C20: PROCESS

25 1 0
                                    

AUTHOR’s POV

Nagpatuloy ang mga sessions ni Janine sa kanyang mga private teachers.

Natututo na siya kung paano maglakad ng maayos ng naka-high heels.

Alam na niya paano maglakad ng may confidence at fierceness.

Sa English Proficiency naman niya, nahasa pa siya lalo ni Jeffrey na talaga namang ikinatuwa ng lahat.

Marunong na siyang gumamit ng mga pang-bitchesang mga salita at sagot.

Pero, patuloy ang pag-papaalala sa kanya ni Jeffrey na dapat lang itong gamitin sa mga tamang sitwasyon at sa tamang tao lang dapat.

Winner din ang team ni Benj at ang derma ni Janine, dahil nagwowork ang mga gamot at sessions sa kanya, unti unti nang kumikinis ang mukha at balat ni Janine na puro pimples, blackheads, whiteheads at peklat peklat.

Natutuwa naman sa kanya si Benj dahil marunong na din siyang mag-make up na hindi nagiging kamukha ng tilapiang binudburan ng harina.

Pantay na siyang mag-make up at talagang magaganda ang mga color combinations ng kanyang eyeshadows.

Pagdating naman sa pananamit, simple but with class ang fashion statement ni Janine. Which sabi ni Charlene, suits her naman Magaling na din si Janine mag-combine ng colors ng mga suot suot niya. Mas trendy ang pastel colors so more on yun ang pinagtutuunan niyang kulay.

At hindi parating nakaheelss si Janine, binabagay niya sa occassion kung ano ang suot niya. Pinaplano na niya the night before kung ano ang suot niyang pang-itaas, pambaba, sapatos, bag at alahas on the day ng event.

Nagpagawa na din si Janine ng mga casual dresses, night gowns, ball gowns, cocktail dresses at namili na siya ng mga damit damit, sapatos, bag at mga alahas.

At sa wakas, tinanggal na din ang braces ni Janine, na lalo pang nagdagdag ng kagandahan sa kanya.

Sa mga sessions naman niya kay Mr. Edward, ang tutor niya sa pagpapatako ng kumpanya, masasabing natural na kay Janine ang pagiging magaling, matalino at mabilis maka-pick up. Dahil sa kaunting panahon, ng dami ng alam ni Janine, at madami na siyang strategies na naiisip.

Sabi sa kanya ni Edward na hinding hindi mahihirapan si Janine kung parati siya ganoon. Talagang mag-ama sila ni Enrique kasi natural born leader siya. Hindi siya boss. Leader siya.

Sa maikling panahon, masasabi na talagang pursigido si Janine sa ginagawa niya una dahil, makikita mo sa kanya ang effort niya. 200% talaga ang binibigay niya.

She always see to it na wala siyang nakakalimutang gawin, at aralin.

Now, she can say na na-transform na talaga siya.

-----------------------------------------------------------------

Very short chapter. :)) Hi guys!

VOTE. COMMENT. SPREAD.

-MAYORA. <3

GANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon