Roommates?!

18 6 0
                                    

Ace POV

Pagkahatid ko Kay ally sa airport bumalik muna ako sa bahay nila .Dumating ako mga 5 na ng umaga nag empake na ako ng mga gamit ko kasi ngayon araw na ako lilipat sa school ko.

"Ace iha kumain ka muna at  lalamig na ang inihain ko." Sabi Ni manang .

"Sige po bababa na ko." Naks ang bait ko noh :)

Bumaba muna ako para kumain ng umagahan .

"Ace bakit ka nag iimpake may pupuntahan ka ba iha?" Tanong sakin Ni manang.

"Ahmm doon po kasi ako sa dati kong  school." Yun lang ang sinabi ko alam na nya yung ibig sabihin non.

"Kung ganon ,mahal na mahal mo siguro yung eskwelahan na yun hano?"

"A little ,kasi kahit papaano naman po naging bahagi na rin yun ng buhay ko."

Matagal na kaming mag kakilala ni manang simula nung naging kaibigan ko si ally dito na sya nagtratrabaho ,sya na nga ang naging care taker nitong bahay nila ally ehh.

Pagkatapos kong kumain nag paalam ako kay manang na itutuloy ko na yung pag eempake ko.

                *after 4 hours *

Natapos din !

Bumaba na ako at inilagay ko na yung mga gamit ko sa kotse .pagkatapos nag paalam na ko Kay manang.

"Aalis na po ako kayo na pong bahala dito."

"Sige mag ingat ka "

Ngumiti na lang ako bilang pag sang ayon.

After 10 min.

Nakarating na ko dito sa school umuulan ngayon kaya nakajacket ako bago ako bumaba isunuot ko yung hood ng jacket ko sa ulo ko para hindi ako mabasa ng ulan kapag binaba ko lahat ng mga gamit ko.

Rules Aren't For EveryoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon