Jacel's POV
"Morning ." bati sakin ni ace ng maabutan ko sya sa kitchen .
"Morning din." Bati ko pabalik sa kanya .
Ang cute nya talaga.
Real talk lang ,nitong mga nakakaraang araw parang may kakaiba na akong nararamdaman Kay ace .Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman.Kaso parehas na naman kami ng nararamdaman ni Audrry eh tulad nung elem pa kami .*flashback*
Ngayong araw ako magtatapat ng nararamdaman ko Kay Earn.Alam kong mga bata pa kami pero hindi ko kasi mapigilan yung nararamdaman ko sakanya eh.
Papunta na akong room nya may daladala akong rose na ako mismo ang nagtanim.Seryoso ako talaga ang nagpatubo at nagalaga niyong rose na ibibigay ko sakanya.
Sa katunayan may ugat pa nga yung rose na to eh dahil gusto Kong malaman nya na ako talaga ang nagtanim nito.Nandito na ako sa labas ng room nila .Binuksan ko ang pinto ng classroom nila at.......
At ito na yata ang pinakamasakit na nakita ko ......
Ang magtapat ang best friend ko sa babaeng pinakagusto ko.Nakatulala lang ako habang pinapanood si Audrry at si Earn.
"Earn ,gusto kita ." sabi ni Audrry.
Inabot naman ni earn yung bulaklak na dala ni Audrry.
Nagsigawan yung mga tao na nasa loob ng room.
Kaya wala akong nagawa kundi panoorin syang nagtatapat sa babaeng gusto ko .Umalis na ako ng room bago pa nila ako makita dun.
Nandito ako ngayon sa hagdan ng isang abandoned na building sa loob pa rin ng campus .Wala lang gusto ko lang ngayong magisa .
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan .
Kasalukuyan akong nageemote dito sa hagdan ng bigla may nakita akong bumababa na babae na galing sa second floor. Mas lalo akong nagulat nang umupo sya sa tabi ko .
'Who you po?'Yan yung nasa isip ko pero hindi ko yun sinabi sa kanya .
Hindi lang ako umimik nung umupo sya sa tabi ko dahil baka nag imagination ko lang lahat ng to o di kaya baka multo tong katabi ko.
"Bakit ka nandito?" Tanong sakin nung babae.
"Non of your business."
"Bakit gusto mong mapagisa?"tanong nya uli .
" my answer is still the same."binigyan ko sya ng isang cold na tingin ."non of your business."
"Bakit ka malungkot?"
Aish ang kulit naman ng babae na to.bwisit bad trip na nga ako Mas lalo pa akong iniinis ng babae na to.
Hindi ko sinagot yung pangatlong tanong nya .
"Baki-"magtatanong pa sana ulit sya pero sumingit ako.
" ikaw bakit ka nandito?"
"Hinihintay ko kasi yung pinsan ko . sinagot ko yung tanong mo kaya kailangan mo ding sagot sa tanong ko para patas ." hay andaldal talaga.
"Broken ka no?"
BINABASA MO ANG
Rules Aren't For Everyone
Teen FictionRules aren't for everyone huh? Sa buhay natin maraming twist and turns .Ikaw ang magde decide kung gusto mong magbuhay ng may rules o wala? Choice mo lang yon. Kung gusto mo ng malaya ka lang ,dapat hindi mo sundin ang mga rules sa buhay mo ,magagaw...