CHAPTER TEN
BATA pa lang kami ni Anya ay magkaibigan na kami. Nagsimula sa pagiging magkalaro, magka-partner in crime, magkasama sa kalokohan. High school days… doon namin naramdaman na mag-bestfriends kami dahil mas lumalim ang aming samahan. Hindi na namin kailangan ng ibang kaibigan. Basta kasama namin ang isa’t isa ay okay na okay na kami doon. High school din kami nang maramdaman kong mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Nagseselos na ako sa mga nanliligaw sa kanya kaya namin inamin ko na sa sarili ko na mahal ko na ang bestfriend ko… Pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin dahil may taong mahal na mahal siya-- si Franco.Ano bang laban ko kay Franco? Mayaman ito, anak ng mayor at 'di hamak na mas gwapo sa akin. Ako? Simpleng lalaki lang. Wala akong maipagmamalaki sa kanya.
Kaya naman nagfocus na lang ako sa aking pag-aaral hanggang sa maka-graduate na ako sa aking kursong Industial Engineering. Isa pa, kahit papaano naman ay nandiyan ang girlfriend kong si Shannel upang tulungan akong kalimutan si Anya. Napakaswerte ko sa kanya at malas niya sa akin. Sinasabi ko kasi na mahal ko siya kahit si Anya naman talaga ang mahal ko. Alam ko, sobrang unfair ko, sobrang selfish ko. Pero anong magagawa ko? Ito lang, si Shannel lang ang alam kong daan para makalimutan na ang walang pag-asang pag-ibig ko para sa aking matalik na kaibigan.
Simula ng gabing nakita ko si Anya sa lumang bahay nina Franco at naaksidente ako ay hindi na kami nagkausap ulit. Kahit nga no’ng graduation ay hindi ko man lang siya na-congratulate dahil sa palagi silang magkadikit ni Franco. Madalas din naman siyang wala sa bahay nila. Ayon sa kanyang nanay ay palaging sinusundo ni Franco at madaling araw na palaging umuuwi.
Sa tuwing nakikita ko si Anya ay hindi ko maiwasang hindi alalahanin iyong nakita ko ng gabing iyon. Sa nakikita ko sa kanya ay parang okay lang sa kanya ang lahat. Mula pagkabata ay magkasama na kami pero mukhang hindi ko pa nga talaga kilala nang lubusan ang bestfriend ko. May mukha pa pala siya na hindi ipinapakita sa akin.
Isang gabi, habang nakatambay ako sa labas ng bahay namin ay biglang dumating sina Franco at Anya sakay ng kotse ng una. Nagtatawanan silang dalawa pagbaba nila ng sasakyan. Naghalikan pa nga sila. Napansin ko rin na parang lasing si Anya dahil ang lakas nitong magsalita at medyo gumegewang-gewang sa pagtayo.
“Bukas ulit, ha?” Narinig kong sabi ni Franco.
“Oo naman basta same place, same time and same activity!”
“Hmm! Talagang mahal mo ako, 'no? Lahat ng pinapagawa ko sa iyo, ginagawa mo.”
Hindi yata nila ako napapansin dahil parang sa kanila lang ang mundo. Wala silang pakialam kahit malakas ang kanilang pag-uusap.
Pinapanood ko lang sila hanggang sa may nakita akong inilabas ni Franco mula sa kanyang bulsa. Isang maliit na bagay na parang plastic. Iniabot nito iyon kay Anya.
“O, para sa iyo ito. Bonus mo.” Nakangising turan ni Franco.
“Wow! Thank you! Mahal mo talaga ako!”
BINABASA MO ANG
Friend Of Mine
Historia CortaIto ang pag-alala ni APOLLO sa kanyang kaibigan na si ANYA at kung bakit hanggang magkaibigan lang sila...