Ace's POV
Thursday ng gabi .Inumpisahan ko na ang plano ko kinuha ko na ang mga gamit na kailangan ko.Medyo marami yung gamit na kailangan ko kaysa sa una Kong plano. Pero sigurado akong 'di maganda ang kalalabasan nito ngayon dahil kanina ko lang talaga naiisip to.
Sana maging maganda . Pagkatapos ko gawin ang pangalawa kong plano ay tahimik na akong bumalik sa kwarto ko.
Natulog ulit ako 4 am pa lang naman .
Zzzzzz.........
________
*toot *toot*toot*
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock .
Aish.Ang aga pa yata eh sino ba nagset nito.Pinatay ko ang alarm at tinignan ang oras .
7 pa lang .Bumalik ulit ako sa higaan ......
Hala!7 na!late na ko !
Dali dali akong bumangon at dumeretso sa banyo para maligo .
Sigurado akong umuusok na naman ang ilong ni drry kapag lumabas na ako.
Audrry's POV
Mabilis na lumipas ang Thursday . Friday na ngayon .
Hinihintay na lang namin si ace para sabay sabay kaming makapasok .Napakatagal naman kasi gumayak nung babae na yun.
Ang dahilan na naman non tinanghali sya ng gising.Palagi naman eh.After 1000000000 years .Natapos din si ace. Sabay sabay na kaming pumasok .
Pagkapasok namin sa loob ng building namin .Wala nang tao sa hallway malamang late na kami eh .
Pagkadating namin sa room .Maaga pa kami para sa second period.
Naabutan namin na mga nagkwekwentuhan at may sari -sariling mundo lahat ng tao sa loob ng room.Palagi naman eh.
Lumipas ang dalawang oras .
*Recess*
Kumakain kami ngayon sa cafeteria.Kasama ko pa rin sila ace,jace,jacel,at josh pati si Labanos(deo) nakisabay na rin samin .
After ng ilang minutes nagpasya na
kaming bumalik sa room.
Habang naglalakad kami .Nakita namin sa di kalayuan ang secretary ng school na mukhang nahihirapan silang buksan yung pinto ng office nya meron na nga din syang kasama na guard na tumutulong sa kanya para buksan yung pinto.Palapit kami ng palapit sa pwesto nila .At nung nandun na kami mismo sa tabi nila .
"Ma'am ,may proble-" hindi na naituloy ni jacel ang sasabihin nya dahil natangay kami ng napakaraming maliliit na bola na nanggaling sa loob ng office ng secretary.
Sino naman kaya ang may gawa nito?
Ace 's POV
So ayun nga tinangay kami ng napakaraming bola na galing sa loob ng office ni vein .Alam ko na napaka childish talaga ng plano ko na yon .Dahil kahapon ko lang sya naisip wala na akong choice .Nakuha ko lang yung idea na yun dun sa nakita Kong bata na naglalaro ng bola sa tapat ng gate .
By the way ang saya pala magpatangay sa napakaraming bola .
Tuwing naaalala ko yung nangyari kanina natatawa na lang ako siguro dahil hindi ko naranasan yun nung bata pa ako.Aish parang napaka isip bata ko tuloy tignan .Paano kapag nalaman na na ako yung gumawa non .Pero syempre hindi ko naman hahayaan na mabuking ako no.

BINABASA MO ANG
Rules Aren't For Everyone
Teen FictionRules aren't for everyone huh? Sa buhay natin maraming twist and turns .Ikaw ang magde decide kung gusto mong magbuhay ng may rules o wala? Choice mo lang yon. Kung gusto mo ng malaya ka lang ,dapat hindi mo sundin ang mga rules sa buhay mo ,magagaw...