I'm Nervous

9 4 2
                                    

Audrry's POV

"Ace I like you."syempre sino pa ba nga ba ang nagsabi nyan kundi ako.

" I like you too."sagot nya pabalik and then I ......I woke up......

Naalimpungatan ako dahil sa alarm ng cp ko .Sayang malapit na eh .Akala ko pa naman totoo na sayang .Hays kailangan ko talaga ng napakadaming lakas ng loob dahil ngayong araw na ito  ako magsasabi ng nararamdaman ko para Kay ace .Remember yung dare kahapon sakin nila jacel.Pambihira kahit pang  second time ko nang magtatapat sa isang babae matindi pa din yung kabog ng dibdib ko.Paano pa kaya kung nasa mismo ng harapan ko na sya baka himatayin na lang ako nyan.

Nandito pa din ako sa loob ng kwarto ko .Hindi pa din ako lumalabas magmula nung nagising ako .Kinakabahan kasi ako eh baka sa oras na lumabas ako ng kwarto ko bumungad kaagad sya sakin . Hindi pa naman ako prepared .

Dahil weekend nga pala ngayon kahit abutin ako ng alas dose dine sa loob ng kwarto ko wala silang pakielam kasi wala naman kaming pasok ngayong araw eh kaya okay lang. Ang hindi okay ay yung ginawang  dare sakin nila jacel .

Si jacel lang talaga yung may alam na nay gusto ako Kay ace . Ang sabi nya sakin simula pa lang daw una kaming nagkita ni ace alam na nya na magkakagusto ako sa babae na yon .Ang weird nga eh dahil simula bata pa kami ni jacel palagi kaming nagkakagusto sa iisang  babae Ewan ko lang ngayon .Pero nung tinanong ko naman sya sabi nya hindi naman daw nya type si ace .But I smell something bad.Alam Kong may gusto rin sya Kay ace pero hindi lang nya pinahahalata .Or di kaya nagbago na sya people change nga naman.

Nang makaramdam na ako ng gutom lumabas na ako ng kwarto ko bahala na si spongebob kung makasalubong ko man si ace.

Pagkalabas ko ng kwarto ko nakita ko si josh na kagigising lang din .Himala ngayon lang tinanghali ng gising to .At dahil gutom na ako lumapit ako sa kanya at hinila ko sya papunta sa kusina .Sa among apat kasi sya ang pinakamagaling magluto .Kasi sya lang naman yung marunong magluto samin eh.

Nakaupo lang ako sa dining table habang hinihintay na maluto yung niluluto ni josh .

"Ahmm si ace nasan?"tanong ko sa kanya .

" hindi ko alam .Hanapan ba ako ng nawawala?"

Tsk .edi hindi mo lang alam .Sakto namang dumating si jace.  Sakanya ko na lang tatanungin kung nasan si ace .

Umupo na sya sa tapat ko."nasan si ace?"tanong ko sakanya.

"Bat mo hinahanap ?gagawin mo na ba yung dare?" Pangaasar nya sakin at tska sya ngumiti ng nakakaloko.

"Hindi no" pagtanggi ko.

"Bat nanlalake mata mo ?Hahahaha."

Tsk .Binalibag ko sya ng plastic bottle na may laman .

"Aray!ansakit non ah!" Tinamaan kasi sya sa braso .

"Nasan nga?!"

"Easy ,easy hindi ko alam baka tulog pa."paliwanag nya at itinaas pa yung dalawa nyang kamay na parang sumusuko na sya.Tsk .

Rules Aren't For EveryoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon