C5: MYSELF

32 2 0
                                    

“Grabe ang sarap sarap nito!! Hmmm. Yum!”

“Oh my gosh Gail! Ang lakas lakas mo kumain ng.. ng.. what’s that again??”

“Bopis Deniece. BOPIS!”

“Oh yeah.. Bopis.”

“Deniece, sigurado ka bang okay ka lang na kumain ng streetfoods? Kung ayaw mo naman, okay lang. Hindi ka namin pipilitin. Baka mapaano ka eh.”

“Sorry guys.. Hindi naman sa nag-iinarte ako.. Pero, di ko talaga kayang kumain nyan ehh. Tsaka isa pa, i have history of amoebiasis.”

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Deniece at agad agad na sinunggaban ang mga streetfoods na dala niya.

Natatakot sila na baka ma-trigger ang sakit nito.

“Deniece! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?? Sa amin! At Gail, kain ka ng kain jan di mo man lang kami sinabihan.”

“Alam niyo kasi, naniniwala ako na kailangan din ng tao ang kaunting bacteria sa katawan!”

“Sira! Nababaliw ka na ba??”

“Georgie georgie.. Kailangan mo ng bacteria! Kailangan mo ng dumi sa katawan! Sinabi sa akin yan ng pedia ko nung bata pa ako. Sa sobrang linis ng nanay ko, ayun kaunting may makain lang, nakakasakit na agad.”

“Psh. Maniwala ako sayo!”

“Oh edi wag kang maniwala!”

Habang nag-aaway sina George at Gail.. At nagpunta naman si Deniece sa grocery since na wala siyang makain sa kalsada.. Si Janine ay nakakita ng isang bagay na gustong gusto niya..

.

.

.

.

.

.

.

.

Mga mamahaling sapatos. Stilettos to be specific.

“Wow. Ang gaganda @___@”

Napanganga siya habang nakatingin sa mga sapatos mula sa labas ng mamahalin at sosyal na tindahan na iyon.

Matagal niya nang gusto ang mga ganoong klaseng sapatos.

SOMEBODY: Ang gaganda nila ano?

“Ay palaka!” Sa gulat ni Janine, eto ang mga nasabi niya. At nilingon niya ang babaeng nagsalita sa likuran niya.

SOMEBODY: I’m sorry nagulat kita hija.. (smiles sweetly)

“Pasensya na po sa mga nasabi ko.. Kayo naman po kasi.. Pero, okay lang po iyon!”

SOMEBODY: Ang bait mo naman.. Ang gaganda ng mga ito ano?

“Ay! Opo ma’am. Maganda nga silang lahat! Hayy. Kaso, ang gaganda rin ng mga presyo.”

Ngumiti lamang ang babae at pumasok na ito sa mamahaling tindahan.

Hindi alam ni Janine kung ano ang pakay sa kanya ng babae kaya naman umalis na din siya roon sa tindahan na iyon.

.

GANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon