Chapter 1: Snow

45 4 0
                                    


"Ay jusmiyo! Umuulan na, mga sinampay ko!" Napatingin agad ako kay mama na nagmamadaling lumabas ng bahay.

Umuulan??

Weh?

Kumaripas agad ako ng takbo sa kwarto ko at nagmadaling pumunta sa sliding window ko upang buksan para tumingin sa labas...

WOW!

*Jaw-dropping*

Nag-s-snow na naman yieeeee

Kahit ilang beses na ako makakita ng snow hindi ko pa rin talagang maiwasang mamangha. Ang ganda kasi tapos napakarelaxing pa.

hayss..

Noong bata pa kasi ako gustong-gusto ko talagang makakita ng snow. It really reminds me of my adorable papa.

Nasa ibang bansa kasi si papa para mag trabaho tapos mahilig mag send si papa ng mga pictures nya sa amin na nakahiga sa snow at nakikipaglaro sa mga bumabagsak na mga snowflakes. Gusto rin kasi ni papa makakita ng real-life snow kaya ganon na lang ang pagkatuwa nya na makakapagtrabaho siya sa ibang bansa.

Speaking of papa nasaan na kaya siya? kumusta na kaya siya? Ano kaya ginagawa nya ngayon?

Pinagmasdan ko na lang ang pagbagsak ng mga yebe mula sa kalangitan habang ang dalawang siko ko ay nakapatong sa bintana at ang dalawa ko namang kamay ay nakalagay sa magkabilaan kong pisngi.

Hanggang sa narining kong bumukas ang pintuan ng aking silid.

"Iyan ka na naman, el. Isarado mo na iyang bintana mo at baka mabasa ka pa ng ulan." Mahinahon ngunit may awtoridad na utos ni mama.

Sus hindi pa nasanay sa akin si mama kung tutuusin lagi akong ganito 'pag umuulan-na nag-s-snow base sa nakikita ng mata ko hahaha.

Wala tayo sa ibang bansa ah? nasa pilipinas pa rin tayo hohoho ^_^

Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng snow dito sa pinas basta iyan ang sabi ng mata ko. hahaha

Funny.

"Opo, mama." Mahinang sagot ko na hindi inaalis ang tingin ko sa mga bumabagsak na mga snowflakes.

Narinig kong sumara ang pinto hudyat na umalis na si mama.

Bago ko isara ang sliding window ng kwarto ko ay kumuha ako ng isang snowflakes na dumikit sa bintana at iniligay ito sa garapon pagkatapos ay isinara ko na rin ang sliding window ko.

Humiga ako sa kama at pinagmasdan ang isang snowflake na nasa garapon.

Ipapakita ko to sa kafated ko, kay alves.

Sa pagkakaalam ko kasi pareho kami may hilig sa snow kaya sigurado akong matutuwa sya pag nakita nya ito hihi kaso wala pa sya eh hindi pa nakakauwi, sabi niya may group activity daw sila kaya 'di ko pa maipapakita sa kanya itong snowflake :(

Ay oo nga pala!! May pasok pa pala ako. hayss

Wala pa bang suspension? Sabagay Snow-proof kaming mga college students😂

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng School uniform ko atsaka Nagpaalam na kay mama. Lalakarin ko na lang tutal walking distance lang naman ang school ko. Sayang pamasahe 'pag magcocommute pa ako.

Nasa school na ako at naglalakad sa hallway patungo sa classroom ko. As usual may naririnig na naman akong bulong-bulungan, 'yong iba naman ay sinusundan lang ako ng tingin.

Kilala ako dito sa ChloeMiracle University dahil sa mala-gintong kulay ng dalawa kong mata. Siguro first time lang nila makakita ng ganitong klase ng kulay ng mata sabagay bihira lang talaga or should I say wala naman talagang nageexist na ganitong kulay ng mata except for me kaya ganon na lang siguro ang 'pagtataka nila.

Peculiar Eyesight (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon