pababa na kami sa veranda ng mansion.
"What does Zach got to do with all of these?" malagim niyang tanong.
Napairap ako pero nakangiti pa rin.
Bigla siyang napahinto sa paglalakad sabay hawak niya sa aking braso. Hinila niya ako kaya napapihit ako paharap sa kanya. Seryoso na naman siya ngayon.
"Is Zach making a move on you? Did he taught you to ride the damn stallion, too? Aside from Ricardo and Zach, may iba pa?" he assailed me with nonstop questions.
"Have you gone mad?" natatawa na lang ako sa pagkatuliro niya. "Naiinis ako sa kanya kasi pinagbabawalan niya akong makapasok sa kuwadra at gusto ko siyang asarin kasi allowed na ako ngayon."
"Oh wait!" Marahas kong binawi ang braso sa kanya. "Why am I even explaining?!" ani ko sabay irap at talikod.
Nagpatiuna na akong tumungo sa kabalyerisa. Agad namang siyang sumunod. Muling akong napangisi nang buksan ni Voyd ang kwadra ni Zohar.
"Hello boy." Matamis kung nginitian ang supladong kabayo. Kasing suplado ng amo niya.
Pagkalabas ay agad kong nilagyan ng sintadera ang likod ni Zohar. Maagap niyang nahawakan ang aking beywang bilang suporta nang akmang sasakay na ako.
"Where's your horse?" baling ko sa kanya pagkaupo.
He just slyly smirked at me then quickly mounted on Zohar's back as well. I went rigid as soon as I felt his hard chest on my back. His strong arms immediately enclosed my waist. Nahigit ko ang hininga nang hinila niya ako palapit sabay kabig sa renda ni Zohar.
"Let's go Zohar..." he pulled the reins and I can feel the firmness of his arm against my clothes.
"I-I can ride a-alone..." Napatikhim ako at napapikit ng mariin sa pagkakasamid ng dila.
Damn it!
I almost shivered as Voyd's husky tone murmured in my ear.
"There's no way I'm going to let you ride alone."
BINABASA MO ANG
Love, Lies and Alibis (Henares Series #1)
General FictionHow far will you go for the people you love? Are you willing to be damned just to have them? How much are you going to sacrifice? And how many times are you willing to forgive? Can you accept the reasons behind the lies? Is your love enough to overl...