Ibinaba ng lalaki ang kinakaing pitso."Paano mangyayari iyon, e masasakitin ka nga?"
"Kasi minsan, nagkaroon ng brilliant idea ang bagong P.E teacher. Pinauso niya ang pagkakaroon ng competition para sa indoor sports. Merong palaro sa chess, game of the generals at higit sa lahat, scrabble. E di nanalo ako ng intersection at interyear sa scrabble. Kaya nang tinawag iyong ibang girls na naging valuable player for volleyball, soccer, tennis, swimming at kung ano-ano pang sports. Kasama din nila akong umakyat bilang scrabble champion. Syempre, ako iyong pinaka mukhang weird, kasi ang kapal ng glasses ko at ang payat ko pa noon, mukha akong weird."
Tumawa ang lalaki. Nakisabay si Ara.
Pagkatapos ay nag-isip si Ara. Bakit nga ba siya nakikipagtawanan at nakikipag ngitian sa lalaking ito samantalang ito ang kidnapper niya?
Nahiya siya sa sarili. Para bang iyong pakiramdam niya nang mahuli siyang nakikipaghagikhikan ni Sister Citah sa isang lalaki mula sa kanilang brother school minsang magdaos sa eskwelahan nila ng soiree.
Nag-isip ang lalaki. "Anonh Nerd?"
"Iyong humihiram ng sampu-sampung libro sa library at habang bitbit-bitbit ang mga libro ng dalawang kamay, nahuhulog na ang mga salamin sa mata."
Ngumiti ang lalaki.
Maganda ang ngiti ni mamang kidnapper, naisip ni Ara.
"Hindi lang Iyon," patuloy ng dalaga.
"Pag tiningnan mo ang libro, hindi naman directly tungkol sa mga lesson o assignment sa klase, kundi tungkol sa iba't ibang topics na gusto lang basahin ng nerd."Nawala ang mga ngiti ng lalaki. "Baka hindi mo alam, ni hindi man lang ako nakatapos ng highschool. Tapos ka na ba?"
Pinunasan ni Ara ng tissue ang bibig niya. Tapos, hinugasan muli ng alcohol ang mga kamay at pinunasan ng tissue.
Bakit kaya naging masungit ang lalaki, naisip ni Ara.
Kinuha ng lalaki ang lubid para itali ang mga kamay ni Ara.
"Hindi ako tatakas." Nakikiusap ang mga mata ng dalaga.
"Mabuti na ang nakakasiguro."
Ngunit nang kunin ng lalaki ang mga kamay niya, nakita nito ang mga pulang marka na naiwan ng lubid sa kanyang pulso.
"Pasensya kana, kaya lang utos ni Boss, itali kita ulit eh. Sige matulog ka na, gabi na."
Tumingin si Ara sa papag. Iniisip niya kung paano siya makakatulog. Bukod sa matigas ang higaan, wala man lang unan o kumot.
"Oo na." Pagalit na wika ng lalaki. "Titingnan ko kung may mahahanap akong unan."
Nang makalabas na ang lalaki ay napangiti sa sarili si Ara.
Sayang, naisip niya. Sana hindi na lang kontrabidang kidnapper ang role ng lalaking may bigote.
**************
MALAKAS ang tawanan ng mga lalaki sa labas. Dinig na dinig ni Ara ang kalansing ng mga bote at baso.Nagkakantahan pa ang mga kidnapper. Mukhang lasing na kung kaya't wala sa tono ang pagkanta.
Inaabangan ni Ara na marinig ulit ang boses ng lalaking pumunta kanina sa kanyang kwarto. Pero hindi niya maulinigan ang tinig nito.
Siguradong makikilala ko kung maririnig ko, naisip ni Ara.
Pero kahit ang tawa ng lalaki ay hindi niya marinig.
Baka tulog na, naisip ng dalaga. O kaya'y baka hindi naman umiinom.
Iniisip ng dalaga kung saan ang pook na maaaring pinagdalhan sa kanya ng mga kidnapper. Sa tantiya niya kasi'y mga dalawa hanggang dalawa't kalahating oras ang biniyahe nila mula manila.
Kung pumunta kami patungong Central Luzon, siguradong nasa pampanga o Tarlac kami, naisip ni Ara. Malapit lang. Posibleng makasunod agad ang mga pulis. Ayaw niya mawalan ng pag-asa.
Nasa kalagitnaan siya ng pag mumuni-muni nang biglang bumukas ang pinto.
"Bakit?" Tanong ni Ara nang makita ang kidnapper na nakakatakot ang mukha.
Ito ang talagang mukhang rapist sa pilikulang Tagalog, naisip ni Ara.
.
Bigla-biglang kinilabutan siya sa pumasok sa isipan. Rapist. Oh no! Pumasok sa utak niya ang mga kahindik-hindik na rape scenes sa pelikula mula sa Lipstick hanggang sa Rubia.
"Ang ganda ganda pala ng kinidnap natin ah!" Ang sabi ng lalaki habang parang lalamunin si Ara kung makatingin.Nakakadiri ang lalaki. Mukhang naglalaway pa ito habang tinititigan si Ara mula ulo hanggang paa.
"Pahipo naman Miss oh. Sige na Miss Beautiful." Nanunuya ang tinig nito.
Dahan-dahang lumapit kay Ara ang nakangising Kidnapper. Sumusuray-suray pa sa kalasingan.
Gustong magtago ni Ara pero wala naman mahablot na kumot. Ni kurtina ngang mahihila upang takpan ang kanyang katawan ay wala siyang makita.
Nilakasan ni Ara ang kanyang loob. Fighting spirit lang ang kailangan dito, naisip niya.
Matatag ang boses ng dalaga nang magsalita. "Mama, pwede ba, lumabas na kayo. Gusto ko na sanang magpahinga eh."
Nang magpatuloy sa paglapit ang lalaki ay inulit ni Ara ang sinabi.
"Lumabas na sabi kayo eh!"Tumawa ng malakas ang lalaki. "Napakasuplada mo naman Miss. Gusto ko lang makipagkwentuhan sa iyo, eh."
Umupo sa tagiliran ng kama ang lalaki.
Natense si Ara. "Huwag kayong lalapit. Huwag na huwag kayong lalapit sa sakin!"
Tumawa ulit ng nakakainsultong tawa ang lalaking kontrabida. Para bang siguradong sigurado ito na walang kalaban-laban ang dalaga.
Isa pang lalaki ang bumungad sa pinto. Nakangisi rin ito.
"Ikaw naman, Pare, sinosolo mo ang bisita natin. Ang sabi mo may kukunin ka lang na bote ng alak sa kabilang kwarto. Iyon pala, dito ang punta mo."
Nang papalapit na rin ang ikalawang lalaki'y agad na kumaripas ng takbo si Ara. Sigurado siyang mabagal ang reflexes ng dalawang lasing. Baka makalusot siya't maakalabas ng pintuan.

BINABASA MO ANG
Kidnap
RomanceMAAYOS ang buhay ni Ara, masaya at halos wala kaproble-problema. Isa syang mataas na opisyal ng negosyo ng mga magulang. Maganda si Ara at maraming nanliligaw sa kanya bagaman at wala siyang magustuha kahit isa sa mga ito. Hindi naman siya pi...