Chapter 7: Parents over friendship

11 3 0
                                    

Elyths' POV

Hindi pa natatapos and debut ni maecy pero pauwi na kami ni prina dahil sumasakit daw ang ulo niya. Nakakalungkot lang dahil nanumbalik na muli ang kakaiba kong paningin, hindi ko na tuloy makikita and totoong mukha nila mama at kafated.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse nila prina.

"Okay ka na beshy?" mahinhin kong tanong sa kanya.

"Medyo sumasakit pa ang ulo ko eh," inalis ni beshy ang nakasandal niyang ulo sa balikat ko at saka tumingin sa akin, "How about your sight, elyths?" this time medyo naging seryoso ang tono ni prina nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Bumalik na uli sa pagiging abnormal." I replied woefully.

"Huh? Diba kanina maayos naman paningin mo?" Tanong ni prina na may halong pagtataka.

"Hindi ko rin alam, prina." wala akong ganang makipag-usap because of such grief. Napansin ata ni prina na ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa paningin ko kaya imbes na magsalita muli sya ay bumuntong hininga na lamang siya at saka sinandal muli ang ulo niya sa balikat ko.

Tumingin na lang ako sa window ng kotse at pinagmasdan ang lugar na nadadaanan ng kotse. Parang tumatahak kami sa isang Haunted road dahil wala man lang akong nakikitang kahit anumang bahay at miski mga tao.

I smiled bitterly.

Why do I have to suffer in so much pain?

---

Prina's POV

It's almost nine in the evening at nakauwi na kaming dalawa ni el. Nang maihatid namin si el sa bahay nila ay hindi man lang sya nagpaalam sa akin at bakas pa rin sa mukha niya ang labis na kalungkutan dahil na rin siguro sa paningin nya. amf

"Anak, musta ang debut? naihatid mo ba si el sa bahay nila?" nadatnan ko si mommy na nakaupo sa sofa. Napakabait ni mom pati si el inaaalala niya. Mom like her deserves to be for keeps. Inaantay na naman niya ako.

"Masaya po ang debut, mom and yep naihatid ko po ng maayos si el sa bahay nila," lumapit ako kay mommy at naupo sa tabi niya. "Bakit 'di pa po kayo natutulog, mom?" niyakap ko si mommy at pinatong ko ang baba ko sa balikat nito.

"Inaantay pa kasi kita. O siya umakyat ka na sa kwarto mo and take your rest." napangiti naman ako sa sinabi ni mommy kahit kailan talaga alagang-alaga ako ng parents ko.

"Okay, mom. You should take your rest too. Nighty night." I gave my mom a peck on her left cheeks and then I smiled.

Paakyat na ako sa hagdan nang muli akong magsalita "Oh, mom. You don't have to wait for me, I'm fine and I can handle myself anyway." nakakatuwa 'pag may nag-aantay sayo pero ayokong napupuyat si mommy ng dahil sa akin. Binilisan ko ang pag-akyat ko para 'di na muling makasagot si mommy.

Pumasok ako sa banyo and nagtake ng shower. Hindi ko maiwasang maisip iyong nangyari kanina. I was right, nasa mismong lugar ng debut party ang problema dahilan kung bakit nanumbalik sa normal ang paningin ni elyths. Buti na lang at marunong akong umarte na sumasakit ang ulo ko at nakumbinsi kong si el na umuwi.

It was such a relief na nagawa kong pabalikin ang abnormal niyang paningin. tsk

It means may inbitadong Dloppers sa debut kanina? at sino naman kaya iyon?

Pagkatapos kong magpalit ng pantulog, napatingin ako sa family picture namin na nakapwesto sa side table ng kama ko.

"Gagawin ko ang lahat mom and dad para hindi masira pamilya natin. Kahit pumatay pa ako ng iba. Mahal na mahal ko kayo mom and dad," hindi ko namalayan na may tumulo ng luha sa mga mata ko. I wiped them away. I don't want to lose them both but I had to choose.

Choosing between parents over friendship is always been fucking difficult to deal with.

Now, I already made up my mind.

"You're a great disaster, elyths.."

---

Elyths' POV

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog. Kanina lang ang saya-saya ko pa pero parang hindi ko na magawang maging masaya pa. Akala ko pa naman magiging normal na paningin ko pero nung umalis kami sa debut bumalik uli sa dati ang paningin ko.

Weird.

Hayss. Siguro naman babalik uli sa normal itong paningin ko diba? kung kanina nga nagawa nitong bumalik sa normal, ano pa kaya sa susunod diba?

Naalala ko naman iyong lalaking nakilala ko kanina sa debut party.

Foster Houlish.

I smiled.

Nakakatuwa siyang kasama, ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya at saka napakafamiliar niya. Parang somewhat nagkita na kami dati pero bakit ganon wala naman akong naaalala. Aish!

Iyong mata niya nagturned into gold in just a couple of seconds baka naman nagkakamali lang ako ng tingin abnormal pa naman itong mata ko.

Napatingin naman ako sa picture frame namin ng family ko na kasama si prina.

We considered prina as part of our family and prina did the same. Such a wonderful family. Hope it last forever. hehe

"Promise makikita ko din ang mga totoong niyong mga mukha. Lahat gagawin ko para Bumalik sa normal sight ang mata ko..." unti-unti na ako nakaramdam ng antok.

Makukuha ko na ang tulog ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Aaaaahhh!"

"Ano ba ate! Wag ka ngang sumigaw dyan!"

"eh ba't ka ba nandit— O-oy a-anong ginagawa mo bakit ka nahiga sa kama ko?!" Aba aba! Double kill 'to si kafated ah! Kakagulat ko lang ng bigla na lang siya pumapasok sa kwarto na may dalang pillow tapos nakahiga na siya agad sa kama ko.

"Sira air-con ng kwarto ko. Mainit." tipid niyang sagot. this time nakapikit na siya habang ang isang braso niya nakapatong sa noo niya.

"Bakit 'di ka dun sa kwarto ni mama matulog?" Inaantay ko siyang sumagot pero nanatili siyang tahimik at nakapikit. Hayss Ambilis naman niya atang nakatulog o baka naman ayaw niya lang talagang sumagot? tsk

Pinagmasdan ko si Alves, maganda siguro siya kung naging babae siya ano? hihi

"Ate..." nabigla naman ako sa kanya bigla bigla na lang nagsasalita. Sabi ko sa inyo, 'di lang talaga siya sumagot kanina eh.

"Alvina..." hehehe girl version name ni alves hoho.

"Elyths abno..."

"Alves the beki..." HAHAHA

"I'M. NOT. A. GAY. EL." binukas niya ang mata niya at walang emosyong nakatingin sakin pero bawat salita niya ay ramdam mong may diin. Nagiging bastos talaga yan pag napipikon hoho

"You started it." I pouted.

"tsk..." inalis niya ang tingin sakin at tumingin sa kisame. "Ate, may pag-asa pa bang makakita ka ng normal?" nabigla naman ako sa tanong niya. Ngayon ay seryoso na ang tono niya. Hays Gabi-gabi na ngayon pang naisipang mag-serious talk.

"Bakit mo naman natanong iyan all of a sudden?" instead answering him, I answered his question with another question. Magkapatid talaga kami nito.

"Kasi ayokong naloloko ka dahil sa paningin mo. You see things extraordinary strange and it makes you look more stupid. You get insults by many without knowing the whole story behind your sight," nakatingin sya sa akin ng malungkot. "and as a brother it hurts for me not be able to protect you even more better."

Napangiti naman ako ng marahan sa sinabi niya kahit medyo may pagkabastos siya I can't deny he really cares for me after all.

***

Peculiar Eyesight (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon