Audrry's POV
*cring *cring*
Aish ! Nakakabwisit naman yung alarm na re .Kaagaga ginigising ako.
Pinatay ko ang alarm at bumalik na sa pagtulog ko . Bigla akong napabangon sa higaan ko nang maalala ko yung kahapon hindi ko nagawa yung dare kahapon so ngayon ko dapat gawin yon.Bwisit!
Ayan na naman yung puso ko! Ambilis na naman ng tibok.Para akong siraulo dito dahil kinakausap ko ang sarili ko .
Kahit ayoko man magpakita sa kanya ,kahit ayokong pumasok ngayong araw wala akong magawa dahil ngayong araw ang una naming practice.
Hays tamad na tamad akong bumangon at pumunta na sa banyo para maligo .
Ano kaya mangyayari ngayong araw ? Aish ! Pumasok na naman sa isip ko yung nangyari kahapon ! Bahala na nga !Sana wala akong magawa na nakakahiya.
Pagkatapos ko maligo syempre nagbihis na ko.
Papalabas na sana ako ng kwarto ko para mag almusal na kaso kinakabahan na naman ako .Nakatayo lang ako sa harap ng pinto ng kwarto ko .Matagal akong nakatayo lang sa harap ng pinto ng kwarto ko nagiisip na ako ng line na sasabihin ko mamaya Kay ace .Bumalik lang ako sa realidad ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko .Nagumpisa na namang bumilis ang tibok ng puso ko baka bigla akong mag collapse mamaya ah wag naman sana .
Huminga muna ako ng malalim bago ko dahan dahan buksan yung pinto ng kwarto ko.Kasabay ng dahan dahang pagbukas ng pinto ang bilisan ng tibok ng puso ko.
Sumilip muna ako at tinignan ko kung nandon na si ace .Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.Nakahinga ako ng maluwag .Nabaling ang paningin ko sa katabi ng kwarto ko dun kasi nakaroom si ace ,baka kaya wala pa sya dito kasi tulog pa or di kaya ......baka hindi sya umuwi kagabi?!Aish!humanda sya sakin kapag nalaman ko na hindi talaga sya umuwi kagabi!Teka, bakit naman ako magagalit sa kanya eh hindi naman nya ako kaanoano diba??
'Oo nga naman Audrry hindi ka nya kaanoano kaya wala kang karapatan na magalit sa kanya dahil may sarili syang buhay .' sabi ko sa sarili ko .Pero huwag kang mag alala dahil balang araw magiging akin ka ......soon.
"Hinihintay mo sya no?" Biglang sulpot ni jacel na nakasandal sa pader .
"Hindi no! At tska bakit ka ba sulpot ng sulpot ? Kabute ka ba ?"
"Iniiba mo naman yung usapan eh."
Pangiinis nya sakin."Kanina ka pa hinihintay ni ace ."
Bwisit na to kinakabahan na nga ako Mas lalo pa akong pinakaba.
Dahan dahan na akong naglakad papuntang kusina. Nang makarating na ko don binalibag ko ng bote si jacel."Bwisit ka!wala naman eh!" Sigaw ko sa kanya .
Tawa lang sya ng tawa .Tinignan ko na lang sya ng masama .Nagsimula na Kong kumain dahil ako na lang ang hindi pa kumakain .Nang tapos nang gumayak ang lahat nagpunta na kami sa sala dahil may kulang pang isa samin ......si ace .....Nakatitig lang ako sa pinto ng kwarto nya at hindi pa din nawawala yung abnormal na tibok ng puso ko bwisit.
Malapit na mag time pero hindi pa din sya lumalabas ng kwarto nya .
Nagpasya na kaming pumunta sa classroom namin .Habang palapit kami ng palapit sa room namin mas lalong bumibilis yung tibok ng abnormal Kong puso.
Pagpasok ko sa loob ng room inilibot ko ang paningin ko pero wala pa din sya .Nadismaya ako sa nakita ko.Akala ko pa naman nandito na sya :(
Nasan kaya yung babae na yun?
Kahapon ko pa sya hindi nakikita .Shet namimiss ko na yata sya?!Umupo na ako sa upuan ko at nagulat ako ng hindi ko makita si labanos sa pwesto nya .Hindi kaya magkasama yung dalawa na yun?
Shet! Hindi pwede!Hindi talaga pwede!Aish! Bakit ba kung ano ano na naman yung iniisip ko?!Napasabunot na lang ako sa buhok ko .
Humarap ako kila josh at jacel."Nasan si ace?"
"Bakit ba tuwing kakausapin mo ko si ace palagi yung hinahanap mo?"
"H-ha? H-hindi n-naman ." Shet bat ba ko nauutal?.
Nagamirk sya sakin samantalang si jacel naman nakangisi lang .Aish wag na nga lang ako magtanong.
Biglang tumayo sina josh at jacel."San kayo pupunta?"tanong ko sa dalawa.Dala dala nila yung mga bag nila kaya ako nacurious.
"Tara na sumama ka na lang .Ngayong araw tayo magsisimula mag practice diba?"
Tumango na lang ako .Ah oo nga pala ngayon nga pala umpisa namin mag practice kaya dinala ko na ang bag ko at sumunod na sa kanila.
Papunta kami ngayon sa isang building.Dun sa building na yun naka room yung mga varsity at player ng school.Nandon din yung music room dun daw kami magprapractice ngayon .
Baka naman nandito na si ace .Nako kapag wala pa talaga sya dito humanda talaga sya sakin .
Pagkadating namin sa music room nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto maganda naman sya kumpleto din ng mga gamit .
At laking tuwa ko ng makita ko ang nagpabuo na ng araw ko ngayon .Alam nyo na kung sino yun hehehe.Nakita ko sya na nakaupo sa gilid at nakasandal sa pader habang nakaearphone at suot na naman nya yung jacket nya na may hood . Syempre hindi ako nagpahalata na nakita ko ma sya kunyari tinitignan ko yung mga gjtara .As if naman na may pake sya sakin .Hays .
" Oy ayun na yung kahapon mo pang hinahanap sakin"sabi ni josh sabay turo pa sa pwesto ni ace .Siraulo talaga re tinuro ba naman si ace pano king nakita sya non diba?!
Lumipas ang mga ilang minuto nagkanya kanya na kami ng pwesto .Si jacel sa drums ,si josh naman ay sa keyboard,si jace,labanos at ako ay electric guitar tapos yung girl ko hawak nya yung bass guitar .Ewan ko pero masyado yata kaming marami para sa isang banda .Hayaan mo na as long as nandito si ace masaya ako .Parang na aadik na ko Kay ace .
Lumapit ako sa kanya at tinangal ko yung nakasukbit sa kanya na gitara pinalitan ko iyon ng acoustic guitar .
"Mas bagay sayo yung acaustic kesa mag bass ka ." sabi ko sakanya at bumalik na ako sa pwesto ko .Nakatingin lang ako sakanya habang hindi pa kami naguumpisa .Dahan dahan nyang tinangal yung hood nya at laking gulat ko ng nakita Kong straight yung buhok nya Mas bumagay sa kanya yung straight nyang buhok .
Lumingon sya sakin sandali at bumalik na sa pwesto nya kanina.Na starstruck yata ako.
Shet ang ganda nya Mas lalo yata akong nainlab sa kanya .Promise malapit ka na talaga maging akin.
BINABASA MO ANG
Rules Aren't For Everyone
Teen FictionRules aren't for everyone huh? Sa buhay natin maraming twist and turns .Ikaw ang magde decide kung gusto mong magbuhay ng may rules o wala? Choice mo lang yon. Kung gusto mo ng malaya ka lang ,dapat hindi mo sundin ang mga rules sa buhay mo ,magagaw...