Iniisip naman ni Ara kung napa-paranoid lang siya. Siguro naman, marami ding kotseng galing sa Quezon Boulevard ang kumakanan ng EDSA.
Pati si Mang Eloy ay tinitingnan din ang kotseng sumusunod mula sa rearview mirror. Kinabahan din ang matanda.
"Mabuti pa Ara ay umuwi na lamang tayo. Ang sabi kasi ng papa mo ay....."
Dito nainis si Ara. Pati pala si Mang Eloy ay pinagbilinan ng kanyang papa na gwardyahan syang mabuti.
Nakaismid pa si Ara ng magsalita.
"Kailangan ko ng bumili ng regalo. Bukas na ang kasal ni Aida. Ideretso nyo na lang siguro sa Rustan's sa Cubao para mas malapit.""Oo," sang ayon naman ni Yaya Viring. "Huwag na lang tayong magpunta ng Makati para hindi na tayo mapalayo. Sigurado naman na meron ka ng mapipili dyan."
Traffic papaliko ng EDSA papuntang Aurora Boulevard. Lumingon si Ara sa likod. Wala na ang kotseng blue. Baka nagkamali lang siya.
Kinuha ni Ara ang pamaypay mula sa handbag. Kahit malakas naman ang aircon ay parang gusto niyang magpaypay dahil sa nervous tension.
Nang makarating sila sa entrance ng department store ay binilinan ni Ara si Mang Eloy.
"Sa bandang kanan na lang ho kayo mag-park para madali namin kayong mahanap mamaya."Isinilid ni Ara ang pamaypay sa handbag. Magalang siyang pinagbuksan ng pinto ng security guard.
Walang ano-ano'y napakabilis ng mga pangyayari. May isang lalaking tinutukan ng baril ang security guard. My ikalawang lalaki na kinuha ang baril nito. May ikatlong nakaumang sa sinumang magtatangkang lumapit at tumulong. May ikaapat na nakatutok kina Mang Eloy at Yaya Viring. Ang ikalima at ika-anim ay hinila si Ara at kinaladkad papasok sa kotseng blue.
"Help! Saklolo! Help!" Sigaw ni Ara.
"Huwag kang sisigaw, puputok ito sa bungo mo.!" Bilin ng isang lalaking nakasuot ng dark glasses.
Mabilis na tinakpan ng isa pang lalaki ng malaking panyo ang mga mata ni Ara. Pagkatapos ay tinakpan naman ng isa pang panyo ang kanyang bibig. Maging ang kanyang dalawang kamay ay itinali sa kanyang likod.
Ang tiyak ni Ara kahit na may piring ang kanyang mga mata ay may mga tao sa loob ng silid.
Mga sampung minuto na sila doon, pero wala pa din nagsasalita. Waring hinihingal ang mga lalaki kaya't nakuntento na lang sa pag upo at kinalimutan na siya.
Atleast, my Christian gentleman dito. Naisip ni Ara.
Tinanggal ng lalaki ang busal sa kanyang bibig.
"Thankyou." Ang sabi ni Ara.
Gusto niyang malaman ng mga lalaki sa silid na magalang siya at tumatanaw na utang na loob sa pagkakatanggal ng takip sa bibig. Baka sakaling maisipan tanggalin na rin ang piring sa kanyang mga mata.
"Ipasok niyo na iyan sa kuwarto niya sa taas." Utos ng isa.
Naramdaman ni Ara ang paglapit ng isa pang lalaki. Hinawakan siya nito sa siko. Halos hatakin siya nito sa taas paakyat ng hagdan at papasok sa isa pang silid. Halos itulak siya paupo sa isang papag.
Pagkatapos ay lumabas na ang lalaki. Narinig ni Ara ang muling pagbukas at pagsara ng pinto. Naramdaman niyang nag-iisa na lang siya sa silid.
Hindi malaman ni Ara ang gagawin. Kung sa bagay, ano ba naman ang maaari mong gawin kung may mga takip na nga ang mga mata mo'y nakatali pa ang dalawa mong kamay?
Naisip niyang humiga. Tutal, parang kama naman yata ang pinag-upuan sa kanya.
Matigas ang papag. Paano ba naman ako nito makakatulog kahit pagod na pagod, naisip ni Ara.
Ang init-init pero di siya makapamay-pay. Bukod sa nawaglit yata ang pamaypay niya, nakatali pa siya.
Naririnig na niyang nagtatawanan ang mga lalaki sa labas. Mukhang binibilang na ang hihinging ransom para sa kanya. Sana, magbayad na agad ang Papa, naisip ni Ara.
Gustong-gusto na niyang umuwi sa katunaya'y namimis na niya si Yaya Viring. Kung andto lang iyon ay papaypayan siya.
Muling bumukas at sumara ang pinto. May umupo sa harap niya.
"Dinalhan kita ng pagkain."
"Ano iyan?" Tanong ni Ara. Nakilala niya ang tinig. Ito rin iyong lalaking nag-request na tanggalin ang takip niya sa bibig.
"Lechong manok," sagot ng lalaki.
"Tanggalin mo naman ang takip ng mata ko," pakiusap ni Ara. Ginamit niya ang pinakamalambing niyang boses. Para siyang nagre-request na bumati sa isang tv show.
Hindi kumibo ang lalaki.
"Sige na. Hindi naman kita ituturo kapag nakalaya na ako." Paliwanag ni Ara.
Waring nag-isip ang lalaki. Pagkatapos ay tinanggal din nito ang piring bago nagsalita.
"Ibabalik ko uli iyan mamaya pagkatapos mong kumain."
"Thankyou." Ang sabi ni Ara.
***********
HELO GUYS!!!! HANGGANG DITO NA LANG ULIT. PASENSYA KUNG MAIKLI MUNA SA CHAPTER NA ITO. NATUTUYO UTAK NI ATE NYO HEHEHEHE....... VOTE NAMAN KAYO AT COMMENT. DAGDAG INSPIRASYON PO SA AKIN ANG PAG VOTE AT COMMENT NYO. SALAMAT. MUWAHHH!!!!!!!!!

BINABASA MO ANG
Kidnap
RomanceMAAYOS ang buhay ni Ara, masaya at halos wala kaproble-problema. Isa syang mataas na opisyal ng negosyo ng mga magulang. Maganda si Ara at maraming nanliligaw sa kanya bagaman at wala siyang magustuha kahit isa sa mga ito. Hindi naman siya pi...