Noong unang gabi nila'y tuwang tuwa si Ara dahil pinakbet ang ulam na hinanda ni Aling Maring. Nataon kasing ikatlong araw ng dyeta niya. At ayos sa kanyang 7-day Super Diet Plan, ang sa ikatlong araw ay gulay at prutas lamang ang maaaring kainin. Kaya nga't nasa bus pa lang sila ni Marko ay kinakabahan na siya. Baka kasi hindi matuloy ang dyeta niya.
"Mahilig ka pala sa gulay." Ang sabi ni Aling Maring.
"Oho, ang sarap sarap ho ng luto ninyo." Sagot naman ni Ara.
"Pero hindi mo yata ginagalaw ang kanin." Iniisip ni Aling Maring na baka ayaw ni Ara ang kaning pula at naghahanap ito ng maputing kanin. Hindi malaman ni Aling Maring kung paano nakakain ni Ara ang pakbet ng walang kanin.
"Hindi ho ako mahilig sa kanin. Pasensya na ho kayo."
Biglang sumabad sa usapan si Marko.
"Wala kaming first class na kanin dto."
Kahit naiinis ang dalaga sa gustong ipahiwatig ng lalaki, malumanay pa rin ang pagsagot ni Ara.
"Pasensya kana, hindi lang talaga ako mahilig sa kanin."
Sa loob-loob ni Ara, kahit na sa Rustan's pa siya naggo-grocery, unpolished rice naman talaga ang binibili niya dahil ito ang bilin ng kanyang dietician sa Joanne Drew Figure Salon.
Si Aling Maring na ang namagitan.
"Kumain ka ng kumain ng gulay Ara. Masustansya iyan."
"Salamat po." Magalang namang wika ni Ara.
IKATLONG ARAW niya sa probinsya at ikalimang araw ng kanyang dyeta ay naisip ni Ara ang perfect solution sa requirements ng kanyang dyeta. Nataon kasing beef and tomatoes ang dapat niyang kainin. At tamang tama naman gustong kunain ng spaghetti si Neneng.
Hindi n mahahalata ni Marko ang dyeta niya kung magluluto siya ng spaghetti and meatballs. Iyon nga lang, meatballs lang ang pwede niyang kainin.
"Pwede ho ba akong magpabili sa inyo sa bayan?" Paalam ni Ara kay Aling Maring.
"Aba, oo iha. Marami ka bang kailangan?" Tanong ng matanda.
"Hindi naman ho gaano. Sandali lang ho, kukunin ko lang ang natatago kong pera sa bag ko."
Nagpapasalamat si Ara at naging ugali na niya ang pagtatago ng kung ano-anong bills sa iba't ibang bahagi ng bag niya. Kaya kahit makuha man ng mga kidnapper ang wallet niya, nang ipunin niya ang nakaipit sa kanyang checkbook at sa mga bulsa ng bag niya, nakaipon siya ng mahigit kumulang na isang libo, siyam na raan at limangpung piso.
Kung tutuusin ay bawas na ang pera niya. Noon kasing nasa palengke sila malapit sa terminal ng bus ay nagpumilit siyang dumaan sandali sa botika at kalapit na tindahan.
Namili siya ng personal na gamit.
Nainis si Ara dahil walang silbi ang checkbook at creditcard na dala niya. Nakalimutan naman niya ang ATM card niya. Hindi kasi sanay ang dalaga na tight ang badyet kapag nagsho-shoping. Sa katunaya'y ngayon lang niya naramdaman na kailangan niyang bumili nh napakaraming bagay bagama't kaunti ang pera.
Nahibang naman si Marko sa dami ng pinamili ni Ara.
Sa ano't ano man, apat na raan ang ginasta ni Ara para sa lahat ng pinamili niyang toiletries. Nasindak nga siya dahil hindi siya sanay na nasasaid ang dalang pera. Pagtingin niya'y isang libo at limang daan na lang ang naiwan sa dala niyang pera.
Pero hindi rin nagpaawat ang dalaga. "Kailangan natin mamili ng mga pasalubong para sa nanay at kapatid mo. Kung hindi'y magdaramdam ang mga iyon sa iyo."
Hindi kumibo si Marko.
"Maganda ang telang ito para sa nanay mo." Ang sabi ni Ara kay Marko nang mapadako sila sa seksyon ng palengke na nagtitinda ng mga tela, daster, at ready-made na mga damit.
"Nakakahiya sa iyo," ang sabi ng binata.
Lumapit si Ara sa isang puting blusa na may katernong palda na floral ang print. "Ito siguro pwede na sa kapatid mo. Sa palagay mo ba'y kakasya?"
Tumango lang si Marko. Hindi nya naiibigan itong pashopping shopping ni Ara na para bang hindi sila nasa kalagitnaan ng panganib. Kung mamimili ang dalaga'y para lamang namamasyal sa Makati nung isang Sabado ng hapon na wala itong magawa sa buhay.
Nang mapalingon ang binata ay nakita na niya si Ara na binabayaran ang tela para sa nanay niya, ang palda at blusa ng kapatid, dalawang daster (na mukha na rin daw summer dresses ang sabi ng dalaga dahil nakapili naman siya ng magandang tabas at print.), at isang checkered na polo.
Biglang nag-isip si Marko. Aanhin naman kaya ng babae ang checkered na polo? At medyo malaki pa ang polo sa sukat ng dalaga. Mayamaya'y na-realize ng binata kung para kanino ang polo.
"At bakit ka naman bumili ng polo?" Tanong ng lalaki.
"Eh kasi, madi-disappoint naman ang nanay mo at kapatid mo pag umuwi ka doon na hindi bago ang suot mo. Alam mo na. Syempre, galing ka ng Maynila, ano? Ako nga, nahihiya kasi gusot na itong damit na itong damit ko. Buti na lang natatakpan nitong dala kong blazer. At saka, kahapon ko ps ito suot. Nakakahiya! Hindiman lang ako nakapagpalit."
Hindi malaman ni Marko kung ano ang sasabihin. Unang-una'y may punto nga naman ang dalaga. Kailangang maganda ang bihis niya para isipin ng pamilya na maayos naman ang lakad sa Maynila.
Ikalawa'y gusto nitong matawa dahil ngayon lang niya napansin na nakasuot nga pala ng blazer ang dalaga kahit na ang init-init ng panahon. Kasi nga'y tinatakpan ang gusot na blusa at gusot na mini-skirt.
Ikatlo, dahil nainis na naman siya't sa gitna nga ng panganib ay iniisipnpa rin ng dalaga kung maganda o hindi ang suot.
"Halika na maiiwan tayo ng bus sa kapapamili mo."
.
..
..
..
*************
Next Chapter..........
BINABASA MO ANG
Kidnap
RomanceMAAYOS ang buhay ni Ara, masaya at halos wala kaproble-problema. Isa syang mataas na opisyal ng negosyo ng mga magulang. Maganda si Ara at maraming nanliligaw sa kanya bagaman at wala siyang magustuha kahit isa sa mga ito. Hindi naman siya pi...