Parang gusto na ni Ara na agawin ang manibela. Kung marunong lang ba siya mag-drive, siya na ang magmamaneho. Para kasing umaasa siya sa kung saan siya dadalhin ng lalaki. Para bang napaka-helpless niya sa buong sitwasyon.
Kung bakit ba kasi hindi pa nila isinama sa pagkidnap sa kanya ang Yaya Viring at Mang Eloy ko. Naisip ni Ara.
Hinarap ng dalaga ang lalaki. "Ang hirap mo namang
Kausapin eh. Kanina nagrereklamo kang walang pera. Ngayon naman, ayaw mo ng pera. Pinasakay-sakay mo ako ng kotse tapos, gusto mo naman akong iwan in the middle of nowhere. What do you really want me to do ba? I'm hungry, I'm tired, I just want to go home, tapos you're so sungit."Tinapakan ng lalaki ang gas ng kotse. "Huwag mo nga akong inglesin."
Hindi makasagot si Ara. Napapa ingles lang naman siya kapag siya ay emotionally upset na. Hindi niya gustong insultuhin ang lalaki kaya siya ay nag ingles.
Nang hindi na kumibo ang lalaki at diretso lang ang tingin sa highway habang nagmamaneho, nauna nang magsalita si Ara.
"Sorry. Salamat nga pala sa tulong mo kanina."
"Pasalamat ka at hindi ako nalasing."Ang sabi ng lalaki. Nakangiti na ito. Parang biglang naalala na wala naman talagang kasalanan ang babae. Baka ninenerbyos lang ito dahil sa natakot sa inasal ng tatlong kidnappers. Baka pagod lang sa lahat ng naganap.
Habang nakangiti ang lalaki, naalala naman ni Arana nagandahan nga pala siya sa lalaki, sa tindig nito, sa maamong mukha, at sa kayumangging kulay ng balat.
"Anong pangalan mo?" Tanong ng dalaga.
"Marko. Marko Campos. O, ayan, pwede mo na akong ipapulis lalo niyan."
Ngumiti ang lalaki. Napansing ng dalaga ang mga biloy nito sa pisngi.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Ara.
"Sa amin, sa Ilocos. Kikidnapin na talaga kita." Nakangiting biro ng binata.
"Hindi kidnap ang tawag doon." Sagot ni Ara.
"Eh ano?"
"Tanan."
Nagtawanan ang dalawa.
Pagkuwa'y saglit na natahimik si Marko, saglit na nag-isip, saka nagsalita.
"Hindi ka ba ninenerbyos?"
"Malayo na tayo sa mga kidnapper at rapist, hindi ba?" Tanong ni Ara.
"Magpahinga ka na muna. Gigisingin kita mamaya, pag huminto tayo para kumain."
Inayos ni Ara ang pagkaka-upo. Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata.
Ano nga ba ang dapat niyang ipangamba?
..
..
***************
IKATLONG araw na ni Ara sa bahay nina Marko. Hindi siya mapakali.Unang una ay dalawang araw na siyang walang tulog. Kasi nama'y hindi siya masanay sa matigas na papag na tinutulugan sa gabi. Ikalawa'y hindi siya masanay na kasama sa isang maliit na kwarto ang nanay at ang kapatid na babae ni Marko.
Kung tutuusin, walang mairereklamo si Ara sa pakikitungo sa kanya ng mag ina. Kaninang maga nga'y nag-alok pa ang nakababatang kapatid ni Marko na si Neneng na ito na ang maglalaba ng mga hinubad niyang damit.
"Ako na diyan, Manang." Ang alok ni Neneng nang makita si Ara na nagbobomba ng tubig sa poso, "Isasabay ko na lang iyang mga damit mo sa mga lalabhan ko."
"Nakakahiya naman." Ang sabi ni Ara. "Pinahiram mo na nga ako ng mga daster mo, tapos ikaw pa ang maglalaba."
"Baka mahirapan ka, lalo na sa kalagayan mo." May pag-aalala
sa tinig ni Ara. Lumpo kasi si Neneng. Mas maliit ang kanan nitong paa sa kaliwa."Paa ko lang ang may diperensya, Manang. Hindi ang mga kamay ko. Isa pa, mas sanay naman akong maglaba kaysa sa iyo." Katwiran ni Neneng.
Marahang inabot ng dalagita ang mga kamay ni Ara. "Napansin ko kasi ang mga daliri mo."
Gustong itago ni Ara ang mga kama. Sa loob lang ng dalawang araw na pagtulong-tulong niya sa bahay ay mukhang tinubuan na siya ng eczema.
"Baka allergic lang ako sa sabon na ginamit nating pang hugas ng plato."
Inabot ni Neneng ang dalang maliit na bangko kay Ara. Umupo naman ang dalaga habang pinagmamasdan ang dalagitang nagbobomba ng tubig sa poso tungo sa batya.
"Ang sabihin ninyo, hindi rn kayo sanay na nagpupunas ng alikabok sa muwebles at naglalampaso ng sahig."
Hindi makasagot si Ara. Tama kasi si Neneng. Kaya lang, hindi niya masabi sa dalagita na kapag ginawa niya ang nabanggit ay mawawalan ng trabaho ang kanilang mga katulong sa bahay.
Umupo si Neneng sa isa pang maliit na bangko at sinimulang sabunin ang mga damit. Si Ara nama'y patingin-tingin lang, iniisip niya kung paano niya tutulungan ang dalagita.
"Samahan mo na lang ako," ang sabi ni Neneng. "Kwentuhan mo na lang ako tungkol sa buhay mo sa Maynila. Wala naman kasing
sinasabi ang Manong tungkol sa inyo."Hindi alam ni Ara kung paano mag sisimula. Ang bilin kasi ni Marko, huwag na huwag na siyang magkukuwento ng kahit na ano.
Basta't sabihin lang daw niyang gusto lang niyang magbakasyon kung kaya't sumama siya sa Ilocos.
Sa totoo lang, hindi naman sang-ayon talaga si Ara sa planong ito ni Marko. Iniwan na nila ang kotse sa Tarlac, at papabyahe na papuntang Ilocos nang sabihin sa kanya ng lalaki ang plano. Doon na naman nagsimula ang kanilang pagtatalo.
"Bakit na hindi na lang natin sabihin sa pamilya mo ang totoo?" Mungkahi ni Ara.
"Tapos, ikukwento mong kidnapper ako, ganoon?" Sumbat ni Marko.
Iniisip ni Marko ang sasabihin ng nanay niya kapag nalaman nitong napunta sa masama ang anak.
Umiling si Ara. "Hindi naman sa ganoon. Pwede natin lampasan ang bahaging iyon."
"Sige nga, ano ang sasabihin mo?" Hamon ni Marko.
Handang-handa si Ara sa kanyang sagot. "Syempre, ibibida ko sa kanila na iniligtas mo ako sa masasamang loob. E, di naging dakila ka pa."
Ayaw makumbinsi ni Marko. "Kung magsisimula ka ng ganyang kwento, hindi na matatapos iyan. Siguradong itatanong ng kapatid ko kung ano ang ginawa sa iyo noong mga masasamang loob. Kung kilala kita, pati iyong pagtatangkang gahasain ka. Ikukuwento mo."
Nainis si Ara. Pinangunahan na naman siya ng binata. Para bang sinasabi na rin nito na napakadaldal niya.
Tuluyan na sanang maiinis ang dalaga nang biglang magkaroon siya ng brilliant idea. Umiral ang ang kanyang malikhang imahinasyon. Hindi tuloy siya magkandatuto sa pagkukwento ng ideya da bagong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Kidnap
RomanceMAAYOS ang buhay ni Ara, masaya at halos wala kaproble-problema. Isa syang mataas na opisyal ng negosyo ng mga magulang. Maganda si Ara at maraming nanliligaw sa kanya bagaman at wala siyang magustuha kahit isa sa mga ito. Hindi naman siya pi...