C6: LAIT

30 2 2
                                    

THREE MONTHS NA NAKAKARAAN..

JANINE’s POV

*Kriiiiiiiiiiiiiinggggggggg!

“JANINE! Gumising ka na!!”

Ugh si nanay naman eh! Ayun na eh hahalikan na ako ng prince charming Enrique ko ehh!

Nga pala readers, asawa ko si Enrique Gil. Ako ang legit na asawa.

Hahaha. :”> Shete ang lakas ko makapag-imagine! :”>

Haaaaaayyyy. :”>

“Hoy Janine!! Tigil tigilan mo nga yang kakatunganga mo dyan.”

“Nay naman eh! Panira ka ng panaginip!”

“Oh eh baket? Uunahin ko pa ba yang panaginip mo?? Kanina pa kita ginigising. Dalian mo at alas syete na oh. Alas otso klase mo di ba?”

“Ay! Ay! Ay! Oo nga nay! Nako male-late na ako!” Sabi ko habang nagmamadaling inayos ang aking hinigaan.

Dali dali ako naligo, nagbihis at kumain.

“Nay! Taposna ho ako! Andyan na po ba si Mang Ed?”

“Oo! Dalian mong bata ka!”

Dali dali akong nag-sapatos at lumabas ng kwarto ko.

“Mang Ed!” Bati ko sa driver ko at pumasok na ako ng kotse.

Papunta sa eskwela, tahimik lang ako habang binabasa ko ang favourite kong libro.

“Janine.. Kamusta ang mga bitchesa sa loob?” pagtatanong ng driver ko sa akin

“Ayun, na-bully ako kahapon ng mga bitchesa.”

“Huwhaaaaaattt?? Ay nako girl ha, kailangan malaman ng mudra mo to!”

“Ay nako wag mo pong sasabihin! Ayoko na dagdagan ang mga problema ni nanay..”

“Eh ano bang nilalait nila sa iyo?”

“Syempre. Yung pisikal kong anyo..”

“Hmmm. Alam  mo, hindi ka naman pangit eh. Andami mo lang talagang balakubak at pimples. Pero! Pag nawala yan, gaganda ka na. Hindi naman deformed ang facial structures mo eh.”

Ano ba pinagsasasabi ng driver ko na to.. Ang pangit pangit ko kaya. Alam niyo yung buhok ko? May mas kinky pa ba dito? Malala pa pagka-kinky neto sa mga chevarloo ng mga babae down-there eh.

At ano daw? Pag nawala pimples ko? Baka mawala. Aiiiissshhh. Masyado akong pinapaasa ni Mang Ed.

( Author: Sabihin mo, hoping ka din naman! Para kay Enrique mo! Ayie. :”> )

Author ano ba! :”> Tumigil ka nga. Isa ka pa eh. Pinapaasa mo ako.

“Janine, bumaba ka na. Andito na tayo. 7:45am pa lang naman. Kaya may oras ka pa para hindi ma-late. Goodluck Janine! AJA!”

Kahit kailan talaga tong driver ko na to oh..

Sana ganyan din si nanay sa akin..

Sana ganyan din niya ako kausapin.. yung pinapataaas yung self-confidence ko!

Hindi yung parang diring diri siya sa akin..

Hayaan na nga..

*buntong hininga

GANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon