MATAGAL na nakatayo si Franco sa harap ng kabaong ni Anya. Tila ba kinakausap niya iyon. Para sa akin, si Franco ay ang pinaka maswerteng lalaki sa buong mundo. Bakit? Dahil siya lang naman ang mahal ng babaeng pinapangarap at minamahal ko. Na kahit ako ang palaging nasa tabi ng babaeng iyon ay hindi pa rin ito nahulog sa akin at sa kanya pa. Iyon nga lang, kung siya ang pinaka maswerte ay siya rin ang pinaka tanga. Dahil binabalewala lang niya ang isang babaeng katulad ni Anya…
-----***-----
NAGISING ako na masakit ang ulo. Nagulat ako nang may makita akong braso na nakayakap sa aking katawan. Pagtingin ko sa aking gilid ay nakita ko si Shannel na mahimbing na natutulog at siya rin ang nakayakap sa akin. Mula sa nakabukas na bintana sa silid na iyon ay nalaman kong gabi na dahil madilim na sa labas.
Ipinikit ko sandali ang aking mata upang alalahanin ang nangyari.
Kapwa kami nakalimot ni Shannel kaya may nangyari sa amin. At mali ito! Hindi ko dapat siya ginalaw! Pakiramdam ko tuloy ay nakagawa ako sa kanya ng napakalaking kasalanan. Nakakahiya. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Siguro ay kailangan ko nang umalis dito bago pa siya magising.
Maingat kong inalis ang braso ni Shannel mula sa pagkaadantay sa akin. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa ibabang bahagi ng aking katawan at bumaba na ng kama. Hinanap ko ang mga saplot ko. Nakita ko lahat ng aking damit sa may lapag. Nagmamadali na isinuot ko ang lahat ng iyon.
Sa huling pagkakataon, bago ako umalis ay sinulyapan ko si Shannel at mas lalo akong nakonsensiya sa aking nagawa nang may makita akong bahid ng dugo sa bed sheet. Ibig sabihin lang ay ako ang nakauna sa kanya.
Patawarin mo ako, Shannel… bulong ko sa aking sarili bago ako tuluyang umalis sa bahay nila.
-----***-----
NAGLALAKAD na ako pauwi sa bahay namin. Medyo nakatulala pa rin ako at hindi alam ang gagawin. Hanggang sa makarating ako sa bahay ay tulala pa rin ako.
“O, bakit ngayon ka lang umuwi? Akala ko ba ay maaga ang uwi mo?” Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang lumabas sa kwarto niya ang nanay ko at agad na nagsalita.
Napahinto ako upang sagutin siya. “Ah, e… Inaya lang po ako ng mga kaibigan ko na mag-inom after ng huling klase ko. Pasensiya na po…” Pagsisinungaling ko.
“Gano’n ba? Sige. Sa susunod ay magsasabi ka para hindi ako nag-aalala. Pinag-alala mo talaga ako dahil first time mo itong ginawa.”
“Noted po, 'nay!” Ngumiti pa ako. “Saka 'wag na po kayong mag-alala dahil okay naman po ako na nakauwi, e…”
“Kahit na. Teka, ang akala ko ba ay si Anya lang ang kaibigan mo?”
“Hmm… May mga kaibigan po akong mga lalaki pero hindi ko naman sila kasing close katulad ni Anya. Sige po!” Isa na naman iyong kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
Friend Of Mine
Short StoryIto ang pag-alala ni APOLLO sa kanyang kaibigan na si ANYA at kung bakit hanggang magkaibigan lang sila...