Chapter 12

37 3 4
                                    

A/N: This Chapter is dedicated to HyacinthFrosterWp because I miss my ate already 😢
~
Andreia Ellise's POV
          Pagkauwi namin ay agad akong bumalik sa venue ng party ni dad. I told  Eve to take charge doon and to make kuha the original copy of  the CCTV footage. In short ibang copy ang binigay namin sa police. Like duh?

"Okay na ang footage. Check na natin Ellise" sambit ni Eve sabay higop ng kape sa tabi ng laptop niya.

So we're viewing the footage now. Alangan naman K-drama papanoorin namin noh! One CCTV lang kasi ang naka place sa hallway kung where nandun ang door sa kitchen. As usual mga cooks and waiters lang ang nakikita here sa footage. It's so halata that they're busy preparing na.

Mygad. This video is so boring like I want to make alis already! Wait, I already sound like Ivy! Arghh dapat kasi hindi ako masyado sumama sa kanya. Yan tuloy nahawa ako the way siya manalita. Okay Andreia, starting now you should practice yourself not to sound like Ivy. Okay?

So back to the footage, there's nothing unusual happening here. Me and Eve are waiting lang as if naman there's something here.

Wait.

"Stop right there Eve!" Agad naman na-pause ni Eve ang video. It stopped around 06:38:18

Anong ginagawa niya rito?




Why are you there Ivy?
**
Third Person's POV
           Isang lalake ang naglalakad papunta sa isang kwarto kung sa naroroon ang kaitaas-taasan ng kanilang organisasyon. Hatid nito ang masamang balita para sa boss nila.

"P-patay na po....." Nanginginig na sabi nito sa taong hindi man lang siya nililingon.

"Sinong patay na?" Kalmadong tanong nito sa lalake.

"P-patay na si Ammanda.... P-patay na po ang iyong kapatid.." Sabi ng lalake sabay yuko. Bakat sa boses ng lalake ang takot at pagluluksa.

"Pinigilan ko siya at sinabing ako na lang ang gagawa nguni—" isang malakas na tawa ang pumutol sa sinasabi niya.

"Hahahahahahahaha" tawa nito at itinutok sa lalake ang baril na hawak niya saka kinalabit ang gatilyo.

"Walang kwenta..." Sambit niya sabay tulo ng luha "Mga hayop sila..." Nanginginig nitong sabi. Galit na galit ito na tila nagaapoy na.

"They're really getting into my nerves." Sambit nito "Hanggang ngayon ay wala pa ring natatagpuan ni isa. I don't want to disappoint my parents" sabi niya saka pinunasan ang luha sa kanyang mukha.
**
Kris' POV
             "Bossing, mukhang iba ang napuntirya ng mga tauhan natin." Sabi ng guy na nakatayo beside ni papa. We're currently having our lunch inside the house. Hindi lang kami nila papa at mama ang nandito dahil nandito rin ang mga tauhan ng papa.

"I told you I don't want to discuss those kind of things inside my house." Sambit ni papa habang patuloy lang sa pagkain. Nakikiramdam lang ako sa paligid at pinili kong wag makisali sa usapan. I know kung ano ang pinaguusapan nila.

"Kris go to your room now." Sabi ni mama sa akin. I don't like her.

"Hindi mo ba nakikita na hindi pa ako tapos kumain?" Pagtataray ko sa kanya. I don't care kung marinig ako ng papa, stepmother ko lang siya. No one can replace my real mom.

"Is that how you treat your mother? Oh dear I'm so disappointed" arte niya na animo'y nagpupunas ng luha na tila bay nasasaktan talaga. Psh as if naman maniniwala ako sa kanya.

"Well, you're not my mother" sabi ko kay mama. Nasanay na lang ako na mama ang itawag sa kanya dahil kay papa. Tss

"Don't talk to your mother like that! Go to your room now!" Tinaasan ako ng boses ni papa kaya agad naman akong napatayo. Nakakainis na mas kinakampihan niya ang bruhang yan kaysa sa tunay niyang anak!

"Sabi ko nga aakyat na ako." Malamig na sagot ko kay papa saka ibinaling ang tingin ko kay mama "Ubusin mo yan" nilagay ko ang plato ko sa harapan niya saka tuluyang umakyat.

They really want to hide everything from me. They're trying to hide things that I've already knew.

Narinig ko kasi ang plan ni papa na patayin ang kambal sa pamamagitan ng paglason sa kanila that's why gusto kong lumipat kami sa ibang table because I knew na ang table na kinaroroonan namin ay nakalaan sa kanila kaya expected na doon ise-serve ang pagkaing may lason.

At hindi naman ako nagkamali dun. Nahirapan pa nga akong kumbinsin silang lumipat because of Ivy psh.

Is that how desperate my dad is? Kaya niya ba kumitil ng buhay para lang sa negosyo? Hindi ko talaga maimagine na ganyan si papa. Well, he's a silent type but I never knew na may ganyan pala siyang side.
**
Andrei Eleanor's
     There's really something on it. Tiningnan ko ulit ang message ng unknown number.

From: +639135364013

" Nhthfghf Pnrfne'f pbebangvba Nqqf ahzore ba Unqrf' pbyyrpgvba"

Hmmm kailan ko nga to na receive?—SNAP!

What's with the number 13? I've received this message 13 hours before the party. The venue for the welcoming party is in the 13th floor. Coincidence lang ba ang lahat or—

I immediately took my paper and pen at the table and I started decoding the code. Shit! Hindi lang ito isang beses ang step back. It's ROT 13! Kung nadecode ko lang sana to ng maaga maybe I can prevent those fucking chaos!

Augustus Caesar's coronation
Adds number on Hades' collection

Pfft. Bobo ata may gawa nito eh, the message is very obvious. No sweat for a handsome person like me.

It simply says na pagsapit ng alas 8:00 ay may mamatay. Why? Try to analyze the message, it's self-explanatory.

I took a glance on the wall clock at na realize ko na 3:00 am na pala. Di ko namalayan ang oras, maybe it's time for me to sleep and give myself a rest.

"Sleep well Handsome Creature" bulong ko sa sarili ko at tuluyan ng natulog.

~
A/N: boring? Lame? Pangit? Then stop reading hahahaha basic. Kidding! 😂

Short update lang mga bebe

The Zobel de Ayala Twins Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon