HINDI pa rin maalis-alis ang mata ko sa litrato ni Anya na hawak ko. Sa litratong iyon ko na lang makikita ang mga ngiti niyang iyon dahil sa kasalukuyan ay wala na siya. Wala na… Hanggang sa alaala ko na lamang siya makakasama…
-----***-----
“BES, please naman… Pumayag ka na!” Pamimilit ni Anya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa kanya, kung papayag ba ako sa gusto niya na bantayan ko ang boyfriend niya.
Maya maya ay tumigil na siya sa pamimilit sa akin. Bumalik na siya sa pagkakaayos ng kanyang upo. “Okay. Fine. Kung ayaw mo, hindi na kita pipilitin.” Inubos niya ang iced tea niya at sinamsam na ang kanyang mga gamit.
“O, teka! Saan ka pupunta?”
“Bahala na! Hahanap ng papayag na magbantay sa boyfriend ko!” Obvious na nagtatampo siya sa akin.
“Ha? Okay, sige na! Payag na ako! Kakaibiganin ko na si Franco para sa’yo!”
Bigla siyang huminto sa pagliligpit ng mga gamit niya at nakangiting tumingin sa akin. Sabi ko na nga ba! Drama lang niya ang pagtatampo niya. Alam niya kasi na hindi ko siya matitiis kapag nagtampo na siya. Kilalang-kilala na talaga ako ni Anya.
“Talaga, bes? Yes! Wala nang bawian, ha! Thank you, bes!” Umupo pa siya sa tabi ko para yakapin ako. “The best ka talaga!”
“'Sus! Sa galing mo kasing magdrama! Tama na nga, doon ka na sa upuan mo!” Kunwari ay naiinis ko siyang itinaboy pero ang totoo ay gusto kong mas tumagal ang pagkakayakap niya sa akin. Baka kasi madala ako masyado. Mahirap na.
“Ikaw talaga! Allergic ka ba sa babae, bes? Kung makataboy ka naman sa akin diyan. Baka naman… bakla ka! Kaya ba hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagkakaroon ng girlfriend kasi ang gusto mo ay boyfriend? My God, bes!” Exxagerated pa niyang inilagay ang dalawang kamay sa bibig nito.
Natawa ako sa mga sinabi niya. “Pwedeng 'wag OA, bes? Hindi ako bakla, 'no. Hindi ko pa lang siguro nakikilala ang babaeng magpapatibok ng aking puso.” Talaga ba? E, nasa harapan ko na nga ang babaeng iyon. Matagal ko na siyang natagpuan. Iyon nga lang, hindi niya ako alam ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.
“Ito naman! Joke lang. Alam ko naman na hundred percent na lalaki ka. Pero, seryoso, bes… salamat talaga. Ikaw lang naman ang malalapitan ko pagdating sa mga ganitong bagay, e.”
“At hindi naman kita kayang tiisin. Pero, wish ko lang talaga, matauhan ka na diyan kay Franco!”
“E, hayaan mo na. Maiintindihan mo rin ako kapag nagmahal ka na. Ano? Uuwi na ba tayo? Tambay muna ako sa inyo. Gagawa rin ako ng thesis!” aniya sabay kindat sa akin.
-----***-----
MAGKASABAY kaming umuwi ni Anya pero hindi siya dumiretso sa amin. Magbibihis daw muna siya ng pambahay at kukunin ang kanyang laptop tapos ay saka siya pupunta sa amin.
BINABASA MO ANG
Friend Of Mine
Kısa HikayeIto ang pag-alala ni APOLLO sa kanyang kaibigan na si ANYA at kung bakit hanggang magkaibigan lang sila...