ANG nagwawalang tunog ng cellphone ko ang gumising sa akin sa gitna ng gabi. Tinatamad na iminulat ko ang aking mga mata at inabot ang aking c
ellphone na nasa tabi ko lang naman. Wala kaming pasok bukas kaya medyo maaga akong natulog. Gusto ko kasing bumawi ng tulog dahil ilang gabi na akong puyat matapos lamang ang thesis ko. At 'ayon nga, nagbunga na ang hindi ko pagtulog at natapos ko na siya! At tapos, 'eto naman ang kung sinumang tumatawag sa akin sa ganitong oras ay ginagambala ang pagbawi ko sana ng tulog.Haaay… Bad trip!
Napakunot ako ng noo nang makita ko na si Anya pala ang tumatawag. Bakit kaya tumatawag ang babaeng ito ng alas onse ng gabi? Ang alam ko kasi ay may date sila ni Franco dahil monthsary nila ngayon. Tapos na agad ang date nila? Parang ang bilis naman. Madalas kasi kapag nagde-date ang dalawang iyon ay madaling araw na umuuwi si Anya.
Ang mabuti pa siguro ay sagutin ko na lang ang tawag niya nang malaman ko.
“Hello, Anya?”
“Bes… Kailangan kita, bes…”
Agad akong kinabahan nang marinig ko na gumagaralgal ang kanyang boses. Umiiyak yata siya. “Umiiyak ka ba, bes? Anong nangyari? Inaway ka na naman ba ni Franco?!” Natatarantang tanong ko. Napabalikwas pa talaga ako ng bangon.
“Bes, puntahan mo naman ako dito sa Anyhaw, please. Bilisan mo.”
“Ha? Bakit ako pupunta diyan? Third wheel na naman ba ako sa date niyo ni Franco. Bes naman… Natutulog ako, e. Alam mo naman na ngayon lang ako bumabawi ng tulog dahil ilang gabi akong puyat dahil sa--”
“M-mag-isa lang ako dito. Please, puntahan mo ako. H-hindi ako sinipot ni Franco sa date namin. Hayop siya!”
Pagkarinig ko ng sinabi niya ay nagpaalam na agad ako sa kanya. Mabilis akong nagbihis. Hindi na nga ako naligo, e. At pagkatapos ay pinuntahan ko na agad siya sa Anyhaw Restaurant. Nakita ko naman agad siya dahil nasa bungad lang siya. Umupo ako sa harap niya at nakita ko na namumugto ang kanyang mga mata.
“Ano na naman ba ang nangyari?” tanong ko agad.
“Ang hayop na si Franco! Alam mo bang imbes na pumunta siya dito para makipagdate sa akin kasi nga monthsary namin ay doon siya kay Bettina sumama? Nasa isang resort sila sa Pansol, Laguna! Mas pinili pa niyang makipag-chuk-chakan sa haliparot na babaeng iyon kesa i-celebrate ang monthsary namin. Putang ina nila talaga!” Mangiyak-ngiyak na sumbong niya sa akin.
Nang makita kong iiyak na siya ay hinugot ko ang aking panyo sa bulsa at inabot iyon sa kanya. “Pwede ba, 'wag kang umiyak dito. Baka isipin ng mga tao ay ako ang nagpaiyak sa iyo!” sita ko sa kanya.
“Sorry, bes! Ang sama-sama lang talaga ng loob ko. Feeling ko, hindi na ako mahalaga kay Franco.” Kinuha niya ang panyo at pinunasan ang kanyang luha.
BINABASA MO ANG
Friend Of Mine
Short StoryIto ang pag-alala ni APOLLO sa kanyang kaibigan na si ANYA at kung bakit hanggang magkaibigan lang sila...