CHAPTER ONE

3.5K 74 15
                                    

ANG nakakasilaw na liwanag ng sikat ng araw ang gumising sa akin ng umagang iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANG nakakasilaw na liwanag ng sikat ng araw ang gumising sa akin ng umagang iyon. Bahagya pa akong inaantok kaya naman tumagilid lang ako upang hindi matamaan ng liwanag mula sa binatana ang aking mukha. Nakapikit ako ngunit gising na ang aking diwa. Kalahati ng utak ko ang nagsasabing bumangon na ako ngunit kalahati ang nagsasabing huwag muna, tinatamad pa ako. At mas nanalo ang nagsasabing kailangan ko nang bumangon.

Bumangon na ako at isinuot ang tsinelas. Naglakad ako papunta sa salamin na nakasabit at tinignan ang aking mukha mula doon. Medyo makapal na pala ang bigote at balbas ko. Ilang linggo na ba akong hindi nag-aahit? Isa? Dalawa? O tatlo? Ah. Hindi ko na matandaan ngunit kailangan ko nang mag-ahit ngayon.

Pagtalikod ko sa salamin ay napahinto ako upang pagmasdan ang kabuuan ng aking silid. Kung ang mukha ko ay kailangan na ang ahit, ang kwarto ko naman ay kailangan na ng linis. May nakikita na akong agiw sa kisame at maalikabok na rin ang sahig. Kaya pala panay ang bahing ko noong isang araw.

Tumango-tango ako at muling natigilan…

Isang damdamin ang unti-unti ay aking naramdaman sa aking puso. Kalungkutan. Tila walang hanggang kalungkutan ang bigla-bigla na lang namayani sa akin. Ang walang emosyon kong mukha ay lumukot nag bahagya habang nakatingin sa aking higaan. Gusto kong umiyak, gusto ng mata kong maglabas ng luha ngunit walang lumalabas doon. Hindi man ako umiiyak sa labas, sa loob ko ay tumatangis ako.

Bagsak ang balikat na naglakad ako pabalik sa aking higaan at umupo ako sa gilid niyon. Nang mapatingin ako sa aking unan ay kinuha ko mula sa ilalim niyon ang isang litrato. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi nang makita ko roon ang isang babaeng nakangiti. Napakaganda ng kanyang ngiti habang hawak niya ang isang hiwa ng pizza…

-----***-----

“AKIN itong slice na may maraming pinya, ha! Hmm! Ang sarap talaga ng pizza nila dito!”

“Anya, tingin ka sa akin! Bes, bilis!” Napatingin naman si Anya sa akin. Ang hindi niya alam ay naka-ready na ang aking cellphone para kunan siya ng litrato. Agad naman siyang ngumiti nang maganda at malaki nang malaman niyang pipicturan ko siya.

Nasa isang pizza parlor kami ng tanghaling iyon. Wala na kasi kaming susunod na klase sa kursong parehas naming kinukuha kaya dito na kami kumakain ng lunch.

“Patingin ako, bes! Baka pangit ako diyan, e! I-delete mo agad kung pangit!” Hindi na ako nakaimik o nakatanggi pa nang kunin niya sa akin ang aking cellphone. Tumango-tango siya. “Oy, ang ganda ko sa kuha mo, ha! In fairness! Wala 'tong filter, 'di ba, bes? Ipa-develop mo ito tapos ibigay mo sa akin. Alam mo, hindi dapat Industrial Engineering ang kinuha mo, e. Dapat iyong course na may kinalaman sa photography. Ang gaganda kaya ng shots mo sa IG mo. Inlove na inlove nga ako sa feed mo, e. Iyong sa akin kasi, ang pangit!” Dinala na niya sa bibig niya ang pizza at kinain.

'Buti pa iyong feed ko sa Instagram, in love ka… bulong ko sa aking sarili.

Totoo naman kasi. Gusto ko na tuloy magselos sa mga post ko sa Instagram kasi pinupusuan niya. E, ako? Hindi. Bestfriend. Iyan lang naman ako para kay Anya Delfin. Katulong sa paggawa ng thesis, kasama magkape, kasamang manood ng sine, kunwaring boyfriend kapag ayaw niya sa manliligaw niya, a shoulder to cry on. Nothing more, nothing less. But I want more… Oo, bestfriends kami pero may gusto ako sa kanya. At hindi lang basta simpleng pagkagusto kundi mahal ko na talaga siya. Kaya nga never akong nagka-girlfriend dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Siya ang gusto kong maging first and last ko.

Friend Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon