KIDNAP #8

21 2 0
                                    

SAMANTALANG, nagpatuloy na sa kanyang pagbabanlaw si Neneng. Habang pinapanood siya'y pilit namang tinatanong ni Ara ang dalagita tungkol sa kanilang hanapbuhay na mag-ina. Nang mapansin niyang ayaw na ni Neneng na balikan ang kanilang pag-uusap tungkol sa pagbuburda ay iniba na lamang ni Ara ang usapan.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong niya kay neneng. Napansin niya kasing parang dapat ay nag-aaral na ng highschool ang dalagita.

"Labinglima na ako nung isang linggo," masayang sagot ng dalagita.

"Talaga? Eh di katatapos mo lang palang mag-celebrate ng birthday mo."

"Akala ko nga dadating si Manong e," malungkot na sabi ni Neneng.

"Nangako kasi siya sa akin. Tapos, may dumating na telegrama. Mahuhuli daw pero sigurado namang uuwi ngayong buwang ito. Nagbida pa na siguradong may sorpresa daw siya sa pagbalik niya." Pagkuway napangiti ang dalagita.

"Baka ikaw na iyong sorpresa niya."

Napatawa si Ara. Alam niyang tinutukso siya ng dalagita. "Eh paano nyo naman sinecelebrate ng nanay mo ang kaarawan mo?" Tanong niya.

"Wala. Hindi kasi kami nabayaran sa mga tahiin namin eh. Isa pa, hindi naman talaga kami naghahanda kahit na kaarawan ko. Gastos lang iyon."

Hindi maka-relate si Ara. Kahit kasi noong highscholl na siya at kasing edad ni Neneng ay sanay siyang laging may party basta't birthday niya. At hindi lang basta party. Talagang engrandeng handaan kung saan imbitado hindi lamang ang kapitbahay, kaibigan at kababata niya pati ang mga kumpadre, golf partners at business associates ng Papa niya.

Bukod sa napakaraming masasarap na pagkain, meron pang mga pacontest, at minsan umarkila pa ng mga payaso ang Papa niya para tunay na malibang ang mga bisita. Minsa'y nagsisimula ang party sa hapon at natatapos nang lampas hating gabi.

"Ano ba ang paborito mong pagkain?" Tanong ni Ara kay Neneng.

Hindi agad sumagot ang dalagita.

"Nahihiya akong sabihin eh. Baka sabihin mo maarte ako at mapili sa pagkain. Ayaw ng Nanay at ng Manong ng ganoon."

"Ikaw naman," pilit ni Ara. "Para tayong dalawa lang naman ang nandito eh."

Ngumiti si Neneng. Para bang tunay na nakahanap ng kaibigan na mapagsasabihan ng sikreto.

"Spaghetti."

"Spaghetti lang pala. Magaling akong magluto niyan. Gusto mo mamayang gabi, magluto tayo ng spaghetti?"

Hindi maintindihan ni Neneng si Ara. Diyata't pinanghahapunan pala ni Manang Ara ang spaghetti, naisip ni Neneng.

Pero walang kaso iyon sa dalagita. Kahit kumain ito maghapon ng spaghetti maghapon ay hindi siya magsasawa.

Tamang-tama namang lumabas ng bahay si Aling Maring. Nakagayak na ito ng panglabas.

"Saan ho ang punto nyo inay?" Tanong ni Neneng.

May bitbit na malaking bayong ang matanda. "Luluwas ako ng bayan." Lumingon ito kay Ara. "Ikaw na muna ang bahala dito iha ha. Pasensya ka na sa bahay namin."

Sa loob ng mahigit dalawang araw na itinigil niya ay napansin ni Ara na walang tigil si Aling Maring sa kahihingi ng pasensya sa kanya.

Kapag nakaharap sila sa pagkain, lagi nitong sinasabing, "Pasensya kana at ito lang ang ulam natin."

Kapag gumagabi naman at napapansin ng matanda na kamot nang kamot ng braso at binti ang dalaga, ang linya naman nito'y, "Naku Ara, pasensya ka na at malamok. Hayaan mo't bibili ako ng katol kapag naluwas ako ng bayan."

Tuwing kukuha si Ara ng tubig mula sa tapayan, ay parang nahihiya pa ito. "Sanay ka yata sa malamig na tubig, iha. Pasensya ka na't wala kaming yelo eh."

Alam ni Ara na kapag naririnig ni Marko na magsalito ng ganito ang ina ay nanliliit ito. Para bang gustong kagalitan ang matanda pero hindi naman magawa.

Ang ayaw lang ni Ara ay laging nakatitig sa kanya si Marko na para bang hinihintay na magreklamo siya. Para bang iniisip nitong hindi talaga kakayanin ang buhay sa baryo. Para bang pinangungunahan siya sa kanyang nararamdaman. Parang walang tiwala.

.
.

.
.

.
************
NEXT CHAPTER. SA MGA READERS KO DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. PARA SIPAGIN ANG ATE NYO AT INSPIRASYON NA RIN.. SALAMAT ^_~

KidnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon