ISANG mahinang tapik sa balikat ang iginawad sa akin ng nanay ni Anya. “Sige, Apollo, iwanan muna
kita dito. Dumating na kasi iyong pinabili kong pang-sopas. Lulutuin ko muna iyon,” anito sa akin.“Okay po, tita. Kung may maitutulong po ako, sabihan niyo lang po ako, ha. Hmm… Nasaan po pala iyong mga biscuit? Ako na po ang mamamahagi sa mga nakikipaglamay sa labas. Para naman may maitulong ako sa inyo kahit pa’no,” prisinta ko.
“Maraming salamat, Apollo. Nasa kusina. Halika, sumunod ka sa akin.”
Sumunod ako sa kanya at pagdating sa kusina ay itinuro niya sa akin ang isang lata ng biscuit. Kusa na akong kumilos. Memoryado ko na naman ang bahay nina Anya dahil dito ako madalas tumambay kapag naiinip ako sa bahay. Kahit wala si Anya ay pumupunta ako dito dahil close na naman ako sa buong pamilya niya. Parang ito na nga ang naging pangalawang tahanan ko bukod sa eskwelahan.
“Bukas pa nga po pala makakapunta dito si nanay, tita. Busy kasi iyon sa pwesto niya sa palengke. Bukas pa rin po kasi darating iyong katulong niya doon sa pagtitinda, e.”
“Naku, walang problema. Pumunta kamo siya kung kailan siya pwede. Isa pa, tatlong gabi naman naming ibuburol si Anya.”
Kumuha ako ng pinggan at naglagay ako ng biscuit doon. Palabas na ako ng kusina para mamigay niyon sa mga tao sa labas nang may makita akong babae sa may kabaong ni Anya. Kahit nakatalikod siya sa gawi ko ay kilala ko ang naturang babae.
Nilapitan ko siya at tinawag. “Shannel…”
Mabilis na lumingon si Shannel. Tumabi ako sa kanya at sabay naming tinignan si Anya.
“She gone too soon… And that’s too sad. Hindi man kami close ni Anya pero alam ko marami pa sana siyang pangarap. My condolences, Apollo.” Hinaplos niya ang aking likod.
Ngumiti lang ako. “Biscuit? Gusto mo? Baka nagugutom ka.” Offer ko sa aking dala.
-----***-----
“NO, thanks. Busog na ako, Apollo. Okay na ako sa isang burger…” Pagtanggi ni Shannel nang i-offer ko sa kanya ang burger ko na hindi ko pa naman nagagalaw. Naubos niya kasi agad iyong pagkain niya kaya naisip ko na baka gutom pa siya.
“Ang bilis mo kasing kumain, e. Sure ka ba talaga? Parang kulang pa sa iyo 'yan.”
“Yes. Mabagal ka lang talagang kumain kasi panay ang kwento mo. Ang gana mong magkwento kasi si Anya ang topic natin. Feeling ko tuloy, kilalang-kilala ko na siya dahil sa iyo.” Itinabi ni Shannel ang pinggan niyang wala nang laman upang makapaghalumbaba.
Napangiwi ako. “Napasobra na yata ang kwento ko. Nabored ka ba? Gusto mo ibang topic na lang? Ano bang interests mo? Baka gusto mong iyon ang pag-usapan natin?”
“No. Wala akong ibang gustong pag-usapan. Magandang topic nga ang friendship niyo, e. Nakakainggit kasi wala akong bestfriend. I know the reason why naman. Some think na suplada ako because I look like a villain sa isang soap opera but that’s just my physical appearance. The real me is… ito. Itong kaharap mo ngayon, Apollo.”
BINABASA MO ANG
Friend Of Mine
Short StoryIto ang pag-alala ni APOLLO sa kanyang kaibigan na si ANYA at kung bakit hanggang magkaibigan lang sila...