TAMA si Ara. Maging ang lalaki na papunta sa katre ay natulak niya.
On her way to freedom na nga sana siya nang biglang humampas ang katawan niya sa katawam ng isa pang lalaki na nagkataonh papasok din ng kuwarto.
"Ops, ops, saan ba ang punta natin?" Tanong ng ikatlong lalaki na mukha rinv ganoon. Agad na hinawakan ng lalaki si Ara sa balikat.
"Bitiwan mo ako," sigaw ni Ara.
"Payakap muna," ang nakangising sabi ng lalaki habang pinapalupot ang kamay sa katawan ni Ara.
Diring diri ang dalaga. "Sinabi nang lumayo ka sakin, ano ba!"
Gustong itulak ni Ara ang lalaki pero nakagapos ang kanyang mga kamay.
"Pare, nauna ako," ang sabi ng unang lalaki.
Hinawakan nito sa balikat si Ara at hinaltak papunta ng kama.
Nakipag unahan ang ikalawang lalaki. Agad itong pumatong sa dalaga at pinaghahalikan ito sa leeg.
Sindak na sindak si.Ara. Nagsisigaw siya. Sinipa niya ang lalaking nakapatong sa kanya. Hindi niya malaman kung paano siya makakaligtas pero natitiyak niyanh kailangan niyang manlaban.
"Saklolo! Saklolo!"
At higit na ikinasindak ni Ara, dumating nga ang saklolo!
Siyempre, ang lalaking hindi mukhang rapist at lalong hindi mukhang goon!
"Bitiwan n'yo sya," utos ng lalaking makisig na may hawak na baril.
May kumabog sa dibdib ng dalaga.
"Hindi ako nagbibiro. Kayong tatlo, doon kayo sa isang sulok." Inumang ng lalaki ang baril sa tatlong lalaki.
Lumilinaw na ang hatian, naisip ni Ara. Kung baga sa sine, ang lahat ng kotrabida sa kanan, at kami namang mga bida sa kaliwa.
Lumapit si Ara sa lalaking makisig.
"Salamat." Bulong niya habang nagniningning ang mga mata.
"Huwag kang basta tumayo diyan," ang sabi ng lalaki. "Igapos mo sila."
Nainis si Ara. Sinagip nga siya, masungit naman sa kanya.
"Paano ko gagawin iyon, nakatali pa rin ako."
Hawak ng isang kamay ang baril, kinalag ng lalaki ang gapos ni Ara.
"Bilisan mo," utos nito.
Mabilis na tumalima si Ara. Sa loob ng isang sandali, nakatali na sa kama ang tatlong lalaki. Bukod sa nakagapos na ang mga kamay, mahigpit pa ang pagkakatali ng mga paa.
"Tara na," yaya ng lalaki.
"Bilisan mo sabi eh. Ano ba ang tinitignan mo diyan sa ilalim ng kama?" Halata ang inis sa boses ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Kidnap
RomanceMAAYOS ang buhay ni Ara, masaya at halos wala kaproble-problema. Isa syang mataas na opisyal ng negosyo ng mga magulang. Maganda si Ara at maraming nanliligaw sa kanya bagaman at wala siyang magustuha kahit isa sa mga ito. Hindi naman siya pi...