Elyths' POV
Wala ang last prof namin ngayon kasi may sudden emergency daw kaya eto kami ngayon ni beshy nasa garden ng school. Sinusulit ang vacant time haha
"Tungkol nga pala sa nakwento mo sakin noong umattend tayo ng debut ni maecy about sa lalaking nakilala mo tapos nagturn into gold yung mata nya" Pag-uumpisa ni beshy prina "Ano ang pangalan niya?"
Halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas pagkatapos ng debut ni maecy at naikwento ko nga rin pala kay prina yung tungkol sa lalaking nakilala ko nun. "foster houlish" nakita ko naman na tumango tango si prina "pero di naman ako sure na nagturn talaga sa gold yung mata ni foster because the lights there were dimmed" paglilinaw ko. Baka kasi nagkakamali lang ako ng nakita, abno pa naman itong mata ko.
"Sabagay. Pogi ba yung foster? haha" ngiting-ngiting tanong niya sakin. Yung mata niya sabik na sabik malaman kung pogi ba si foster nako ang hilig talaga nito sa pogi eh.
"Oo?" di ko siguradong sagot. Malay ko ba baka di naman talaga pogi baka kabaligtaran lang ang nakikita ko noon eh saka ayoko umasa.
"Anong Oo ka dyan? diba dapat alam mo iyan kasi helloo ikaw na rin nagsabi na normal yung paningin mo nun kaya dapat alam mo kung pogi o hindi" panunumbat ni prina sakin. Halatang naaatat na sya kung pogi ba si foster o hindi eh. Basta pag pogi ang usapan, high na high si beshy eh.
"eh kasi ayoko naman umasa sa mata ko baka niloloko lang naman ulit ako" pagsasabi ko ng totoo. Nakita ko naman si prina na napabuntong hininga na lang at inayos ang sarili saka muling humarap sa'kin.
"Sorry naman. Curious lang talaga ako sa fouster na yan eh. Mukha kasing pogi, pangalan pa lang beshy! hahaha" ewan ko ba dito sa kaibigan ko kung bakit nacurious kay foster. Naalala ko nung nakaraan din tinatanong niya sa akin kung ano ba itsura ni foster. Pinapadescribe nya ganon eh wala naman akong maisagot nun kasi di pa ako nakakamove on sa nangyari sa paningin ko nun. "pero beshy kung muli kayong magkikita, pakilala mo na sya sakin ah?" kilig na kilig na request sakin ni prina.
"Oo naman para sa ganon makita mo na kung pogi ba o hindi hahaha" sabay kaming napatawa ni prina. Hays buti na lang at nandito sya. Nang dahil sa kanya nakamove on ako sa paningin ko nun. She helped me. Pumupunta siya sa bahay para mag movie marathon kami, minsan naman inaaya nya akong lumabas at libre niya daw. Kaya nawala lahat ng lungkot ko nun.
"Excited na tuloy akong makita sya. Dapat tinanong mo manlang yung number niya or address para sa ganon ako na mag first move" pagbibiro ni prina with matching hampas sa braso ko. Ouch ah– ay oo nga pala may binigay sakin si foster na calling card niya!
"Meron siyang binigay sakin na calling card niya, beshy!" tuwang tuwang balita ko sa kanya, agad namang lumaki ang mata niya na parang di naniniwala.
"Nasan? ibigay mo na sakin beshy!" inalog alog nya pa yung balikat ko.
"di ko dala ngayon eh. Nasa bahay" nginuso ko yung labi ko para maasar siya. Nakakatawa kasi siya atat na atat kay foster haha Napasimangot na lang sya at nanahimik "bukas bigay ko sayo. Wag ka na tampo, di bagay sayo haha" lumiwanag naman ang mukha niya nang sabihin ko iyon. Pero bakit ganon? parang ang weird nya ngayon. Kasi di naman siya ganito na sabik na sabik makita ang isang tao. Sa pogi, pwede pa pero hindi ganitong curious na curious. Pero baka siguro gusto niya lang din makilala yung mga taong nakikilala ko.
Naglalakad na akong pauwi sa bahay namin at magseseven na ng gabi kaya binilisan ko na rin ang paglalakad ko. Hindi ko maiwasang matakot ng maalala ko yung may mapansin akong tumatanaw sa akin sa malayo tapos yung may sumusunod sakin tapos yung muntikan na akong masagasaan ng truck na yun pala ay motor lang. Grabe halos pumutok na yung puso ko sa sobrang kaba buti na lang at may nagligtas sakin nun. Sayang nga lang dahil di ko sya nakilala at napasalamatan.
Habang naglalakad ako may naririnig akong konting kaluskos mula sa likuran ko, di ko alam pero nagumpisa na akong kabahan baka kasi maulit na naman yung nangyari nung nakaraan. Naglakas ako ng loob na lingunin iyon pero paglingon ko wala namang akong nakitang ibang tao pero bakit ganon feeling ko may sumusunod sakin.
Tinuloy ko na lang ulit ang paglalakad ko and this time halos patakbo na akong naglalakad. Pinapanalangin ko na sana biglang dumating ang knight in shining armor ko at iligtas ulit ako. Nang patawid na ako sa pedestrian lane, tumingin muna ako sa kanan at kaliwa. Mahirap na baka ito na ang katapusan ko sa mundo. Pagkatapos ay tumawid na ako ng mabilis. Kasing bilis ng ferrari.
Nakauwi naman ako sa bahay ng ligtas at buong buo, walang labis walang kulang, katamtaman lang hehe Pagpasok ko ng bahay agad akong nagpakuha sa maganda kong kafated na si alves ng tubig dahil napagod ako sa kakatakbo jusmiyo. Baka ako na ang champion sa karerahan ng pabilisan ng pagtakbo sa buong pilipinas. Award winning diba haha
"anong nangyari sayo ate at hapong-hapo ka?" kuno't tanong ni kafated pagkatapos maibigay sakin ang tubig. Syempre uminom muna ako bago ko sagutin ang wonderful question niya *wink
"Namimiss na kasi kita kaya tumakbo na akong pauwi dito sa bahay yieee" pagsisinungaling ko. Inirapan lang ako ni kafated amf. Ayoko sabihin yung totoo baka kasi napraning lang ako kanina at kung ano ano ang naririnig ko. Atsaka alam kong aasarin lang ako nito ni alves. Isa rin 'tong abno eh. "Asan nga pala si mama?" pansin ko wala si mama, kadalasan naman pag umuuwi ako, silang dalawa ang unang bumubungad sakin.
"Wala. Umalis siya. May pinuntahan–at kung tatanungin mo ako kung san siya nagpunta ay hindi ko rin alam basta ang sabi nya may bibilhin lang daw sya" tuloy-tuloy nyang sagot. Magtatanong pa sana ako kung anong oras pa umalis si mama pero inunahan na niya ako "kanina pa sya umalis at di pa siya bumabalik til now" Kabisado na talaga ako ni kafated alam na niya kung ano itatanong ko.
"San naman kaya siya pupunta? Di naman nagpapagabi si mama diba?" napailing na lang si alves "at bakit di mo sinamahan si mama?" panunumbat ko kay alves.
"Do you think I would let mom to go out without accompanying her?" seryosong sagot sakin ni alves. Kung tutuusin di yan sagot kasi tanong iyan. Infairness mas magaling pa mag-english kafated ko kaysa sakin hehe "di niya ako pinayagan na samahan siya. Sabi niya kaya na daw niya" pagpapatuloy niya. Mukhang nag-aalala na rin si alves kay mama. Ano ba kasing pumasok sa utak ni mama at bakit di sya nagpasama kay alves at di pa umuuwi. Mama pls di ka na teenager huhu
Di ko na rin maiwasang kabahan kasi alas-otso na ng gabi pero wala pa siya. Si alves mukhang kalmado lang but deep within him kinakabahan na rin yan. Ayaw niya lang ipakita sakin para di ako lalong kabahan.
Di ako mapakali at panay ang lakad ko "walang masamang mangyayari, ate. Relax" pagpapakalma sakin ni alves at ngumiti ito ng konti. Yung ngiting nagsasabi na everything-will-be-ok. Kahit papaano naman gumaan naman pakiramdam ko.
Ilang minuto lang may narinig na kaming may nagbukas ng gate namin sa labas kaya agad kaming napatayo ni alves at pumunta sa pintuan para makita kung sino ang pumasok. Nakita namin si mama na papasok na pero bago siya pumasok nakita kong may kasama si mama na lalaki...
Anong ginagawa niya dito at bakit kasama ni mama si...
Sir prix.
BINABASA MO ANG
Peculiar Eyesight (On-going)
FantasyAng babaeng nagngangalang Elyths Foxelincs na may pambihirang klase ng mata ay aalamin ang misteryosong bumabalot sa mala ginto niyang mata. Ang kanyang nakikita ay kabaligtaran sa kung ano ang totoong nakikita ng iba. Ang kanyang paningin ay kakai...