C3: FRIENDS

33 2 0
                                    

AUTHOR’s POV

“Miss Escolta?”

“Ha?”

“Sabi ko, ikaw nanaman.”

“Ah.. Sorry uli ha..”

Sa sobrang hiya ni Janine, pagkatapos niyang mag-sorry ay tumalikod na ito para makaalis na sa lugar na iyon. Super awkward kasi ang pakiramdam niya.

“Teka..”

Napatigil sa paglalakad si Janine.. Hindi niya alam kung lilingon ba siya, o magpapatuloy lang siya sa paglalakad.

“Jusko naman Charles.. Bakiiiittttttttt?? Super awkward na nga dyan ehhh. Jusme Di bale na, baka hindi naman ako yung sinasabihan niya nun. Baka sabihin niya, ang feeler ko.”

“Sabi ko teka lang..” sa pagkakataong ito, hinawakan ni Charles ang braso ni Janine para pigilan siya sa paglalakad papalayo sa kanya.

“Bakit?”

“Stay here..”

“Ha?!”

“Stay here.. with me.”

“Ba.. Bab.. Bakit?”

“Tara halika sa office ko.”

Hindi na naka-ayaw pa si Janine dahil bigla hinawakan ni Charles ang kamay niya at hinatak siya papunta sa isang room doon rin lang sa building na iyon.

“Bakit andito tayo?”

“Look, magkaliwanagan tayo, WALA akong gusto sa iyo. Okay?”

“Ang kapal mo naman! Anong akala mo? Porket hinatak mo ako dito, magfefeeling na ako??”

“Oo. For a commoner like you, well nature niyo na ang pag-fefeeling.”

“Aba’t ang yabang mo talaga ha! Akala ko pa man din, iba ka sa kanila.”

Look, for 2 weeks, iisa lang ang panaginip ko. Isang nakakaburaot na mukha ang lagi kong napapanaginipan.”

“Oh pakialam ko sa pangit mong panaginip??”

“Sabi ko, hahanapin ko yung mukha na iyon. At you know what? It was you.”

“AKO?!”

“Oo. Ikaw. Malinaw at hindi ako nagkakamali, ikaw ang nasa panaginip ko. Ang lakas talaga makapanira ng mukha mo eh nuh?”

“Alam mo, isang lait na lang at uupakan na kita!”

“Sorry.. Pero, I’m telling you the truth.. Ikaw ang nasa panaginip ko Janine.. hindi ko alam kung bakit.. pero gusto kitang makasabay ngayong araw na ito. Ok lang ba?”

“Ayoko.”

“What??”

“Ayoko sabi.”

“Alam mo, bihira na mang-alok ako ng isang  buong araw sa isang babae! At swerte ka dahil kahit pangit ka, kinakausap kita! Swerte ka dahil kahit pangit ka, may isang Charles Buenaventura kang kasama!”

GANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon