Chapter 10: Revelations

22 4 3
                                    

Elyths' POV

Nagising na ako ng maaga dahil may school activity kaming pupuntahan ni beshy prina. Kailangan kong bilisan dahil ilang minuto na lang at pupunta na dito sa bahay si prina. Sabi nya kasi susunduin daw niya ako para sabay na daw kami, pumayag na rin ako kotse naman nila prina ang maghahatid samin. Wag na choosey hohoho

Pagbaba ko ng hagdan may narinig akong familiar voice sa sala namin. Lalaki sya? sino naman kaya yun? Pumunta na ako sa sala namin para makita kung sino yun. Lumaki yung mata ko ng mapagtanto kung kanino yung familiar voice na narinig ko. Si Prince charming!

"Goodmorning, elyths" pagbati niya with matching ngiti. Shet! kahit nakikita ko na matanda na yung mukha niya, ang bango pa rin ng boses niya hihi pero anong ginagawa niya dito sa bahay namin ng ganito kaaga?

"Goodmorning din, grygeor" sabag ngiti "Ano nga pala ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Pinakilala ko sya kay mama that is why he's here" nagulat naman ako sa biglaang pagsasalita ni alves. Di naman sya yung tinatanong ko eh. Ngayon ko lang napansin na nandito rin pala si alves sa sala. Sila ata yung nag uusap kanina ni grygeor

"Bakit ang aga naman ata?" tinanong ko si alves pero parang wala syang balak sagutin ako? what? bastos 'to!

"Nakita ko siya sa daan kanina so I approached him and he invited me here. Gusto daw niya kasi ako ipakilala sa mama niya" si prince grygeor na ang sumagot sa tanong ko.

"Gusto ko siya ipakilala dahil sa pagtulong niya samin ng mga kaibigan ko nung nakaraang araw. I want mom to meet such a nice guy though" paglilinaw ni alves. Mukhang nagets niya kung ano gustong kong itanong hehehe tatalino!

Nakita ko si mama na papunta sa amin na may bitbit na dalawang ice cream. Ipinatong ni mama sa mini table yung dalawang ice cream. Kanila grygeor at alves. "Oh magkape muna kayong dalawa" pag aalok ni mama. Weh? Coffee pala yun? haha Bat ako walang kape? :'( i want coffee too! joke haha

"Ang bait pala nito ni geor, el. Magpakilala ka sa kanya anak" sabi sakin ni mama sabay hatak sa braso ko papunta sa harapan ni prince grygeor. Nahiya naman tuloy ako huhu

"magkakilala na po kami, tita. How can I forget the girl who has beautiful golden eyes?" grygeor invaded with chuckled tone. Wow. Thanks sa compliment hihi pero lakas maka-tita ah? tapos si mama may pa-nickname na rin kay grygeor, geor. Close agad??

"Elyths, naka-ready ka na?" lahat kami napatingin sa pintuan kung saan nandoon si prina na kakapasok lang. Feeling at home to si beshy ah? Ganyan na talaga yan. Papasok na lang yan sa bahay namin na walang pasabi. mwe haha

"Prina ikaw pala iyan. Aalis na ba kayo?" tanong ni mama kay prina pero si prina mukhang nagulat habang nakatangin kay.... grygeor? why? Napatingin din ako kay grygeor and yes, nakatingin din sya kay prina emotionless. Wala kang mababasa sa mukha niya ganon ba. Binalik ko uli paningin ko kay prina at ngayon ay nakakunot na ang noo niya habang nakatingin pa rin kay grygeor. Is everything ok?

"Hmm prina?" pagtawag uli ni mama kay beshy mukha kasing di siya narinig nito. Nahimasmasan naman agad si prina at tumingin kay mama sabay ngiti

"yes tita?" prina.

"Aalis na ba kayo? sabi ko" natatawang pag uulit ni mama. Napansin rin niya ata na nakatingin sya kay grygeor kanina.

"Ah opo eh. Marami pa po kasi kaming aasikasuhin sa school po" sagot ni beshy prina.

"Bago kayo umalis, papakilala muna kita sa bisita namin" ngumiti si mama ng nakakaloko kay prina na para bang nagsasabi ng 'crush-mo-pala-si-geor-ah' Hinila ni mama si prina palapit kay grygeor "geor, si prina. Bestfriend ng anak kong si el. Prina, si grygeor. Kaibigan ng anak kong si alves" pagpapakilala ni mama sa kanila. Nag-shakehands naman yung dalawa. Si prina yung mukha parang di mapakali na naiilang? crush niya siguro ata? habang si grygeor naman ngumiti lang ng tipid? eh? 

Peculiar Eyesight (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon