"ALAM ko na. Sabihin na lang natin sa nanay at kapatid mo, na pinipilit akong ipakasal ng mga magulang ko sa isang mayamang lalaki. Iyon bang nagpapanggap lang na mabait pero iyon pala, ang totoo ay bankrupt na ang pamilya. Nagkukunwari lang na umiibig sa akin para mapapunta sa kaniya ang kayamanan namin."
Nakisakay ang binata. "Eh ano naman ang papel ko diyan sa kwento mong iyan?"
"Kung gusto mo ikaw iyong family driver namin na pinakiusapan kung itago ako."
Gustong matawa ng lalaki sa kwento ng dalaga. "Tapos, ano ang mangyayari?"
"Eh, di sasama nga ako sa hometown niyo para makaligtas sa lalaking may masamang tangka sa akin!" Para kay Ara ay napakasimple ng istorya.
"Saan mo naman nakuha ang kwento na iyan?" Usisa ng naaaliw na binata.
"Naisip ko lang."
"Basta, hayaan mo na lang sa akin ang pagpapaliwanag. Sasabihin ko na lang na kaibigan ka ng amo kong pinagtatrabahuhan. Gusto mong magbakasyon sa malayong lugar. Tama na iyon."
Umismid si Ara. "Tingnan ko lang kung may maniwala sa kuwento mo."
"Bakit, sa palagay mo ba, mas kapani-paniwala ang kwento mo?"
"Syempre naman, sigurado akong mahilig magbasa ng komiks at ng mga sine ang mga tao sa probinsya ninyo, no?" Katwiran ni Ara.
Ayaw magpatalo ni Marko. "Iwan kita dito gusto mo?"
Umarya na naman ang lalaki, naisip ni Ara. Lagi na lang siyang tinatakot nito na iiwan in the middle of nowhere. Pakiramdam tuloy niya'y para siyang si Snow White na gustong iwala ng woodcutter sa kalagitnaan ng gubat.
"Sige na nga," nakaismid na sabi ni Ara. "Ikaw rin, mamaya isipin ng nanay at kapatid mo na itinanan mo ako."
"Hindi mangyayari iyon." Tanggi ng lalaki.
"At bakit?"
"May kasintahan na ako sa probinsya."
Hindi malaman ni Ara kung ano ang magiging reaksyon. Biglang-bigla siya na natigilan. Hindi rin niya alam kung bakit niya naisip na walang karelasyon ang bagong kaibigan. Para bang ini-assume na lamang niya na wala itong asawa, girlfriend o malapit na kaibigang babae.
.
.
..
**************
SA POSO, kanina pa kwento ng kwento si Neneng habang naglalaba. Sinalaysay niya kay Ara kung paano siya nagkaroon ng polio noong bata pa siya.Kung paanong pinangarap niya magkaroon ng artificial na leg. Kung paano nangako ang kuya niya, na pagbalik nito sa Maynila, may konting ipon na para sa pag papagamot niya at para sa pagpupundar para maliit na negosyo.
"Sabi ni Manong, ibibili daw niya ng makina sa pananahi si Inay."
"Hangang-hanga nga ako pati sa pagbuburda ninyong mag-ina." Ang sabi naman ni Ara.
"Mabuti nga't nakakakuha kami ng baby dresses na buburdahan." Ang sabi ni Neneng. "Kumikita kami ng kaunti."
"Magkano naman ang bayad sa inyo?" Tanong ni Ara.
"Edi, beinte sa bawat damit."
Nanlaki ang bilugang ni Ara. "Ano? Beinte pesos lang para sa buong araw na trabaho?"
"Buti nga kumikita kami kahit nasa bahay kami. Mas mahirap ang trabaho sa tabakalera," katwiran ni Neneng.
Iniisip ni Ara kung magkano ang bili niya niya sa burdadong baby dress para sa inaanak niya. Nasisigurado niyang hindi ito bababa sa tatlong daan.
"Pinagsasamantalahan kayo niyan ah." Ang sabi niya kay Neneng.
Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng bisita. Pagsasamantala ba naman iyong binigyan sila ng marangal na trabaho? At sino ang nagsasamantala? Iyon bang mabait na ginang na asawa ng meyor na may cottage industry? O iyong nagbebenta ng mga baby dresses? Ipaliwanag man ni Ara ay nalilito ang dalaga.
Hindi man maintindihan ni Neneng ang lahat ng sinasabi ni Ara ay libang na libang ito sa pagkakaroon ng bisita.
Sa katunayan, gandang-ganda ito kay Ara. Ang puti-puti ng dalaga, ang kinis-kinis ng balat, ang ganda-ganda ng daliri sa kamay.
Nasa gitna sila ng kuwentuhan ng dumating si Doro, ang kababata ar matalik na kaibigan ni Marko.
"Naimbag na bigat." Bati ni Doro sa dalawa.
"Magandang umaga din." Magkasabay pang bati ni Ara at Neneng.
Napansin ng dalagita ang pagkakatitig ni Doro sa taga-Maynila.
"Oo nga pala, Manang. Ito nga pala si Manong Doro, kababata ni Manong Marko. Doro, si Manang Ara, bisita namin. Taga Maynila siya."
Inabot ni Ara ang kanang kamay. Buong giliw naman nakipag kamay ang binata.
"Mabuti naman at nakapagbakasyon ka sa aming lugar. Naku, tamang tama ang dating mo. Sa linggo ay pyesta dito sa amin." Pagmamalaki ni Doro.
Sumabad si Neneng habang muling nagbobomba ng tubig na ipangbabanlaw sa mga damit.
"Hindi ko nga pala sa iyo nabanggit ang tungkol sa pyesta."
Ngumiti si Doro.
"Naku Neneng, siguraduhin mong pupunta sa baile itong inyong bisita."Tumawa si Neneng.
"Siguradong pagkakaguluhan ng mga kalalakihan."Napangiti na rin si Ara. Iniisip niya kung ano kaya ang mga tugtog sa sayawan sa pyesta. Higit doon, iniisip niya kung papayag si Marko na pumunta siya. Baka kasi magtaka ang maraming tao at pagtinginan siya.
"Basta't ipangako mong pwede kitang isayaw ha?" Bilin ni Doro.
Habang binabanlawan ni Neneng ang mga damit ay bigla nitong naalala na hindi pa nga pala sinasabi ni Doro ang sadya nito. Lubha kasing napatunganga sa kagandahan ni Ara.
"Ano nga pala ang sadya mo?" Tanong ng dalagitam
"Ang Manong mo nga pala? Ang usapan nama'y dadaanan ko siya dito para sabay kaming pumasok sa tabakalera."
"Doon na ba uli siya magtatrabaho?" Takang taka si Neneng. Ang buong akala nito'y babalik sa Maynila ang kapatid pagkatapos magbakasyon.
"Iyon ang sabi. Mukha ngang wala nang balak bumalik sa Maynila. Hindi naman sa akin nagsasabi kung bakit." Maging si Doro ay nagtataka din sa malahim na kaibigan.
"Siguradong andon na yon sa tabakalera," may paniniyak na sabi ni Neneng.
"Sige aalis na rin ako. Pakisabi na lang kay Nana Maring na nauna na ako."
Pagkatapos magpaalam ay nagpatuloy na sa kanyang lakad si Doro.
.
..
..
**************
NEXT CHAPTER... CHAPTER 8

BINABASA MO ANG
Kidnap
RomanceMAAYOS ang buhay ni Ara, masaya at halos wala kaproble-problema. Isa syang mataas na opisyal ng negosyo ng mga magulang. Maganda si Ara at maraming nanliligaw sa kanya bagaman at wala siyang magustuha kahit isa sa mga ito. Hindi naman siya pi...