UMIINIT na ang ulo ni Marko sa tuwing naiisip niya si Vina at ang pagseselos nito, ang pagtatrabaho sa tindahan at ang pangliligaw ni Chong, ay lalo pang nainis ang binata nang dumating noon ding umagang iyon si Doro.
Puno ng kwento si Doro tungkol kay Ara.
Habang nasa pwesto sila sa tabakalera ay naroong sumbatan siya nito. "Pambihira ka talaga. Bakit hindi mo ba agad ipinakilala sa akin ang kasama mong dalaga? Kung sinabi mo lang na ganoon siya kaganda'y napasugod agad ako sa bahay ninyo."
Noong nagmimindal naman sila'y tinutukso siya nito. "Baka naman timutukso naman kasintahan mo na Pare, ay hindi ka pa nagtatapat sa akin. Kung gusto mo'y tutulungan kitang magpaliwanag kay Vina."
Noong nanananghalian naman sila'y walang tigil sa pag uusisa si Doro. "Ilang taon na ba si Ara? Bakit nga ba talaga siya napadpad dito? Hindi mo ba talaga alam kung may kasintahan na siya? Sa tingin mo kaya'y pansinin ako kapag niligawan ko?"
Kapag sabay na naiisip ni Marko sina Doro at Vina ay parang gusto niyang pagsisihan na nauwi-uwi pa niya sa kanila si Ara.
.
.
..
.
*************
MASAYANG-MASAYA naman sina Ara at Neneng sa buong maghapon nila sa bahay. Pagkatapos mananghalian, (At syempre, prutas lang ang kinain ni Ara), ay umidlip muna sila saglit. Nang mga bandang alas dos 'y medya ng hapon, ay bumangon na si Neneng para mamalantsa.Sa laking gulat ng dalagita'y lumapit sa kanya si Ara. Pinanood habang inaayos ang uling, winiwisikan ng tubig ang damit, hinahagod ng tela at saka pinaplantsa.
"Turuan mo naman akong magplantsa." Ang sabi ni Ara kay Neneng.
Ang totoo'y bilib na bilib si Ara sa dalagita. Kahit na may kapansanan ito, ay napakasipag. Lagi itong abala sa gawaing-bahay.
Samantala, iniisip naman ni Neneng na maaaring nahihiya ang dalaga dahil nakalinya rin ang mga damit nito sa mga paplantsahin niya sa hapong iyon.
"Huwag na," tanggi ng dalagita. "Ako na lang ang magpaplantsa ng mga damit mo. Tutal, ilang piraso lang naman."
"Sige na, turuan mo na ako." Pilit ni Ara.
Hindi maintindihan ni Neneng kung bakit nagpupumilit si Ara. Ano naman ang katuwa-tuwa kung matuto itong mag plantsa.
"Baka ho lumala ang alerdyi ninyo sa kamay," katwiran ni Neneng.
Nagkunwaring nagtatampo si Ara.
"Ang sabihin mo, natatakot kang masunog ko ang damit."Natense si Neneng. Baka masaktan ang damdamin ng bisita.
Pagkuwa'y ngumiti si Ara, iyong matamis na matamis, iyong ngiting ginagamit niya rin noon kay Yaya Viring kapag nagpapasama siyang lumabas ng bahay papuntang park ng subdivision nila.
"Sige na. Konti pa, papayag na iyan."
Ngumiti na rin si Neneng.
"Halika na nga, madali lang naman, eh."Sa ganoong paraan nga nila pinalipas ang maghapon. Naging teacher pa ni Ara ang dalagita sa pagpaplantsa. Natutunan niya ang mga tips kung aling bahagi ang unang dapat plantsahin o kung ano ang dapat gawin para mawala ang gusot ng damit.
Nang matapos ang tutorial ay niyaya naman ni Neneng si Ara na magmiryenda.
"Merong binigay na suman kanina sina Nanang Luisa. Baka gusto mong kumain."
Sa katunayan ay gusto naman sana niyang maging polite. Nakakahiya naman na ikaw na nga ang inaalok ay inaayawan mo pa ang pagkain. Kaya lang ay naisip niya ang kanyang dyeta. Sayang naman ang pagtitiis niya dahil nasa fifth day na siya. Two days to go na lang. Pagkatapos noon, back to normal na at saka na lang uli babalik sa dyeta.
.
..
..
***********
ITUTULOY...........
BINABASA MO ANG
Kidnap
RomanceMAAYOS ang buhay ni Ara, masaya at halos wala kaproble-problema. Isa syang mataas na opisyal ng negosyo ng mga magulang. Maganda si Ara at maraming nanliligaw sa kanya bagaman at wala siyang magustuha kahit isa sa mga ito. Hindi naman siya pi...