CHAPTER 6

6 5 0
                                    

"Dad, okay ka lang ba maiwan dito ngayon? Wala ka bang nararamdaman? Baka may masakit sayo. Gusto mo ba 'wag na muna akong pumasok?" Pag-aalala ni Soledad sa ama.

Nangangamba kasi sya sa maaaring mangyari sa daddy nya at wala na naman itong kasama sa bahay.

"Anak, ayos na ako. Naisip ko nga na mag jogging mamaya." Pabirong sagot nito.

Nakahinga naman sya ng maluwag sa naging kasagutan ng ama.

Ngunit may pagdadalawang-isip pa rin syang lumabas ng pinto.

Ipinanatag nya na lamang ang loob at ipinalangin sa Diyos na 'wag nitong pababayaan ang kanyang ama. Alam nyang God is always listening.

Maaga syang dumating ng eskwelahan. 30 minutes advance bago ang first period ng klase.

Wala pang tao sa loob ng classroom nang pumasok sya ngunit maya-maya ay dumating na rin ang mga kaibigan nya.

"Hey, Sol!" Tawag ni Lucy sa kanya.
Sa may bintana kasi sya nakatingin. Naroon sa labas ang espiritu nya.

"Hey!" Sagot naman nya nang bumaling kay Lucy na tumawag sa kanya. She smiled when she saw them.

Niyakap naman nya isa-isa 'yong tatlo.

"Anyway, Girls? What's down there? Why were the students thronged at the field?" Curious nyang tanong. Naisip nya na siguro ay wala pa ang mga kaklase dahil nandodoon sila.

"Oh, that?" Lumapit silang apat sa may bintana ng classroom nila na nasa ika-tatlong palapag ng building at dinungaw ang mga nagkukumpulang estudyante sa may field. Glass window kasi ang bintana na meron sila, 'yong kasing height nila. Tanaw nila mula sa taas ang sa may limang booth ata. 'Yon ata ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante.

"There's a food exposition. I heard that one of the shareholders of this school will about to share his recipes sold in his almost 30 restaurants around the world. He's actually Jan ni's close friend. That Chef Edmund she introduced us during her birthday. You were already drunk that time, Sol." Ani Lucy.

"Wow! So it's free? Let's go there." Masiglang wika nya. Ayaw nyang palagpasin ang libring kainan. Restaurant food din 'yon uy.

Agad namang bumaba ang apat mula sa ikatlong palapag ng building.

"Chef Edmund was undeniably handsome. And I heard his company too. Perhaps, it's the reason why bitches were there. Not because of the free taste." Rue said.

Hindi ny naman pinansin ang sinabi ni Rue. Wala syang pake sa gwapo gwapo na yan. Foods ang isinisigaw ng kaluluwa nya.

Nang makapunta na sila roon sa place, totoo ngang marami ng mga estudyante roon kasali na rin siguro ang mga teacher and admin staff. So walang pasok?

Sa bawat booth ay may dalawang Chef na naka assign. Holy shit, ang gagwapo nilang lahat! Parang exposition naman ata iyon ng mga hot at poging chef. Kanin na lang ang kulang.

She is SoledadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon