CHAPTER NINE

976 45 3
                                    

TATLONG araw ang lumipas bago ako kinausap ulit ni Anya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TATLONG araw ang lumipas bago ako kinausap ulit ni Anya. Nasa labas ako ng campus ng hapon na iyon, pauwi na. Hinihintay ko si Shannel dahil may ginagawa pa siya sa loob. Nakatambay ako sa isang sari-sari store at nagulat ako nang bigla akong lapitan ni Anya. Nakangiti na siya kaya alam kong hindi na siya galit sa akin.

“Kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nag-uusap, a.” Bungad niya.

“Kaya nga, e.Okay lang. Ikaw ba?” May ilang akong nararamdaman. Parang simula nang naging away namin no’ng huli ay marami nang nagbago. Tila nabawasan ang closeness namin. Parang may pader na sa pagitan namin.

“'Eto, okay lang din. Tapos ko na ang thesis ko. Ang saya nga, e.”

“Wow. Mabuti naman. Kaya mo naman pala kahit hindi na kita tulunga.” Sandali akong natahimik. “G-galit ka pa sa akin? I mean, tungkol doon sa… alam mo na.”

Kumibit-balikat siya. “Hmm. Hindi na. Nakapag-isip na ako at gusto kong mag-sorry sa iyo. Sorry kung nagalit ako sa iyo dahil lang may gusto ka sa akin. Hindi ko naisip na hindi mo naman kayang kontrolin ang puso mo. Pero sana maintindihan mo ako kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko. Nagulat at nabigla lang din talaga ako. Hindi ko kasi inaasahan na ganoon nga… may gusto ka sa akin.”

Napangiti ako. “Salamat, ha. 'Buti naman at hindi ka na galit sa akin. Alam mo bang hindi ako makatulog ng ayos dahil alam kong galit ka sa akin. 'Wag kang mag-alala, naiintindihan ko naman. Kahit naman ako, kung nagtapat ka sa akin na may gusto ka sa akin, mas intense pa siguro ang emosyon ko sa emosyon mo no’n!” Pagbibiro ko pa.

Napatawa naman siya. “Gago ka talaga!” Maya maya ay huminto na siya sa pagtawa. “Pero, alam mo naman na hanggang bestfriend lang ang kaya kong ibigay sa iyo, 'di ba? Sana nauunawaan mo iyon, Apollo. Gusto ko na maging magkaibigan tayo habangbuhay.”

'Ayan na naman iyang magkaibigan habangbuhay na iyan. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi tanggapin na lang iyon? Isa pa, pinapatay ko na naman ang feelings ko para sa kanya kaya hangga’t maaari ay ayoko munang masyadong mapalapit sa kanya.

Tama nga si Shannel… Ang magkagusto ka sa kaibigan mo ang isa sa pinaka mahirap na bagay sa mundo. Kapag umamin ka kasi sa kanya ng nararamdaman mo, it’s either mag-stay lang kayo as friends or mawala siya. Bihira iyong may gusto rin pala sa iyo.

Ngumiti ako kahit napipilitan. “Oo naman. Friends forever… and ever and ever.”

“Iyon nga lang, marami nang magbabago. Sa totoo lang kasi, naiilang na ako sa iyo simula nang malaman ko na may gusto ka sa akin kaya kung okay lang sa iyo, bawasan muna natin ang time natin ng magkasama. Balita ko rin naman na kayo na ni Shannel, 'di ba? Sa kanya ka na lang magfocus sa ngayon lalo na at bago pa lang kayo. Maiintindihan ko naman kung mawawlan ka na ng time sa akin kasi may girlfriend ka na. Wish ko lang na sana ay magtagal kayo.”

Friend Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon