NARINIG ko ang paghikbi ni Shannel. Nakayuko lang ako at hindi ko siya kayang tignan dahil nahihiya ako. Nahihiya ako dahil alam ko sa sarili ko na malaki ang naging kasalanan ko sa kanya.
“Alam ko naman iyon, e. Hindi mo kailangang mag-sorry, Apollo. Ako lang naman ang pumilit sa iyo na mahalin ako kahit alam ko na hinding-hindi ko mapapalitan sa puso mo si Anya kahit na ano ang gawin ko.” Umiiyak niyang sabi.
“Shannel…”-----***-----
“APOLLO! Sandali! Hoy! Apollo! Wait!” Napahinto ako sa paglabas ng classroom nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Shannel. Huminto ako para hintayin siya. “May pupuntahan ka ba after our class?” tanong niya. Bahagya pa siyang humihingal at may kaunting pawis sa noo.
“Wala na. Pauwi na rin ako. Bakit? 'Eto!” Inabot ko sa kanya ang aking panyo at imwenistra sa kanya na punasan niya ang pawis sa kanyang mukha na inabot niya agad.
“Thanks!” aniya matapos punasan ang mukha. “Ano kasi… magpapasama ako sa iyo, e. Kung okay lang sana sa iyo. Wala na rin kasi akong class. Sa mall lang. Birthday kasi ng kapatid kong lalaki at bibilhan ko siya ng gift. I guess you can help me kasi lalaki ka. If okay lang naman sa iyo…”
Nag-isip ako saglit kung sasama ba ako kay Shannel o hindi. Pero mas mabuti siguro na sumama na lang din ako sa kanya tutal naman ay absent ngayon si Anya. Sabi niya kasi ay magde-date sila ngayon ni Franco. Babawi daw ito sa kanya sa hindi nito pagsipot sa date nila no’ng monthsary nila. Tama talaga ang kutob ko. Hindi kayang tiisin ni Anya ang boyfriend niya. Isang lambing lang, nakalimutan na niya agad ang kasalanan nito sa kanya. Sabagay, iyong pag-amin ko nga na mahal ko siya ay nakalimutan na rin niya agad, e.
Tinanguhan ko si Shannel. “Sige, sama na lang ako sa iyo. Wala rin naman akong gagawin sa bahay, e. At tama na ako ang isasama mo kasi matutulungan talaga kita sa mga boys’ stuffs.”
“Wow! Thank you, Apollo! You’re an angel!” Akala mo naman ay napakalaki ng pabor na gagawin ko sa kanya sa paraan ng pagpapasalamat niya sa akin.
At naglakad na kami papunta sa parking lot ng school para sumakay sa kanyang kotse. Hanga rin ako dito kay Shannel. Imbes na kumuha ng driver ay siya na mismo ang nagda-drive para sa sarili niya. Sa tabi niya ako umupo. Alangan naman sa likod. Nakakahiya naman sa kanya.
Mabilis lang naming narating ang mall. Pagka-park niya ng kotse ay pumasok na rin kami agad sa loob.
“Ilang taon na ba 'yong kapatid mong lalaki?” tanong ko sa kanya habang naglalakad-lakad na kami.
“He’s only six.”
“Ano? Six years old lang? E, bigyan mo lang 'yon ng laruan na kotse or robot, okay na iyon. Hindi mo na ako kailangang isama dito.” Natatawa at naiiling na sabi ko.
“Actually, gusto lang talaga kitang makasama, that’s why.”
Naumid ang dila ko sa sinabi ni Shannel. Lalo na ng tignan niya ako at ngumiti siya. Ayoko namang mag-assume pero parang naramdaman ko na may gusto siya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa pumunta kami sa isang toys store. Isang malaking robot ang binili niya at ipina-wrap na rin niya iyon. After that ay bumalik na kami sa kanyang kotse. Aniya, may alam daw siyang masarap na restaurant na medyo malapit lang sa naturang mall. Treat niya daw dahil sinamahan ko siya. Hindi na rin ako tumanggi dahil sa totoo lang ay wala naman akong dalang pera.
BINABASA MO ANG
Friend Of Mine
Historia CortaIto ang pag-alala ni APOLLO sa kanyang kaibigan na si ANYA at kung bakit hanggang magkaibigan lang sila...