C7: TRUTH

30 2 2
                                    

MERYL’s POV

Pinapasok ako ng babae sa isang malaking opisina. May nakita akong isang upuan na nakatalikod sa akin.

“Maupo ho kayo Ma’am. .... Sir, andito na po siya.” Sabi niya sa amin at umalis na ng kwarto

“Magandang Hapon ho.. Maari bang malaman sino ho kayo?”

“Sabihin na nating ako ang hero-of-the-day ng anak mo..”

“Ho?”

“Ako nagbayad ng bill ng anak mo.. Kani-kanina lang.”

“Naku! Maraming salamat sayo Sir..”

“May kondisyon ako.. Meryl..”

Sa pagkakataong iyon, may kakaiba akong naramdaman..

Hindi ko alam ano pero kinabahan ako.

Kumakabog ang dibdib ko..

“Meryl.. Meryl Escolta.. or should I say, Mrs. Meryl Escolta-Ayala.”

Jusko hindi pupwede ito!

Sana hindi tama ang nararamdaman ko..

Hinarap na ako ng aking kausap..

“Meryl..” Isang sympatikong lalaki ang nasa harapan ko..

Muli kong narinig ang boses na iyan..

Boses na muli akong tinawag..

“Enrique..” naluluha kong tawag sa kanya.

“Oh my gosh. It is you.. This time, tama na ako. Matagal kitang hinanap Meryl.”

 Napatulala ako ng ilang segundo.. Hindi lang talaga ako makapaniwala na siya itong nasa harap ko.

“Isasauli ko na lang yung perang pinambayad mo. Siguro, hindi ngayon. Pero pagiipunan ko.”

Tumayo ang lalaki at hinarap ako.. Tinitigan mula ulo hanggang paa..

At muli akong tinignan mata sa mata.

“Meryl.. Hindi.. Huwag mong isauli.. Tanggapin mo iyon.. Tsaka isa pa, anak ko yung tinulungan ko..”

“HINDI MO ANAK SI JANINE!”

“Meryl! Huwag mo na i-deny! Alam ko na! Alam ko na ang lahat! Alam ko na ikaw at yung babaeng iniwanan ako ay iisa! At yung anak mo, anak ko din siya! Tignan mo ito!” At kinuha niya ang isang folder at binigay sa akin

Pagbukas ko, isang DNA Test Result ang nasa loob ng folder.

Habang tinititigan ko ang resulta na: 99.99% Match, hindi ko mapigilang maluha..

Hindi lang pala basta maluha.. Maiyak. Hindi ko mapigilang umiyak..

“Meryl, bakit?? BAKIT?!” sigaw niya sa akin

“OO NA! Anak mo nga si Janine!”

“Pero bakit hindi mo sinabi Meryl? Bakit?? Bakit mo ako iniwan?”

Iyang mga tanong na iyan ang iniiwasan ko BUONG BUHAY ko na maitanong sa akin ng kahit na sino..

Tapos heto, yung lalaking minahal ko noon pa ang magtatanong..

GANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon