Chapter 6: Debut party (Part II)

16 4 0
                                    


Lumapit pa ako sa mga babaeng kinikilig habang nag-uusap tungkol sa lalakeng sinasayaw ngayon ni maecy para pakinggan ang kanilang pinag-uusapan.

Hindi ako tsismosa, gusto ko lang maikompara ang mga nakikita ko sa nakikita nila.

"Ang ganda talaga ni maecy kaya ang daming nagkakagusto sa kanya eh."

Nabaling ang tingin ko kay maecy. And wow!

*Jaw-dropping*

Siya ba talaga iyan? Ibang-iba ang mukha ni maecy ngayon compared before.

Sobrang ganda niya. Bumagay sa kanya ang Long scarlet gown niya na kumikinang pa na parang maliliit ng dyamante. Napakakinis niya pa kaya lalong lumitaw ang kanyang kagandahan. Nakakainggit.

weyt..

Lumapit ako sa isang babaeng napadaan sa gawi ko at saka nagtanong "Excuse me, itatanong ko lang kung ano ang suot-suot ngayon ng birthday celebrant? Malabo kasi mata ko." I lied. Kumunot noo lang 'yong babae na para bang nagaalinlangan pa kung sasagutin ako o hindi. hayss

"Naka scarlet long gown sya. Why?" finally.

"Curious lang. Salamat." tinalikuran ko na agad yung babae saka umalis.

This can't be. Bumabalik na ba ang totoo kong paningin? Sana.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa paningin ko pero masaya ako ngayon. Tonight i'll consider myself as normal as them. Muli kong hinanap si prina habang masayang nililibot ang paningin ko sa paligid nitong venue. Kung pwede lang 'wag nang umuwi, gagawin ko, ang saya ko kasi.

"Beshy!!! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh." nagulat ako sa biglaang pagkapit sakin nang isang babae sa braso ko. Hindi familiar sakin ang mukha niya but one thing for sure I knew who owned that angelic voice to.

"B-Beshy?" I said in teary eyes.

"Bakit beshy? May problema ba?"

Ang ganda ganda niya. After several years, ngayon ko lang uli nasilayan ang totoo niyang mukha. Kaya pala hindi ko siya mahanap hanap kanina.

Tears started to fall down in my pinkish cheeks.

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari, elyths??"

Kung kanina hindi pa ako sigurado sa nakikita ko... ngayon hindi na ako pwedeng magkamali. Normal na ang paningin ko. Bumalik na ang totoo kong paningin. Niyakap ko si beshy ng mahigpit. "Sobrang namiss kita, prina!" I utter between my sobbing.

Nandito kami ngayon sa walang masyadong tao sa venue dahil hinila ako agad ni prina. Pinagtitinginan na daw kasi kami doon.

"Bakit ka ba umiiyak at bakit mo naman ako namiss? Halos magkasama tayo buong araw tapos—Ohmygosh Beshy!!! Yung make-up mo nagkalat na!" buti na lang at may dalang baby wipes si beshy at agad pinunas sa nagkalat na mascara at liquid eyeliner sa bandang mata ko.

Peculiar Eyesight (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon