Audrry's POV
Tumugtog muna kami ng isang kanta pagkatapos non nagkanya kanya na kami.
Umupo ako sa gilid katabi ko si jacel.
"Nakaamin ka na ba?"
Sumimangot ako at umiling .
"Amin na kasi" sabi nya pero halatang nangiinis sya .
Aish!Oo na aamin na .Okay huminga ako ng malalim .I guess this is it! Naglakad ako papunta sa pwesto ni ace pero nung nakita ko sya na nakatingin sakin bigla akong tumalikod uli .Shet hindi ko yata kaya eh.
'Hingang malalim Audrry .Wag ka nga kabahan sasabihin mo lang yung feelings mo sakanya pano na Yan pag magpropropose kana baka himatayin ka na ng tuluyan nyan .' sabi ko sa isip ko .
Humarap uli ako sa direksyon kung saan nandon si ace .Dirediretso lang ako ng lakad nakatitig lang ako sa mga mata nya habang palapit ako ng palapit sa kinatatayuan nya.
Nang makarating na ko sa harap nya .
Huminga uli ako ng malalim at.....
"Rooftop."sabi ko sabay turo sa itaas.Grabe anlakas ng kabog ng dibdib ko. Muntik na yata ako mahimatay nung nagsalita ako sa harap nya .
Nauuna akong maglakad sa kanya .Buti na lang at sumunod sya .Nasa third floor yung music room isang floor na lang ang inakyat namin papunta sa rooftop.
Pagkadating ko sa rooftop .Hinintay ko si ace na makarating dito .Umupo sya sa bench na nandito ako naman nakatayo sa gilid nun.
" Ace. "Tawag ko sa kanya.
Tumingin sya sakin ng parang nagtatanong .Iniwas ko yung tingin ko .Hays kinakabahan ako!
" Ace may gusto akong sabihin ....."ahmm pano ba to ? Pano ko ba sisimulan ? Gusto kita .or Crush kita ?Aish bahala na nga kung ano na lang lumabas sa bibig ko at least galing sa puso ko hehehe Ka mais ko naman.
"Ace ......I . ..I-I like you."
Phew ,nakaraos din .Bigla syang tumayo sa kinauupuan nya .Akala ko sasapukin nya ko hindi pala tinignan nya ko sa mata ko at tinapik ako sa balikat at tumalikod na pero bago sya makatalikod ng tuluyan nakita ko nag smirk sya .
At tuluyan na syang naglakad papalayo.
"Yun lang yon? Seriously?! Dalawang araw akong kinakabahan ng dahil don alam mo ba yun?" Sabi ko kahit wala na sya sa harap ko tama lang ang lakas ng boses ko para marinig nya .
Aish .Napaupo na lang ako sa bench .
Ganon ba talaga yun.Wala man lang syang sinabi .Kahit okay man lang o K wala akong narinig .Yung totoo tomboy kaya sya?O sadyang boyish lang talaga? Aish bakit ba ang dami Kong tanong .Tumayo na ako at bumaba na ng hagdan sinarado ko ng malakas yung pinto ng rooftop at bumalik na ako sa music room.
Wala sa music room si ace San na naman kaya nagpunta yun?
Pinuntahan ko yung tatlong pugo tumabi ako sa kanila."O,anyare ? Success ba?" Tanong sakin ni jacel .Tska bat parang hinihingal to .
Hindi ko na lang sya sinagot .Kinuha ko yung phone ko at nakinig na lang ako ng music .
BINABASA MO ANG
Rules Aren't For Everyone
Teen FictionRules aren't for everyone huh? Sa buhay natin maraming twist and turns .Ikaw ang magde decide kung gusto mong magbuhay ng may rules o wala? Choice mo lang yon. Kung gusto mo ng malaya ka lang ,dapat hindi mo sundin ang mga rules sa buhay mo ,magagaw...