Pinagmasdan niya ang lalaki. Hindi ito mukhang kotrabida sa pilikula. Sa katunayan, naisip ni Ara na kung siya ang casting director ay maaari niya pang gawin itong leading man.
Mukhang matangkad na lalaki ang nakaupo sa kanyang harapan, bilog at malalim ang kanyang mga mata, katamtaman ang ilong, at maganda ang mga labi na framed ng bigote.
Gustong matawa ni Ara. Kasi'y ibang-iba ang lalaki sa mga clean cut Christian gentleman na dini-date niya noong high-school at college. Iyon bang tipong pag dinukot mo ang right pocket ay may matatagpuan kang rosaryo. Iyon bang kung magsalita ng "Making tusok tusok the fishball" at "making tambay at greenhills" ay talo pa ang mga kolehiyala English.
Pero hindi iyon ang ikinatatawa ni Ara. Itong lalaking may bigote, na may matipid na ngiti at halos hindi nagsasalita, ang secret fantasy ng mga kaklase niyang addict sa Tagalog Romance.After all, tall dark and handsome ang lalako. Maaaring hindi ito ang tipong pwede mong dalhin sa highschool ball (dahil hindi ito galing sa exclusive boys' school, ano at sa katunayan ay mas mukha itong driver kaysa date). Pero kung sakaling may mysterious man na nakamaskara sa isanh masquerade ball, ay siguradong ito na nga ang papangarapin ng lahat.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ng lalaki.
Gustong magblush ni Ara. Baka naman nahalata ng mama na tingin siya ng tingin.
"Paano naman ho ako kakain, e, nakatali pa ho ang mga kamay ko?" Magalang na tanong ni Ara.
Gusto niyang maisip ng lalaki na kahit kidnapper lang ito ay iginagalang pa rin niya bilang tao. Baka kasi sakaling magbago ng isip ang mama at palayain siya.
Kinuha ng lalaki ang baril, talagang pinapakita sa kanya kahit na hindi inuumang.
"Tatanggalin ko iyang tali mo sa kamay, pero huwag na huwag kang magtatangkang tumakas. Hindi ang magdadalawang isip na barilin ka."
Gustong matawa ni Ara habang pinuputol ng lalaki ang gapos niyang lubid ng pocket knife. Maingat na maingat ito. Parang natatakot na masugatan siya.
Sa loob-loob ni Ara, sana ay
tinatakot lang siya ng mama at hindi naman talaga siya sasaktan nito.Paano ko naman maiisip na tumakas, apat-apat yata kayo?" Sagot niya sa lalaki.
Ang totoo, natatakot si Ara na saktan siya ng mga lalaki. Baka pag tumakbo siya'y sasampalin siya, suntukin, o itulak sa pader o isalya sa sahig. Baka maging blue and black siya all over. Baka sugatan siya ng kutsilyp at magkapeklat siya ng malaki. Baka paputukin nga ang baril. Kung hindi man niya ikamatay, baka maputol ang kanyang kamay o ikalumpo niya. Kinalibutan si Ara sa kahindik-hindik na bagay na pumuputok sa kanyang isipan.
"O, ano pa ang hinihintay mo?" Nainip ang lalaki. Gusto na rin nitong magpahinga.
"Pwede ko bang makuha ang bag ko?"tanong ni Ara.
"Bakit? Aanhin mo?" Nagdudua ang lalaki.
"Kukuha lang nga tissue paper at alcohol. Wala ka namang binibigay na kubyertos eh."
Kumpleto sya sa indispensable beauty and cleanliness aids. Basta baon niya ito kahit wala ng make up kit. Kaya tuloy medyo masikip ang handbag niya.
Tiningnan nang lalaki ng masama si Ara. Mukhang naiirita. Iniumang nito sa babae ang baril. "Huwag kang magkakamaling tumakas, tatamaan ka sakin."
Habang nasa labas ang lalaki, ay lumapit si Ara sa bintana. Baka nga makayanan niyang tumalon pababa. Pero inalis ni Aa ang Ideya sa isipan. Bukod sa takog siya sa matataas na lugar, takot din siyang tumalon.
Sayang, naisip niya, sana man lang naging mas athletic siya. Hindi siya natutong lumangoy, sumakay ng bisekleta, o kahit na umakyat ng puno.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Tanong ng lalaki habang inaabot sa kanya ang handbag niya.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman kayang talunin iyan eh."
Umupo si Ara sa katre. Sinimulan na niya ang ritwal sa paglilinis ng kanyang kamay sa pamamagitan ng alcohol. Pagkatapos ay marahan naman niyang pinunasan ang mga kamay ng baong tissue paper.
"Hindi kana kasi nakakapunta sa gym nitong huling tatlong linggo."
NagItla si Ara sa sinabi ng lalaki. Diyata't isang buwan na siyang sinusubaybayan ng mga ito? Diyata't kahit pala ang pagiging lifetime member niya ng Joanne Drew Fitness Salon ay alam nila.
"Ano?"
"Tuwing Martes, Huwebes at Sabado, pumupunta ka sa gym mo sa Greenhills, hindi ba?"
Kumuha ng pritong manok si Ara. "Oo. Bakit, araw-araw ba sinusundan mo ako?"
Umiling ang lalaki. "Tuwing Martes, Huwebes, at Sabado lang naman. Pero paminsan-minsan natotoka din ako nang Linggo."
"Sige nga, saan-saan pa ako nagpupunta?" Parang detective quize show, naisip ni Ara. Kaya lang, hindi detective kundi kidnapper mismo ang kaharap niya.
Nagsisimba ka tuwing Huwebes kay St. Jude, nagsashopping ka tuwung Sabado at nagpapa-manicure at naggo-grocery tuwing Linggo." Tumawa ang lalaki. "Ang galing ko ano?"
"Gusto mo ng manok?" Inabutan ni Ara ng pitso ang lalaki, parang premyo for the correct answer.
Inabot ng mamang kidnapper ang manok. "Salamat."
Marunong din pala ng Good manner and right conduct ang mga kidnappers, naisip ni Ara.
"At ano pa ang nalalaman nyo sa akin?"
Hindi lubos maisip ni Ara na very scientific naman pala ang kanilang approach sa kidnapping. Merong panv sociap investigation.
"Nag-aral ka sa mga eskwelahang pambabae mula elementary hanggang college. Nagturo ka ng dalawang taon dito sa nursery school ng pinsan mo. Tapos, nag punta ka ng states dahil gusto mo sanang ituloy doon ang pag-aaral mo. Pero na-homesick ka kaya bumalik ka dito sa Papa mo. Nagtrabaho ka sa kumpanya ninyo."
"Ang galing, ah!"Pumalakpak pa si Ara kahit na may hawak na paa ng manok.
"Meron pa akong nakalimutan. Masasakitin ka nung bata ka. Kaya laging binibigay ang gusto mo ng Papa mo, dahil naaawa sa iyo't labas-pasok ka sa ospital."
May pilyang ngiti na gumuhit sa labi ni Ara. "I'm sure hindi mo alam na naging Athletic of the Year ako," hamon niya sa lalaki.
^^_____^^ NeXT CHAPTER 4........
BINABASA MO ANG
Kidnap
Lãng mạnMAAYOS ang buhay ni Ara, masaya at halos wala kaproble-problema. Isa syang mataas na opisyal ng negosyo ng mga magulang. Maganda si Ara at maraming nanliligaw sa kanya bagaman at wala siyang magustuha kahit isa sa mga ito. Hindi naman siya pi...