Chapter 3: Curiosity

11 4 0
                                    

Elyths' POV

"Hello po, ate prina." bati ng kafated ko habang nakangiti nang makita si beshy dito sa bahay.

Sus kala mo naman mabait.

Konti na lang talaga at iisipin ko na may gusto 'tong maganda kong kafated sa beshy ko eh.

weyt! Maganda ba si beshhy?

laaahh

Gusto ko na rin makitaaaa huhu

"Hello din, bebe alves!" nakangiti ring bati ng beshy ko sabay kindat.

Laahh kala mo naman kung sino ring mabait :3

Weyt!

Totoo bang nakita ko na namula ang mukha ng kafated ko?

Confirmed!

May gusto nga siya kay beshy yiee

landi rin eh hays

"Anong balak mong gawin sa darating na bakasyon, beshy?" nakangiting tanong sa akin ni beshy. Napansin ko naman ang mabilis na pag-akyat ng kafated ko sa hagdanan. Ay nahiya siguro ahem

hays

Minsan talaga nakakasawa ang pagmumukha nito. Laging nasa bahay namin. hays

"Hmm dito na lang siguro ako sa bahay." walang ganang sagot ko.

"Bakit naman? Punta tayo sa boracay! Gusto ko magswimming!" pag-aaya niya sa'kin.

"Hays ayoko! Alam mo naman ang nangyari noong huling swimming natin diba?" angal ko.

"Amf! hahahahaha bakit mo naman kasi ginawa iyon?" pang-aasar niya.

Kahit kailan talaga itong si beshy mapang-asar! :--(

~Flashback~

"Beshy okay ka lang?"

"Ah O-Oo hehe bakit?" nagtatakhang tanong ko.

"Pangiti-ngiti ka kasi dyan eh. Mukha kang ewan. amf." mataray na tugon niya.

Nandito kami sa Hushville Resort para you know mag-swimming. Nakaupo kami sa gilid ng pool habang nakalubog ang mga paa namin sa tubig.

Ang weird lang tignan mga tao dito dahil nakadamit sila ng makakapal at ang iba naman ay naka-scarf pa habang lumalangoy sa pool.

Weird but funny. hehe

Kami ring dalawa ni beshy nakadamit ng makakapal. Akala mo nasa ibang bansa pero alam kong mali ang nakikita ko dahil 'pag hinawakan ko ang damit ni beshy, manipis lang ang kanyang suot at nakashort. Ganoon din ang sa akin.

Pinagmasdan ko lang ang mga paa namin na nilalaro ang tubig, nang may umagaw ng atensyon ko mula sa malayo.

Sobrang gwapong lalake na animo'y isang modelo ng mamahalin at branded na mga damit dahil sa magandang hubog nitong pangangatawan na sinamahan pa ng pagkamagandang lalake niya.

Mukha siyang Anghel *0*

Feeling ko 'nag-slow mo' ang paligid ko habang pinagmamasdan siyang magpunas ng kanyang basang buhok. Bumaba ang tingin ko hanggang sa kaniyang tiyan at..

*gulp*

*Jaw-dropping*

*closes mouth*

*gulp*

May Six-pack abs lang naman siya kyaaa

Napansin ko na nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya lumapit siya sa direksyon ko at ng makalapit siya sa akin ay naupo siya sa tabi ko at nilublob din ang kanyang mga paa sa pool bago ngumising nakatingin sa akin.

Oh syet pakshet pakbet!

Ang ganda ng mata.

Ka-inlab hihi

"I love the color of your eyes, babe." sabay kindat niya sa akin.

Patuloy pa rin akong nakatulala sa kanya nang maramdaman ko na nakahawak na siya sa hita ko.

Agad akong bumalik sa katinuan ko nang maalala ko na kabaliktaran ang nakikita ng mata ko. Ibig sabihin, isa siyang pangit, adik, tanders, manyak! Ayoko manlait pero iyon ang totoo huhu

'Di ako nagdalawang isip na tadyakin siya sa mukha dahilan para mawalan siya ng balanse at mahulog sa pool.

"Oh my gosh, el!" narinig kong hiyaw ni beshy dahil sa pagkagulat.

Napansin ko na marami na ang nakatingin sa amin at bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat kaya agad akong tumakbo papunta sa nirentahan naming room at sinundan din naman agad ako ni beshy.

"Ano bang nangyari, elyths?" seryosong tanong niya nang makarating na kami sa kwarto namin.

Galit na si beshyyy huhu

Hindi ko sinagot ang tanong niya at namalayan ko na lang na may tumulong luha mula sa mga mata ko.

Niyakap ako ni beshy habang tinatapik ng marahan ang balikat ko para patahanin ako.

"S-Sinungaling 'tong mata ko, prina. A-Ayoko nitong mata ko! Bakit ba kasi ganitong mata pa ang napunta sa akin? Ano bang meron sa mata na ito?!" sunod-sunod na reklamo ko habang umiiyak.

"Elyths, Things happens for a reason... tahan na." pangungumbinsi niya sa akin.

Nakakatuwa lang dahil tinatawag namin ang isa't-isa sa mismong pangalan namin kapag nasa seryosong usapan kami.

~End of Flashback~

Tinignan ko ng masama si beshy na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin.

"Tumigil ka na nga! Umalis ka na! Matulog ka na lang!" sabay tulak sa kanya palabas ng bahay.

"Beshy naman hahahaha!" tawang-tawa parin siya.

Nang nasa labas na siya, sinarado ko na agad ang pintuan. Narinig ko pa siyang sumigaw

"BASTA SWIMMING TAYO AH, BABE? HAHAHAHA"

Lakas ng topak!

Hinayaan ko na lang siya at umakyat sa kwarto ko. Mahihiga sana ako nang makita ko ang reflection ko sa standy mirror ko, saglit akong napahinto at pinagmasdan ang sarili ko,

Maitim.

Maraming tigyawat.

Dry hair.

Golden eyes,

Pero bakit gano'n kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga yan ang mukha ko 'di ko pa rin maiwasang maging malungkot at ang tanging nakikita ko lang na totoo ay ang mga mata ko.

hayss

Ano na kaya ang totoo kong mukha?

Ano na kaya ang totoong mukha nila mama, kafated, at ni beshy?

Kailan ko kaya makikita ang katotohanan?

Gusto ko ng makita... gustong-gusto.

Hays.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong higaan medyo umuuga-uga pa ito dahil sa biglaang paghiga ko.

Hindi ko talaga mapigilan na tanungin ang sarili ko nang marami whenever I feel hopeless and helpless because of these eyes.

I've been bullied several times noong elementary pa lang ako dahil sa mata ko. Sinasabi nila Aswang, demonyo, mangkukulam at abnormal daw ako. Ilang beses akong umiyak noon buti na lang at nariyan si beshy na pinagtatanggol ako hehehe

Nang mag-Highschool ako, medyo nabawas-bawasan na ang bumu-bully sakin pero meron pa rin nang-aasar pero keriboom boom ko naman. Sanay na ako eh hays.

May mga iba naman natutuwa, nagugulat, natatakot at namamangha kasi kakaiba daw kulay ng mata ko. Animo'y nagliliwanag sa dilim dahil sa mala-ginto kong mata.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Unti-unti akong nakaramdam ng pagkaantok at pinikit na ang mga mata ko.

***

Peculiar Eyesight (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon